Chapter 22

10 1 0
                                    

Chapter 22:

Masama ang mga titig ko sa cellphone ko. Kanina pa ako nagte-text kay Zadkiel pero hindi pa rin siya nagre-reply. Damn him. Magsaya sila ng Maverine na super model niya. Tss.

Wait? Am I jealous? At bakit naman ako magseselos? Mas maganda naman ako dun, mas sexy, at kaya ko ring mag-cat walk. Na walang heels. Tss. Damn, what's taking him so long to reply?

"Ma'am, may bisita po kayo" sabi ng secretary ko saakin. Bisita? Wala akong ine-expect na bisita ngayon. Inayos ko ang sarili ko at di nagtagal ay pinapsok na ng secretary ko ang mga bisita ko. Nagulat naman ako ng malaman kung sino ang mga bisita.

Zadkiel's Mom and Dad.

Agad akong tumayo at iginaya sila sa sofa ng opisina ko. Akala ko tapos na ang dalaw nila saakin? Bakit may pa-part two? Ito na ba? Mangyayari na ba ang sampalan? Ano? Bibigyan ba ako ng pera, para layuan ko ang anak nila? Pero masyadong marami na akong pera.

"Good morning, Ma'am/Sir" bati ko sa kanila. Umupo naman kaming tatlo sa sofa. Kaharap ko silang dalawa. Kung kahapon ay kinakabahan ako kahit nandyan si Zadkiel, papaano na lang ngayon na wala siya dito sa tabi ko?

"Good morning din hija" bati ng nanay ni Zadkiel saakin.

"What do you want po? Coffee? Tea? Juice?" tanong ko.

"Nothing hija, napadaan lang talaga kami dito. We have something to tell you" sabi ng Nanay niya pa rin. Ilap ata sa tao ang tatay ni Zadkiel. May pinagmanahan nga si Zadkiel.

"What is it Ma'am?" pormal na tanong ko. Kaya ko to! Ilang business meetings na ang nalampasan ko. Tapos dito titiklop ako? No. Itaas ang bandera ng mga Alfaro.

"Drop the formality hija, and stop calling us 'Ma'am and Sir'. Call us Mom and Dad, asawa ka ng anak namin" sabi ng nanay niya ulit.

"We knew about your true relationship, hija" biglang sabi ng tatay ni Zadkiel. Napayuko naman ako dahil doon. I see this coming, I am not surprised anymore.

"Mahal mo ba talaga ang anak namin?" tanong ng tatay niya. Marunog rin pala siyang mag-tagalog. Tss. Magtino ka Celestina, nasa isang seryosong sitwasyon ka.

"Sorry, but I can't answer your question po" nakayukong sabi ko. I can't really answer their question. I may be like Zadkiel, but love? I don't know, hindi naman ganon kadali magmahal eh. But, on my defense, it's not really hard to love Zadkiel.

I just want to take it slow, because I actually don't trust myself that much. Gusto kong mahalin si Zadkiel, but I need to rely on the process. Hindi madali ang pinagdaanan ko.

"It's okay hija. We understand you" sabi ng nanay ni Zadkiel. Hindi ko na napigilan ang mga luha kong unti-unting tumulo. This is my first time, hearing the words 'I understand you' or 'we understand you'

Hindi ko kasi yun naririnig sa mga magulang ko.

"But please, give our son a chance hija. I know that it's not an easy request, but at least give him a chance to prove something to you" sabi ng tatay ni Zadkiel. Inangat ko ang tingin niya, napatitig ako sa mga mata niya, puno ng pagsusumamo ang mga mata niya.

"You know hija, Zadkiel doesn't want to be controlled. Ayaw niyang may nag-uutos sa kanya, that's why he strived harder to get the Colonel position in the army. He's distant to everyone, kahit na si Maverine ay nahirapan sa pakikipag-kaibigan sa kanya" sabi ng nanay niya.

"He also vowed to us, that he doesn't want to get married. He doesn't want to have a major responsibility to life. Kaya akala talaga naming na tatandang-binata na si Zadkiel" dadag ng nanay niya. So it means, nabago ko ang pananaw niya sa buhay?

"Sinubukan naming siyang ipakasal kay Maverine, pero nabulilyaso ang lahat. Tumakbo siya sa kasal, hindi niya sinipot ang bride niya" Damn. Naalala ko ang ginawa ko sa kasal namin. Runaway groom rin pala ang asawa ko.

"Hanggang sa bumalik siya sa army at hindi na kami kinausap. He hated us, for what we've done. Lolo niya lamang ang kasama niya, hanggang sa nalaman naming na nagbakasyon na pala siya sa Pilipinas" Tss. Kahit na ako, magtatampo talaga ako kapag pinilit akong ipakasal. Damn.

"Pero nagulat kami ng nalaman namin ang balita na ikakasal na siya dito sa Pilipinas. And what is more shocking is that he's going to marry you, a rich woman. Kailanma'y hindi niya gusto ang mga mayayamang babae, maarte daw kasi at irresponsible" sabi ng nanay niya. Damn, now I know how did Zadkiel lived, before meeting me.

Hindi ko alam pero kinikilig ako. Damn, Zadkiel. I didn't know that you have these principles.

"And looking at him yesterday, made me realize that my son is really in love with this girl. He's really in love with you, Celestine. I hope that you won't break his heart" sabi ng tatay niya na tinanguan ko naman.

This time, it will be different. I will try my very best to love, Zadkiel. I am not the only one who deserves love. Zadkiel too.

"Thank you for telling me this Ma'am" sabi ko at hinawakan sa kamay ang nanay ni Zadkiel.

"Stop calling me Ma'am, it should be Mom" sabi niya na ikinatawa ko.

"Thank you again, Mom and Dad" nahihiyang sabi ko sa kanila.

"Thank you for giving our son a chance, Celestine. Trust us, he's really in love with you. Patay na patay yun" natatawang sabi ni Dad. Kaya hindi ko rin napigilan na hindi tumawa.

Matapos dumalaw ng parents ni Zadkiel sa opisina ko ay agad akong umupo muli sa swivel chair ko. Nalaman ko rin na uuwi na pala sa States ang parents ni Zadkiel ngayon. Tinignan ko ang cellphone ko at nakita ko kaagad ang text saakin ni Zadkiel.

'Sorry baby, naubos ang battery ko kanina. Anyways, I am already in the house, just call me if I will pick you up'

-Your sexy husband

Napairap naman ako sa huling tinext niya. Sexy husband, my foot. Bumalik na ako sa mga binabasa ko hanggang sa narinig ko naman na tumunog ang cellphone ko. Nakita ko ang pangalan ni Kuya Favian kaya agad ko itong sinagot.

"What is it Kuya?" tanong ko sa kanya. Pero wala akong natanggap na sagot sa kanya sa halip ay mumunting hikbi lamang.

"Wait, Kuya are you crying?" nag-aalalang tanong ko. Bakit naman umiiyak sa Kuya? Hindi naman siya ang tipo na iiyak sa isang sad movie, so there must be a big reason.

"Celestine....." tawag niya sa pangalan ko. Damn, ano ba talaga ang nangyayari?

"Kuya, why the heck are you crying? Are you being arrested? But why would they arrest you?" takang tanong ko. Bakit ba iyak lang siya ng iyak?!

"Celestine...we're not.."

"Were not? What?" takang tanong ko. Masyadong pabitin siya. Is this a prank? Tss. Baka nga prank call to ni Kuya.

"We're not our mother's child, Celestine" sabi niya sa kabilang linya. Agad naman akong napahawak sa mesa ko. What?!

"We're father's and his mistress' child"

--

Herannie 

Hidden FortressTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon