Chapter 30

9 0 0
                                    

Chapter 30:

A/N: This is Celestine's POV. Enjoy reading!

"Kuya Favian!!" sigaw ko kay Kuya at pilit na binubuhay siya. He did a terrible thing, but still he is my goddamn brother! At hindi niya sasaluhin ang bala para saakin kung hindi siya nag-aalala para sa kaligtasan ko.

"Kuya! Don't leave me please! Wake up Kuya!" sigaw ko at pilit na rine-revive siya. Nagmumukhang na akong tanga dito. Pilit kong binubuhay ang patay.

"Kuya! Gumising ka! Magpaliwanag ka saakin! Hindi ka pwedeng mamatay ng ganon-ganon lang!" sigaw ko ulit sa Kuya ko na malamig na ang katawan.

Kanina ko pa naririnig ang palitan ng putukan, at dapat ay tumakbo na ako para makalayo na ako sa lugar na to. Pero, ayaw kong iwan si Kuya dito! Tanginang buhay to!

Patuloy lang ako sa pagyakap ng malamig na bangkay ni Kuya habang isa-isang tumutulo ang mga luha ko. Hanggang kailan ako masasaktan? Hanggang kailan ako magdudusa?

"I guess, I'm right. He's really Favian Alfaro" unti-unti kong inangat ang tingin ko ng may narinig akong nagsalita. Nang tuluyan ko ng makita ang nagsalita ay agad na tumalim ang mga mata ko. Isa siyang terrorista!

"What are you doing here?! If you want to kill me, kill me now! I don't care anymore! I'm tired of this bullshit!" sigaw ko sa isang arabo. Wala na akong pakialam, tangina. Napapagod na ako, nawawalan na ako ng pag-asa.

Umupo sa tabi ko ang arabo at sinubukan na hawakan ang balikat ko pero agad kong tinapik ang kamay niya. Siya iyong arabo na nagsabi tungkol sa nanay ko, siya iyong nagbabantay saakin kanina sa warehouse.

"You know, I've realized that, what we're doing is really wrong" sabi ng arabo saakin.

"What we did to you and to your mother is terrible. I am here to correct my mistakes. Let me help you" sabi saakin ng arabo. Tinitigan ko siya sa mata at nakita ko naman ang sinseridad doon.

Magtitiwala ba ako sa kanya? Tangina, napapagod na ako kaka-tiwala!

"Are you trustworthy? Prove something to me" malamig na sabi ko sa arabo.

Sa sitwasyon ngayon, ang dapat kong pagkatiwalaan ay ang sarili ko lang. Ako lang ang makakaligtas sa sari ko dito. Wala naman akong naririnig kay Zadkiel.

Tumayo ang arabo na kausap ko. Inilapag niya sa harap ko ang ilang baril at iba-ibang klaseng patalim. Is he serious? Anong mapapala niya kapag tinulungan niya ako? Baka mapatay pa siya ng mga kasamahan niya.

"You believe me now? I can go with you, without any weapons. You can point your gun to straight to my head while we're walking" sabi niya. Tumayo ako sa pagkakaluhod at itinutok ang baril ko sa kanya.

"Lead the way" matapang na sabi ko.

Ginawa ko ang sinabi niya. Itinututok ko lang ang baril sa ulo niya habang naglalakad kami. Kapag may ginawa siyang masama hindi ako magdadalawang isip na pasabugin ang bungo niya.

Unti-unti na akong nawawalan ng pakialam sa paligid ko. Ang importante saakin ngayon ay makaalis dito at mailigtas ang buhay naming ng anak ko.

"This area is full of mines, be careful" sabi ng arabo saakin. Tinanguan ko na lamang siya bilang sagot.

Patuloy lang kami sa paglalakad hanggang sa tuluyan ko ng makita ang main highway. Agad na tumalon ang puso ko sa saya. Ligtas na ako. Maililigtas ko na ang anak namin.

"Am I safe now?" malamig na tanong ko sa arabo. Tumigil siya sa paglalakad at nilingon ako. Hindi ko pa rin ibinababa ang baril na nakatutok sa noo niya. I am desperate enough to kill someone if something bad happens to me.

Hidden FortressTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon