Chapter 14"
"Hunter.." hindi makapaniwalang sabi ko. Akala ko nasa America siya?
"Celestine.." tawag niya rin saakin. Hindi ko alam pero biglang tumayo ang mga balahibo ko dahil sa tawag niya. Nagsimula na ring manginig ang mga tuhod ko.
Tangina hindi nga ako nanginginig kapag pumipirma ako ng kontrata na milyon ang ilalabas. Tas ngayon nanginginig ako? Umayos ka Celestine. You're an Alfaro, walang makaka-nginig sayo except sa Daddy mo.
"How are you?" tanong niya saakin habang ngumingiti. Damn. I miss those smiles. Wait! Ano? Tangina, wala kang may na miss Celestine.
"I'm good, how abo—"
"Honey!" napalingon kaming dalawa ni Hunter sa gilid ng may tumawag na babae sa kanya. She's the one maybe.
"Hon! Bakit ang tagal mo?" tanong niya kay Hunter. Nakatingin na lamang ako sa kanilang dalawa. Sana all, hon.
"Sorry honey" sabi ni Hunter at hinalikan siya sa noo. Tangina, ginagawa niya rin yun saakin, dati nga lang.
"Who is she?" baling ng babae saakin. Agad naman na tumaas ang kilay ko dahil dun.
"Blue! Why are you so fast?! If you're mad at me, that was a joke okay? Tss" biglang sulpot ni Zadkiel sa gilid ko. Hinihingal pa ang gago.
"Tss" sabi ko na lang at ibinaling ulit ang tingin kina Hunter.
"Celestine Alfaro, Hunter's ex girlfriend" sabi ko. Hindi ko inilahad ang kamay ko.
"Oh. I'm Farrah Selene Gonzales, Hunter's future wife and also the future owner of this resort" sabi ng babae habang nakataas ang isang kilay niya saakin. Wait, does that mean, siya ang anak ni Mr. Gonzales. Anak ng tokwa! Sana hindi na lang ako pumirma ng kontrata.
"Your Mr. Gonzales' daughter? I am Celestine Azul Alfaro, owner of Alfaro Group of Companies, and Alfaro Group of Hospitals. I signed a business partner contract with Mr. Gonzales, he said that if I will sign the contract, it will be your wedding gift" pagpapakilala ko ulit. Tss. "Future" pa nga lang siya. Future owner ng kompanya at ng ex ko.
While me? I have my own empire now. Laman pa rin ako ng one hundred times.
"Sino siya?" sabi niya sabay turo kay Zadkiel na ngayon ay seryoso na ang mukha. Na-sene niya siguro na nasa isang seryosong usapan ako. I love how Zadkiel change his attitude from loko-loko to a Honorable High Ranking Officer of the US Army.
"Col. Zadkiel Weldon Fortner. The owner of Fortner Real Estates, in America. Also the Colonel of the US Army" sabi niya na ikinangisi ko. I didn't know that he's also a businessman. Tss. He's boasting too.
"Engr. Hunter Coleman. Owner of Coleman Hotels" sabi ni Hunter at inilahad ang kamay niya kay Zadkiel. Bored namang tinanggap ni Zadkiel ang kamay niya.
"So are you two dating?" tanong ng asawa ni Hunter. Ano nga ulit ang pangalan niya?
"No, he's my fiancé. We're going to hold our beach wedding here" sabi ko at inangkla ang kamay ko sa braso ni Hunter.
"Really? Ikakasal rin kami dito bukas ni Hunter" sabi niya at yumakap kay Hunter.
"Oh. That's nice" sabi ko. Kukunin ko na sana ang kamay ni Zadkiel ng kusang pumulupot ang mga kamay niya sa bewang ko. He's holding me tightly like he doesn't want to be part with me.
"My Baby and I are expecting a baby" nagulat ako sa sinabi niya.
"Us too. Napaaga nga ang kasal namin dahil buntis ang honey ko" sabi ni Hunter at inakbayan ang "asawa" niya. Pilit na lamang akong ngumiti sa kanila. Tangina.
"We need to go, my baby and I will play tonight" sabi ni Zadkiel. Bigla naman akong kinilabutan sa sinabi niya. Tangina, anong play?
"Right baby?" tanong saakin ni Zadkiel habang nakangisi.
"Yes, of course" sabi ko. Nilampasan namin ni Zadkiel si Hunter at ang "future" asawa niya. Pero nagulat ako ng bigla akong buhatin ni Zadkiel na parang bagong kasal kaming dalawa.
"Don't move, they're still looking at us" sabi ni Zadkiel. Ganon ba? Dahil dun ay ipinulupot ko ang mga kamay ko sa leeg ni Zadkiel. Naramdaman ko naman ang pagkagulat niya kaya hindi ko maiwasan na hindi mapangisi.
"I thought we're going to play tonight? Why are you gulat, Zadkiel?" malanding tanong ko sa kanya.
"I am not expecting you to be this bold, Blue" sabi niya. Hindi pa rin niya ako binababa kahit na nasa loob na kami ng elevator. Wala siyang pakialam sa ibang tao na kasama namin. Nang makarating kami sa floor kung nasaang ang room naming ay agad siyang lumabas ng elevator.
"To my room, Zadkiel" sabi ko sa kanya. Tahimik lang siyang naglakad papunta sa kwarto ko. Nang nasa tapat ng kami ng kwarto ko ay bababa na sana ako para hindi na siya mahirapan pero, inutusan niya lang ako na i-swipe ang card ko at buksan ang doorknob.
Nang makapasok kami sa loob ay hindi niya pa rin ako binababa, hanggang sa makalapit kami sa kama. Maingat niya akong binaba doon. Anong trip niya? Pinanindigan talaga niya ang role na asawa ko daw siya.
"What are we going to do?" tanong niya saakin habang nakangisi. Inirapan ko naman siya at binigyan ng mahina na suntok sa balikat.
"Tss. We need to get married" diretsong sabi ko. Sinabi ko kina Hunter na ikakasal kami ni Zadkiel, dapat kong totoohanin yun. Wala naman saakin kung gagastos ako ng malaki. Naka-stock lang naman kasi sa banko ang pera ko.
"Sure" pagsang-ayon niya na siyang ikinagulat ko. I mean, jowable naman talaga ako, pero hindi man lang siya aalma? Sino ang gustong matali ng ganon-ganon lang right?
"Hindi ka aalma?" gulat na tanong ko sa kanya.
"Tss. I'm 35 now, it's fine kung ikakasal na ako. Plus, it's my pleasure to be your husband" sagot niya saakin. Tangina.
"Okay, after 3 months. I will file an annulment" biglang sabi ko. Nagkibit balikat na lamang siya bilang sagot.
"Today is Tuesday, and Hunter's wedding will be tomorrow, while our wedding is on Friday" sabi ko sa kanya. Kanina pa kasi ako bumububo ng plano sa isip ko. This is an instant wedding, damn. Saan ka nakakita ng kasal na pinagplanuhan tatlong araw bago ang kasal.
"I'll contact my secretary to prepare our wedding in three days" sabi ko at sinimulan ng kalikutin ang cellphone ko.
"Damn, sinong nag-aakala na ikakasal ako, nagbakasyon lang naman ako" sabi ni Zadkiel habang umiiling. Tss. Unexpected rdin ito para saakin. Bakit ko ba kasi sinabi na ikakasal rin kami ni Zadkiel?
"Is Hunter your ex-boyfriend?" biglang tanong saakin ni Zadkiel. Natigilan naman ako sa tanong niya yun. Wala naman na akong feelings para kay Hunter.
"Yes..he's my ex-boyfriend" mahina na sabi ko.
"I see" tugon naman ni Zadkiel. Umupo na siya sa gilid ng kama ko habang ako naman ay patuloy pa rin sa pagkalikot sa cellphone ko. Namimili na ako ng gown na susuotin ko. Tss.
"Let's have some rules, Blue" biglang sabi ni Zadkiel. Nilingon ko naman siya dahil doon. Ibinaba ko ang cellphone ko at umayos ng upo.
"What rules?" tanong ko sa kanya.
"First, walang makikipag-relasyon sa loob ng tatlong buwan. Remember, mag-asawa tayo" sabi niya. Tinanguan ko na lamang siya bilang pagsang-ayon.
"Second, I can kiss, hug or do some naught things with you. You're my wife, after all"
--
Herannie
BINABASA MO ANG
Hidden Fortress
RomanceExplore the inside of the Fortress. Hidden secrets will unfold. Truth will break the walls.