Chapter 18

11 1 0
                                    

Chapter 18:

Nasa harap ako ngayon ng sasakyan ni Kuya. Thirty minutes na lang at magsisimula na ang kasal. Napag-desisyunan kong wag na lamang pumunta sa kasal. This wedding is not fair for the both of us.

"Let's go, umuwi na tayo Celestine" sabi ni Kuya Favian. But what if, I will give it a try?

Hindi naman mahirap mahalin si Zadkiel. Naging komportable nga ako sa kanya. Pero papaano naman kung masaktan ulit ako? Papaano naman kung hindi naman talaga niya ako gusto? Damn it. This is so frustrating.

"Celestine, ano pang hinihintay mo? Let's go" sabi ni Kuya Favian.

Hindi na nga ako nakapag-paalam kay Willow. Basta na lang akong hinila ni Kuya sa parking. Damn it. Hindi ko na hinintay na tanungin ako ulit ni Kuya. Kusa na akong pumasok sa loob sasakyan ni Kuya.

Nang makapasok ako ay agad na ini-start ni Kuya ang makina at pinaharurot ang kotse. Tama ba ang desisyon kong ito? Tinignan ko ang oras sa cellphone ko at nakita ko na, fifteen minutes na lang bago ang kasal.

Siguro ay nagsisimula na nga ang line up ng mga bridesmaids doon. Hindi nila alam na hindi rin pala darating bride. What I did is really insane. At ngayon pinapaasa ko ang mga tao doon.

Nakatingin lang ako sa labas ng bintana ng sasakyan hanggang sa naisip ko ang sinabi saakin ni Zadkiel, noong gabi na kinasal si Hunter.

Don't worry. I will genuinely love and take care of you for three months

Don't be scared. I am here. Always remember that I am here ready to hug you in your worst days. And please, let's forget about our three-month contract. Let's just be happy

Ilang beses din nagpakita ang mukha ni Zadkiel sa isip ko. Na ngumingiti siya kapag nakikita niya ako, ang mga walang katapusan na pagpuri niya saakin. Ang paglalambing niya, ang pagpupumilit niya na tutulungan daw niya ako sa paghanda sa kasal.

I guess, hindi ko lang siya slight na crush. I think I like him. This is the first time that I like someone after three long years. And I guess, I will regret if I didn't give this feeling a chance.

Tinignan ko ang oras at limang minuto na lang ay kasal ko na. Agad kong nilingon si Kuya.

"Turn back the car!" sigaw ko sa kanya.

"What?" takang tanong niya saakin. Limang minute na lang. Kailangan kong bumalik sa resort na iyon!

"Gusto kong pakasalan si Zadkiel!" sigaw ko kay Kuya.

"What?!" tanong niya ulit. Naiirita na ako! Male-late ako sa kasal ko!

"Stop the goddamn car now!" sigaw ko. Nagulat naman ako ng biglang hininto ni Kuya ang sasakyan. Agad akong bumaba at umikot sa driver's seat.

"Now, let me drive" sabi ko. Nagtatakang bumaba naman si Kuya sa sasakyan niya at umikot sa passenger seat. Agad ko isinarado ang pintuan ng makaupo na ako.

Hindi na ako naghintay pa at agad na ni-u turn ang sasakyan at pinaharurot ito pabalik sa resort. Hindi pa naman siguro kami nakakalayo diba?

"Damn! We're not in the race track princess!" sigaw niya. Nakita ko naman siya na napakapit na siya sa upuan niya. Damn, limang minuto na lang. Kailangan kong makabalik doon.

"Drive slowly!" sigaw na saakin ni Kuya.

"Tss. May hinahabol akong kasal Kuya!" sigaw ko pabalik sa kanya. Mas lalo kong binilisan ang pagpapatakbo ng matanaw ko na malapit na ang resort.

Pero nagulat ako ng biglang huminto ang sasakyan. What the fuck?! 15 meters pa bago ang resort. Agad kong tinignana ang gas at empty nga ito. Bakit ba ganito ang mga sasakyan ng Alfaro? Ang gara pero wala namang gasolina.

"Damn! Kuya ano ba tong sasakyan mo?!" sigaw ko kay Kuya.

"Ang gara, pero wala namang gasolina!" sabi ko at lumabas na sa sasakyan niya. Napangiti naman ako ng maalala ko si Zadkiel. Tss. Sinabihan niya rin kasi ako ng ganyan.

"What are we gonna do now princess?" tanong saakin ni Kuya.

"Tss. Pupunta ako sa kasal kahit anong mangyari" sabi ko at hinubad na ang matataas kong heels. Hindi naman siguro masama kung tatakbo ako diba? 15 meters na lang! Kaya ko yan!

"Call someone to take care of your car Kuya. At saka kitakits na lang sa kasal" sabi ko at tinapon ang heels ko. Itinaas ko naman ang gown ko upang maka-takbo ako ng maayos.

I can't believe that this shit is happening to me right now. I've seen this in movies, but I didn't expect that this will happen to me in real life. Tss. Damn! Ang bigat ng gown ko!

Hindi naman ganoon kalaki ang gown ko pero, mabigat pa rin ito dahil sa mga nakakabit na designs. Patuloy lang ako sa pagtakbo hanggang sa naramdaman ko na nasisira na ang ayos ng buhok ko. This is supposed to be a beautiful bun.

Pero mukha na itong pugad! Dahil sa frustration ko, habang tumatakbo ay kinukuha ko na lang ang pagkaka-ayos ng buhok ko. Hanggang sa hindi na ito bun at normal na wavy hair ko na lang. I don't care. Kailangan kong ikasal.

Malapit na ako sa resort at ramdam na ramdam ko na ang sakit ng paa ko. Idagdag pa ang pawis ko. Damn. Hindi ko inaakala na tatakbo ako ng naka-paa para sa isang lalaki.

Nang makarating ako sa tapat ng resort ay agad akong napatigil sa takbo at napahawak sa signboard ng resort. Damn. Nakakapagod.

Nagbilang muna ako bago tumakbo ulit sa resort. Dali-dali akong tumakbo sa dalampasigan at nakita ko na nagkakagulo na sila doon. Tss. Runaway bride nga talaga ang peg ko.

Agad na hinanap ng mata ko si Zadkiel. Nakita ko siya na nakatayo lang at nakatulala sa dagat. I'm sorry for attempting to leave you Zadkiel. Agad akong tumakbo papalpit sa kanya.

Hindi ko na inalintana ang gulat ng mga tao ng makita ako. Si Zadkiel ang punta ko dito. Agad kong niyakap mula sa likod si Zadkiel. Naramdaman ko naman na nagulat siya.

"Zadkiel..I'm sorry...I'm sorry. Hindi ulit ako tatakbo. Hindi na ako tatakas" sabi ko. Hindi ko na napigilan ang mga luha ko at nagsimula na silang kumawala sa mga mata ko.

Kumalas sa yakap ko si Zadkiel at humarap na siya saakin. Nang magtama ang tingin naming ay hindi ko na napigilan na hindi umiyak. I'm sorry, for hurting this precious man" I'm sorry Zadkiel.

"I like you" sabi ni Zadkiel saakin. Hindi ko alam pero mas lalo akong naiyak. Naramdaman ko rin ang pagbilis ng tibok ng puso ko.

"I like you too, Zadkiel" sabi ko at niyakap siya ulit.

"Tuloy ang kasal!" rinig kong sigaw ni Willow.

--

Herannie 

Hidden FortressTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon