Chapter 13:
Nalaman ko na sa resort ni Mr. Gonzales rin ang punta ni Zadkiel. Tss. What a coincidence. Coincidence nga ba? Tss. Nakarating na kami ni Zadkiel sa resort at ngayon naman ay kinukuha ko na ang maleta ko sa likod ng sasakyan niya.
"Sabay na tayo" sabi niya at inagaw ang maleta ko. Siya na ngayon ay may dala nito. Sana all gentleman. Pumunta na kami sa reception.
"Good morning Ma'am, Sir. Newlywed po ba kayo?" tanong ng receptionist saamin. Agad naman na tumaas ang kilay ko. Mukha ba akong may asawa? Duh. Napatingin naman ako kay Zadkiel na nagpipigil ng tawa.
"No miss. This man, is a total stranger. Anyways, I am Celestine Azul Alfaro, the owner of Alfaro Group of Companies" sabi ko sa receptionist.
"Sorry po Ma'am" sabi niya na tinanguan ko na lamang.
"VIP Room No. 1508" sabi saakin ng babae at ibinigay na saakin ang susi.
"Zadkiel Weldon Fortner" sabi naman ni Zadkiel. Tss. Tawang-tawa pa rin siya. Nag-eenjoy ba siya na napagkamalan kaming mag-asawa.
"VIP Room No. 1509" sabi ng babae na ikinagulat ko. Magkatabi ang room namin? Tangina!
"Tss. Magkatabi ang room natin Blue" sabi niya saakin habang nakangisi. Blue? Saan naman nanggaling ang Blue?
"Blue? Anong kinalaman ng Blue?" takang tanong ko sa kanya.
"From your name Azul. Diba ang English ng asul ay blue?" sabi niya habang kinukuha nanaman ang maleta ko. Hindi naman ako nagreklamo at hinayaan siyang dalhin ang maleta ko. May alalay na ako ngayon.
"Sira, letter Z naman ang Azul ko eh!" sabi ko sa kanya.
"Tss. I don't care, you're blue" sabi niya at nauna ng naglakad. Sumunod na lamang ako sa kanya.
Habang naglalakad ay inililibot ko rin ang paningin ko. This is resort is not bad. White sand, organize kubo's, may iba't ibang restaurant din at bar. Mabuti rin ang maintenance ng resort na ito dahil wala kang makikita na basura. Organized ang lahat, which is good.
Nang makarating kami sa tapat hotel room namin ay agad ko ng inagaw ang maleta ko kay Zadkiel.
"Maglilibot ka ngayon?" tanong niya saakin.
"Yes"
"Sabay na tayo. I'll just knock on your door" sabi niya at tinanguan ko naman. A stroll with Zadkiel is not bad right? Mabuti na nga ito para hindi ako magmukhang loner.
Nagsimula na akong ayusin ang sarili ko. I wear a lowbackless summer dress with a slit upto my legs. Nagsuot na rin ako ng backless kong one piece bikini sa loob. Kinulot ko rin ang buhok ko, wavy curls ganon. Plus sandals and shades.
Di nagtagal ay narinig kong may kumatok na sa room ko. For sure si Zadkiel na yan. Tinignan kong muli ang sarili ko sa salamin bago lumabas. Nang buksan ko ang pinto ay nakita ko si Zadkiel at hindi ko mapigilan na hindi matulala.
Damn. He's hot as hell. He's wearing a summer polo, na bukas ang una hanggang sa pangatlong butones, displaying his bare chest. Plus his white shorts and shoes and shades.
"Damn...Blue" katuld ko ay nakatingin na rin siya saakin. Well, I can't blame him, maganda naman talaga ako.
"You look hot" sabi niya saakin at ibinaba pa ng konti ang shades niya para silipin ako.
"I know right, anyways, thank you" sabi ko sa kanya.
"Let's go?" sabi niya, inilahad pa nga niya ang braso niya. Nginitian ko na lang siya at naunang maglakad. Duh, may prinsipiyo pa rin ako tungkol sa mga lalaki. Not so fast Zadkiel.
"Tss. Woman" rinig kong sabi niya. Humabol naman siya saakin kaya nagpantay na ag lakad namin. Tahimik lang kaming dalawa sa loob ng elevator. Di nagtagal ay tumunog na ang elevator at bumukas.
Lumabas na kaming dalawa ni Zadkiel sa hotel at agad na dinama ang malamig na simoy ng hangin. Damn. Bakit pa ito ang suot ko? Nilalamig ako.
Sadyang peaceful nga ang tanawin sa beach. Halos lahat ng tao ay nagsasaya. I sometimes imagine myself as an ordinary person. Myself as an ordinary woman. Walang stress at pressure na binibigay ng kompanya.
Babae na masaya at kuntento lang sa buhay. Walang problema sa pamilya, walang may mabibigat na prinisipyo na pinanghahawakan. A woman who can do all the things that she want to do. Ako kasi, kahit saan ako magpunta hinahabol ako ng responsibilidad ko.
Parang nakatali na ako sa mga responsibilidad ko. Parang nakakulong na ako sa loob ng matataas na pader, without seeing the beauty of the world. Pero masaya rin ako sa narrating ko ngayon.
I can see myself as a hidden garden, trap in the high walls of the fortress. Walang makakapasok. Walang magugulo sa magagandang bulaklak na nasa hardin. Simple and beautiful.
"Are you thirsty?" nagulat ako ng bigla akong tanungin ni Zadkiel.
"Slight" sagot ko. Slight lang naman kasi talaga. Hindi pa naman ako mamatay sa uhaw.
"Let's go buy some drinks" sabi niya at hinila ako sa isang stall.
Dalawang magagandang babae na naka-bikini ang nagtitinda sa stall na yun. For sure nasa 20s lang sila. Tsk. Edi ako na ang matanda. Totoong wala na nga sa kalendaryo ang edad ko. 33 na ako pero wala pa ring jowa. Tatandang dalaga na talaga ako siguro.
"Two lemonade" sabi ni Zadkiel sa dalawang babae na halatang kinikilig kay Zadkiel. Tss. Masyadong gwapo ang kasama ko. Sinong hindi kikiligin? Umm. Ako. Oo, hindi ako kinikilig kay Zadkiel. Sanay na ako sa mga gwapong lalaki.
Pero iba ang gandang lalaki ni Zadkiel. Compare sa mga manliligaw ko, lamang ng one hundred times si Zadkiel. Pero sadyang wala lang talaga akong pake.
"Mag-asawa po ba kayo?" tanong ng isang babae na nakaagaw ng atensyon ko.
"He's not—"
"Yes, she's my wife" hindi ko na natapos ang sasabihin ko ng pinutol ako ni Zadkiel gamit ang mga salita nay un. Tangina? Ano daw? Wife? Ako? Ako ang wife? What the fuck.
"Yii, kinikilig po ako!" sabi ng isang babae. Napanganga na lamang ako.
"He's lyin—"
"My wife is in denial state. She can't accept the fact her husband is too handsome" napanganga naman ako habang nakatingin sa nakangising Zadkiel. Anong pinagsasabi ng gagong to?
"Ay bakit niyo naman po dinedeny si Kuya? Ang gwapo nga po niya! Dapat proud po kayo" sabi ng isang babae saakin. Tangina, ako pa pinagalitan. Kilala ba nila kung sino ako?
"Don't mind my wife. She's two months pregnant, you know, mood swings" mas lalo akong nagulat sa sinabi niya. Pota. Kailan pa ako nabuntis? Virgin pa ako!
"Tangina ka!" sigaw ko sa kanya at tumalikod na.
"See? Minumura niya lang ako. Tss. I'll talk to my wife. Bye ladies" rinig kong sabi ni Zadkiel. Gago siya. Asawa? Ako? Buntis? Ako? Tangina.
"Blue! Rinig kong tawag niya saakin pero mas binilisan ko lang paglakad ko.
Mas binilisan ko pang ang lakad ko hanggang sa napatigil ako dahil may na bangga ako. Papagalitan ko na sana ang lalaki ng makilala ko ang pamilyar na tindig nito.
Nang magtama ang mga mata namin ay agad na bumilis ang tibok ng puso ko. Damn.
"Hunter..."
--
Herannie
BINABASA MO ANG
Hidden Fortress
RomanceExplore the inside of the Fortress. Hidden secrets will unfold. Truth will break the walls.