Chapter 2:
"Happy Monthsary, Love!" salubong ko kay Hunter at ipinakita ko sa kanya ang ginawa kong cake. I am not a good cook, but at least I've tried.
Nagulat ako ng tipid lang siyang ngumiti saakin at nilampasan lang ako. What's wrong with him? Hindi naman siya ganito ah. Noong una, kapag sinusurprise ko siya, masaya naman siya. Pero bat ganon ang reaksyon niya? I suddenly remembered what Willow said, few days ago.
"Hunter.." tawag ko sa kanya. Hindi niya ako nilingon at patuloy lang siya sa paghuhubad ng sapatos niya. Ano ba ang problema niya?
"Hunter, what's wrong?" tanong ko.
"Not now, Love. I'm tired" sabi niya at pumasok na sa kwarto naming. Inilapag ko ang cake na dala ko at agad na sinundan siya sa kwarto.
"Hunter, ano ba ang problema? Bakit ang cold mo?" mahinahon na tanong ko sa kanya. Ayaw ko siyang pangunahan, even though may mga hinala ako. Gusto kong marinig ang paliwanag ni Hunter.
"Love, pwede bang bukas na lang yan? Can't you see? I'm tired" sabi niya at humiga sa kama. Kung galit siya saakin, edi sabihin niya saakin.
"Galit ka ba saakin Hunter? You're not being Hunter this past few days" sabi ko sa kanya. Kung patuloy siyang magiging ganito. Mas lalong lalakas ang hinala ko na may iba na siya.
"No, I am not mad at you. I'm just tired" sabi niya at nagtalukbong ng kumot. I hate to say this, pero baka tama nga si Willow.
Lumabas ako sa kwarto namin na may bigat sa dibdib. I didn't expect him to be like that. He's not my Hunter anymore. Kapag ganitong okasyon palagi kaming nagde-date, sa bahay man o sa kung saan. We always celebrate.
I didn't expect him to act like that. Ang lampas an ako at hindi man lang binati? Masakit yun sa part ko. Napatingin naman ko sa kamay ko na puno ng band aid. Ilang beses ba akong napaso? Na sayang lang ang effort ko.
--
"Doc, may tawag po para sainyo" sabi ng nurse sa desk. Nagpasalamat muna ako sa kanya bago ko kinuha ang telepono at itinapat sa tenga ko.
"Bakit hindi mo sinasagot ang tawag ko?" mataray na tanong ni Mommy sa kabilang linya.
"I am busy" tipid na sagot ko. My Mom and I are not in good terms. Kahit kalian ay hindi niya ako tinuring na anak niya.
"Busy sa lalaki mo?" insult niya saakin. Hindi ko alam kung bakit tutol na tutol sila kay Hunter. Isama pa ang galit ng nanay ko sa saakin. Hindi ko rin alam ang dahilan kung bakit ganyan ang pakikitungo niya saakin.
Sa totoo nga ay wala na siyang kailangan saakin. Matagal na akong humiwalay sa poder nila. I chose to live with Hunter. Pero ng mga panahon na nasa kanila ako, hindi naman ako naging pabigat sa kanila.
Hindi ako nag-boyfriend noong nag-aaral ako. Naging boyfriend ko si Hunter, simula ng naging doctor na ako.
"Bakit hindi ka tumulad sa mga kuya mo Celestina? Sila na ang magiging tagapagmana ng Daddy mo sa kompanya natin. Kalandian lang ata ang nalalaman mo" sabi niya saakin. Sa tagal ko ng naririnig ang mga salita na ganyan sa nanay ko, parang nasasanay na ata ako.
"Pumunta ka dito sa manyson. Exactly 8:00 PM, hindi kita papapasukin kapag late ka" sabi niya at ibinaba na ang tawag.
Mukhang alam ko na kung bakit ako pinapapapunta sa mansyon. Inheritance. Hindi ko naman talaga kailangan ng pera nila. I can make my own money. Nagsisimula na nga ako ng sarili kong business.
Tinignan ko muna ang mga pasyente ko at ng sumapit ang 7:30 ay agad ko ng inayos ang itsura ko. I don't do make-ups, sinuklay ko lang ang buhok ko at nagpalit ng pormal na damit. Nang makuntento na ako ay nagpaalam na ako kay Willow at lumabas na ng hospital.
BINABASA MO ANG
Hidden Fortress
Roman d'amourExplore the inside of the Fortress. Hidden secrets will unfold. Truth will break the walls.