Chapter 10

12 1 0
                                    

Chapter 10:

"Did you really cry on his shoulders?!" tanong saakin ni Wilow sa kabilang linya. Tatlong araw na ang lumipas pagkatapos ng nangyari na iyon, pero ngayon ko lang na kwento kay Willow, naging busy kasi ako ng mga nakaraang araw.

"Yes" tipid na sabi ko. After that day, akala ko ay susulpot nanaman si Zadkiel sa opisina ko pero wala. Hanggang ngayon wala pa rin kahit anino niya. See? Sinasabi ko nga ba.

Baka nahimasmasan siya at na realize n asana hindi niya na lang sinabi iyon. But, worry not, sanay na ako sa mga ganito. Ilang beses na akong nag-deal sa mga lalaki. This is a unique case dahil that time naging mahina ako at umiyak.

I usually sent them away. Minsan nga ay binibigyan ko na lang ng pera para umalis. Ang iba kumagat sap era, habang ang iba naman ay nainis dahil ang sama ng ugali ko daw. Kesyo, akala ko daw sa kanila mg mukhang pera.

I even tried some ghosting techniques, para lang kainisan ako ng mga lalaki at lumayo na saakin. This is my only way to protect myself, at sila din.

"Tss. I'll hang up now, Willow" sabi ko at in-end na ang call. Ibinaling ko ang atensyon ko sa mga papeles na nasa harapan ko. Tss. Paper works.

Patuloy pa rin ako sa pagbabasa ng ibang proposal ng biglang may kumatok sa pintuan ng opisina ko.

"Come in" sabi ko. Nakita ko naman an lumalapit ang secretary ko saakin.

"What is it?" tanong ko sa kanya habang inaayos ang eyeglasses ko.

"May bisita po kayo" sabi niya saakin.

"Sino?" tanong ko at ibinalik ko na ulit ang mga tingin ko sa papeles.

"Mr. Gonzales of H&F Hotels" sabi ng secretary ko na tinanguan ko naman. Binuksan niya ang pintuan at agad naman na pumasok ang bisita ko. Siya iyong matandang lalaki na ka lunch meeting ko dati.

Iginaya ng secretary ko ang bisita ko sa sofa, habang ako naman ay tumayo na sa swivel chair ko at agad na pumunta sa sofa kung nasaan ang business partner ko.

"It's nice to see you, Ms. Alfaro" sabi ni matanda saakin sabay ngiti.

"I'm glad to see you too, Mr. Gonzales" sabi ko rin sa kanya.

"Please take a seat" sabi ko at naupo na. Naupo na rin si Mr. Gonzales.

"This office is huge, Ms. Alfaro" komento ng matanda. Of course, gagawa na lang ako ng opisina hindi pa maganda? Saan ko ilalagay ang mga pera ko? Tss. Sayang naman ang pera ko kung hindi ko ito gagastusin.

"Let's proceed to the signing of the contract, Mr. Gonzales" sabi ko. Wala ako sa mood para makipag-chismisan ngayon. Alam kong ipanreregalo niya lang ang paging business partners ng kompanya naming.

Di bale, kapag ang anak na niya ang namamahala, puputulin ko na ang koneksyon ng kung ano man ang meron sa kompanyan namin. Tss.

"Sure, Ms. Alfaro" sabi niya. Ibinigay na saakin ng secretary ko ang kontrata. Agad naman akong pumirma para matapos na, ganon din ang ginawa ni Mr. Gonzales. Nang matapos kaming pumirma ay agad niyang inilahad ang kamay niya saakin na siyang tinanggap ko naman.

"Now that we're business partners, we want to accommodate you in our beach hotel, Ms. Alfaro" sabi saakin ni Mr. Gonzales. That's a good offer, plus I need some time for myself too. Masyado na akong babad sa trabaho.

"Just email the date and location, Mr. Gonzales. Pupunta ako, I also want to check if you're business is doing fine, at maliwanagan kung tama nga ang naging desisiyon ko" sabi ko sa kanya.

"You won't regret  this, Ms. Alfaro" sabi ni Mr. Gonzales at tumayo na. Nagpaalam siya saakin at sa secretary ko bago siya lumabas sa opisina ko.

Bumalik na ako sa mesa ko at nagbasa nanaman ng papeles. Kailan ulit kaya ako makakapag-opera?

Speaking of hospital rinig ko na nandito pa rin ang heneral sa Pilipinas. Hindi pa ba siya magaling? Sabagay may katandaan na ang isang yun. Nakapili na ako ng mga doktor na pupunta sa middle east.

Ang sabi nila ay next month na daw ang lipad ng mga doktor. Those doctors have experience in criminology. Mga doctor na naging abogado. Hindi naman ako nahirapan sa pagkumbinsi sa kanila, dahil para sa kanila ay isa karanagalan iyon. Which is good.

Nagulat naman ako ng biglang tumunog ang teleponoe ko. Unregistered number ang tumatawag saakin. Papaano niya nalaman ang number ko? Sinagot ko ang tawag at hindi muna nagsalita.

"This is Rios Martinez, let's meet up" sabi ng lalaki sa kanilang linya. Rios Martinez? Isa sa mga na-ghost ko dati?

"What do you want?" malamig na tanong ko. Tangina, nang-abala pa talaga ng trabaho eh.

"You Celestine! Ikaw ang kailangan ko" sabi niya. Agad naman na nagsalubong ang kilay ko dahil sa sinabi niya. Sinong niloloko niya?

"Well, I don't need you, Good—"

"Hostage ko ang tatay mo" biglang sabi niya. Agad akong napatayo sa kinauupuan ko dahil sa sinabi niya. What? Impossible. Baka niloloko niya lang ako. Wag kang kumagat sa bitag Celestine.

"That's not gonna happened" sabi ko sa kanya.

"But it already happened, Celestine. Gusto mong marinig ang boses ng tatay mo?" sabi niya. Hindi ako sumagot. Hanggang sa narinig ko ang boses ni Daddy.

"Celestine, don't come. I can handle myself" rinig kong sabi ni Daddy. Even though he's kidnapped, mahahalata pa rin ang lamig ng boses niya. Agad na tumayo ang balahibo ko, my father has this effect on me. His words are worth a million dollars.

Papaano siya na-kidnap ni Rios? Di hamak na isang pipitsugin lang ang isang yun. I mean, Rios also came from a wealthy family. Pero, nasa lower rank lang ang negosyo nila, while us? We're at the top.

"Pakawalan mo ang Daddy ko. Pupunta ako. Send me the address" sabi ko at in-end ang tawag. Agad kong kinuha ang blazer ko at sinuot iyon. Nagmamadali akong lumabas ng opisina ko ng makasalubong ko si Zadkiel na may dalang bouquet ng white roses.

"Anong ginagawa mo dito?" nagtatakang tanong ko.

"Visiting you? Grandfather has something to tell you" sabi niya saakin. He's a Colonel right? A higher rank in the US Army. Matutulungan niya ako.

"You're good at fighting right?" tanong ko sa kanya.

"Of course, I won't be promoted as Colonel kapag lam—" hindi na niya natuloy ang sasabihin niya ng bigla ko siyang hinila papasok sa elevator.

"Where are we going?" tanong niya.

"To save my father. He's been captured" paliwanag ko sa kanya.

"You should report it to the police" sabi niya.

"Tss. Colonel ng US Army ang kasama ko, bakit ko pa kailangan tumawag ng police?" sabi ko. It's true naman. Tss.

"Look, I'm on vacation" sabi niya.

"You have guns in your car?" tanong ko sa kanya. Kakailanganin ko talaga ang isang baril. Rios is a coward. Hindi ko alam kung saan siya kumuha ng lakas parang kidnapin ang tatay ko.

"Celes—"

"Just answer my question" malamig na sabi ko.

"Yes" sabi niya at sakto naman na bumukas na ang elevator. Agad kaming tumakbo sa parking lot at hinanap ang kotse niya. Mukhang na-realize naman niya na hindi ako nagbibiro kaya na-sense ko na mas sumeryoso na si Zadkiel.

Agad kaming sumakay sa bulletproof niyang sportscar at agad na pinatakbo iyon. Sinend saakin ni Rios kung nasaan sila ngayon akaya agad kong tinuro iyon kay Zadkiel.

Itinago ko na ang cellphone ko at agad na naghanap ng baril sa sasakyan ni Zadkiel.

"Under your seat, there's a Ed Brown Special Forces Carry" sabi niya. Agad kong kinapa ang ilalim ng upuan ko at nakuha ko nga ang isang napakagandang baril. Damn, this is a beauty.

Tumigil na ang sasakyan naming sa isang abandonadong lugar. Nakita ko na may kinapa rin si Zadkiel sa ilalim ng upuan niya at inilabas niya ang isa pang baril. Agad akong nag-load ng bala at inihanda ang sarili sa paglabas.

No one should harm my father.

--

Herannie 

Hidden FortressTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon