Chapter 24

12 0 0
                                    

Chapter 24:

Nagising ako dahil sa ingay na narinig ko. Unti-unti kong minulat ang mga mata ko at nakita ko si Zadkiel.

"Congratulations! Doctor Alfaro is pregnant!" agad na nagpanting ang tenga ko sa narinig ko. Ano daw? Doctor Alfaro is pregnant? Doctor Alfaro? Ako? Buntis?

"Baby!" agad na lumapit saakin si Zadkiel ng makita iya na gising ako. Sinapo niya ang mukha ko at hinayaan ko lang siya na gawin yun. Wala akong lakas para labanan siya.

"Are you okay?" tanong niya saakin. Tinignan ko na lamang siya deretso sa mga napaka-gandang mga mata niya. Kung buntis ng talaga ako sa anak niya, I hope he or she will inherit his/her father beautiful eyes.

"Zadkiel...." tawag ko sa kanya. Hindi ko pa rin nkakalimutan kung ano ang nasaksihan ko kagabi. Paulit-ulit pa rin ito sa utak ko .

"Zadkiel...please...iwan mo na lang ako" pagmamakaawa ko. Kaya ko naman sigurong magpalaki ng bata na mag-isa diba?

"What do you mean baby? Look, we're having a child, you're giving me the best gift right now, baby. This is the best birthday gift baby" sabi niya saakin. Ngayon pala ang birthday niya? Tss. Napaka-sama ko namang asawa, hindi ko alam kung kailan ang birthday niya.

"I'm glad that we're having a child, but, I can raise this child on my own" sabi ko sa kanya. Nakita ko naman ang galit sa mga mata niya. Kung nagagalit siya mas nagagalit ako.

"No! If this is about yesterday night, I can prove myself innocent, Celestine" sabi niya saakin.

"But—"

"I am not giving up on you Celestine! You're my wife!" sabi niya. Naramdaman ko naman ang nangingilid kong luha. Bakit ba kasi ang iyakin ko.

"Give me this whole day, I'll prove it to you" mahinahon na sabi niya. Agad siyang lumapit at hinalikan ako sa labi.

"I'll be back" sabi niya at tuluyan ng isinara ang pintuan.

Nang makalabas si Zadkiel sa kwarto ko ay agad akong napaiyak. Bakit ba ganito ang nangyayari saakin? Do I not deserve to be happy? Kailangan kong maging masaya. Magkaka-anak na kami ni Zadkiel, sa lalaking mahal ko.

But why? Bakit ako ginaganito? Pagod na pagod na ako.

"Princess!" gulat akong napatingin sa pintuan ng kwarto ko. Nakita ko si Kuya Favian ang pumasok. Tumakbo siya papalapit saakin at niyakap ako. Damn. Mas lalo akong naiyak dahil sa yakap niya.

"How's mommy? Okay lang ba siya? Nasa ICU pa rin ba siya?" sunod-sunod na tanong ko kay Kuya.

"Shh. Mommy is fine, aalahanin mo muna ang sarili mo Celestine. Look at yourself, you look so stressed" sabi ni Kuya saakin.

"Okay lang ako Kuya, don't worry about me" sabi ko sa kanya.

"Where's Zadkiel? Why is he not here? At saka diba umuwi kana? Papaano ka napunta dito sa hospital?" sunod-sunod na tanong ni Kuya. Ayaw kong sabihin sa kanya kung ano ang nangyari saamin ni Zadkiel. Ayaw ko ng dagdagan ang iniisip nila.

"May ginawa lang Kuya, don't worry, he'll be back" sabi ko na lang kay Kuya. Nagkatitigan muna kami bago ko siya na kumbinsi. Alam niya siguro na ayaw kong magkwento.

"Help me, gusto kong makita si Mommy" sabi ko sa kanya. Inalalayan niya naman ako na makatayo sa hospital bed. Mabuti na lang at nandito rin ako dinala ni Zadkiel. Isa lang ang hospital naming ni Mommy.

Nang makarating kami sa labas ng ICU ay nakita ko si Dad at ang iba ko pang Kuya. Tinanong nila ako kung ano ang nangyari saakin pero nanahimik na lamang ako. Mukhang naintindihan naman nila na ayaw kong magsalita kaya pinili na lang rin nila na manahimik.

Lumapit ako sa isang nurse at sinabi na gusto kong dalawin si Mommy sa loob mismo ng ICU. Mabuti naman at pinagbigyan nila ako. Tss. Ako kaya ang may-ari ng hospital na to.

Nagbihis muna ako bago naglakad papasok sa ICU. Ramdam ko pa rin ang panghihina ng katawan ko. Hindi pa pala ako nakakain mula kahapon.

Lumapit ako sa higaan ni Mommy at umupo sa gilid ng kama niya. Hindi ko mapigilan na hindi umiyak. I know that she's been not a good mother to me. Pero, alam ko na may tinatago rin siyang pagmamahal saakin.

Hindi niya ako paparangalan kung wala hindi siya nag-aalala saakin. Kahit na hindi siya ang totoo kong nanay, pero siya naman ang nakilala kong tumayo bilang nanay ko.

"Mommy, wake up please..I am sorry" sabi ko habang hinahawakan ang kamay niya.

Inilapit ko ang kamay niya sa pisngi ko. I want to feel her embrace. Kahit kailan ay hindi ako niyakap ni Mommy. I slowly open my eyes when I feel that her fingers are moving. Nakita ko na gising na si Mommy.

"Mommy!" masayang sabi ko ng makita ko siyang gising na. Gumaan ng konti ang pakiramdam ko.

"Celestine..hija.." mahinang tawag niya saakin.

"Mommy, I'm happy, gising na po kayo" sabi ko sa kanya habang nakangiti. This is the first time na tinawag ako ni Mommy sa malumanay na boses.

"I'm sorry, hija. Hindi ako naging mabuti na nanay sayo" mahinang sabi niya saakin.

"No, mommy. Hindi po ako matututo kung wala po kayo" naiiyak na sabi ko sa kanya.

"I was blinded by my jealousy. Anong laban ko sa nanay mo? Mahal na mahal siya ng Daddy mo eh" malungkot na sabi saakin ni Mommy. Humigpit naman ang pagkakahawak ko sa kanya. I know that it is not easy, nasaktan lang rin si Mommy.

"Tumindi ang galit ko ng malaman kong may anak sila. Hanggang sa nalaman ko na namatay si Evelina, and your father brought you and Favian in the house" sabi ni Mommy habang umiiyak.

"Mommy.."

"I am sorry hija. I should have known, you and Favian have nothing to do with us. I regret for not treating you right" sabi ni Mommy saakin habang umiiyak. Mas lalo na lamang akong umiyak ng unti-unti niyang ibinuka ang mga braso niya at sinenyasan ako na yumakap sa kanya.

Pinagbigyan ko naman si Mommy at niyakap siya. Umiiyak lang ako habang yakap siya. After all these years, ngayon lang ako nayakap ni Mommy. Kahit na hindi siya ang nanay ko ramdam ko pa rin ang pagmamahal niya bilang ina.

"I am really sorry, hija. And thank you for understanding. Thank you for not giving up on us, on me" sabi niya saakin.

"It's okay, Mommy. Naiintindihan ko po kayo" sabi ko sa gitna ng mga yakap niya. Kumalas ako sa yakap at hinarap si Mommy.

"We will start a new life, Mommy. Magba-bonding tayo" sabi ko habang pinapahid ang mga luha ko.

"Hija. Of course we will do th—" hindi na natuloy ni Mommy ang sasabihin niya ng bigla siyang atakihin. Agad naman akong kumilos at tinignan ang pulso niya. Humihina na ito.

"Mommy!" sigaw ko. Nakita ko na lumapit na rin ang mga nurse saamin. Ini-revive ko si Mommy pero mahina na ang respone ng puso niya.

"Ce..les..tine...follow..your..h-heart...b-be happy.."

"Mommy!"

"I...may..be...successfully....b-became..an A-Alfaro..b-but..s-till..I failed to be your father's...only...woman"

"No! Mommy! Mahal rin po kayo ni Daddy!"

"I..love..you..a-anak...I can..die..now, peace-f-fully" sabi ni Mommy at tuluyan ng nawalan ng tibok ang puso niya.

--

Herannie 

Hidden FortressTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon