Chapter 11

11 1 0
                                    

Chapter 11:

"Welcome Celestine Azul Alfaro!" bati saakin ni Rios ng makapasok ako sa abandonadong gusali. Tss. Nababaliw na siya, may pa tawa-tawa pa siya.

"Where's my father?" tanong ko sa kanya. Ang Daddy ko ang pinunta ko dito hindi siya.

"Bakit ang Daddy mo hinahanap mo? Nandito naman ako, magsaya muna tayo Celestine. Be my darling, ganon" sabi niya habang lumalapit saakin. Nanatili lang ako sa kinakatayuan ko at tinignan siya ng masama.

Pasimple kong nilapit ang kamay ko sa hita ko. Nasa ilalim kasi ng skirt ko ang baril na dala ko. Knowing Rios, he's dumb. Hindi niya mahahalata iyon. He's the loser anak mayaman type, kalalaking tao pero hindi kayang tumayo para sa sarili.

He's just spending his parent's money. Walang dulot. Tss. Loser. Papaano ko siya magugustuhan niyan? He has the looks, no wonder but I need a goddamn responsible man in my life. Tss. Anyways, who says I need a man?

"Okay then, you want me to be your lady right? Okay!" sabi ko at lumapit sa kanya. Tss. May itinatagong landi pa rin pala ako. Patalikod kong yinakap si Rios, while my other hand is playfully touching his ears.

"You like it?" malanding sabi ko. Malandi kong ibinaba ang kamay mula sa tenga niya papunta sa braso niya. Habang ang isa ko namang kamay ay itinaas ko mula tiyan niya papuntang leeg niya.

"Hmm..I like it, Celestine" sabi niya. Tss.

Kinuha ko na ang baril na nasa legs ko at agad na tinututok sa sentido niya, habang ang isa ko namang kamay ay sinasakal siya.

"How about this? You like this? Pasabugin ko na lang kaya utak mo?" tanong ko sa kanya. Tangina siya.

"Ce..les...tine..let..go..of..me" nahihirapang sabi niya. Mas lalong kong hinigpitan ang pagkakasakal ko sa kanya. Pinilit niyang pumiglas pero mas lalo ko lamang hinihigpitan.

"Nasaan ang Daddy ko?" tanong ko sa kanya. Wala akong nakuhang sagot kaya mula sa sentido niya ay itinuon ko ang bunganga ng baril sa tuhod niya at agad na kinalabit ang gatilyo.

"Ahh. Da—mn... Argh.." pamimilipit niya. Tss.

"Nasaan ang Daddy ko, tangina ka" tanong ko ulit sa kanya. This time itinuro niya na saakin ang daan kung saan ang tatay ko.

"Zadkiel!" tawag ko kay Zadkiel na kanina pa nagtatago. Tamad lang siya na lumabas sa pinagtataguan niya habang ang isang kamay niya ay may hawak na baril.

"Go save my father, papatulugin ko muna ang isang to" sabi ko sa kanya. Tss.

"Bo-ys!!" pilit na sigaw ni Rios. Hindi na ako nagulat ng lumabas ang mga tauhan ni Rios. Agad kong binitiwan si Rios at bago pa siya humarap saakin ay binaril ko naman ang isa niyang tuhod kaya tuluyan na siyang napaluhod.

Lumapit ako kay Zadkile na walang emosyon ang mukha. Parang bored lang nga siya eh.

"Zadkiel, ikaw na ang bahala sa kanila, itatakas ko si Daddy" hindi ako haharap sa goons na yan no. At saka ano ang silbi ng pagiging Colonel niya? Damn.

"Tss. Your Dad is in the car" sabi niya na ipinagtaka ko.

"What?" tanong ko.

"Kanina ko pa siya nailigtas. Thanks for the cover anyway" sabi niya. Damn.

"Now just shoot them. Tinatamad akong makipaglaban" sabi niya at itinutok na ang baril niya sa tauhan ni Rios. Walang pasabing binaril niya ang mga ito sa binti. Parang naglalaro nga lang siya.

"Done. Let's get out of here" sabi niya at hinawakan ang kamay ko. Hinila na niya ako papalayo sa lugar na iyon, hindi ko na nilingon ang mga tauhan ni Rios na for sure namimilipit na sa sakit ngayon.

Nang makarating kami sa kotse ni Zadkiel ay agad kong nakita si Dad kaya hindi ko na napigial ang sarili ko na yakapin siya. Thank God, he's safe.

"OMG Dad! Nasaktan po ba kayo? Ano po ang ginawa sainyo ni Rios?" tanong ko kay Dad.

"He abducted me, but thanks to him, I am now safe" sabi niya habang tinuturo si Zadkiel na blanko lang ang mukha habang nakatingin saamin.

"Thank you" sabi ko kay Zadkiel na tinanguhan lang ako. Pumasok na kami sa loob ng sasakyan niya. Nagpresinta na rin siya na ihahatid niya lang daw kami.

Nauna naming hinatid si Dad sa mansion ng mga Alfaro, at ako naman ang sunod niyang inihatid. Habang tinatahak naming ang daan patungo sa bahay ko ay hindi ko maiwasan na hindi siya tanungin tungkol kanina.

"Papaano mo nailigtas si Dad? Hindi pa nga ako nakapag-bigay ng signal sayo. Diba ang plano hihintayin mo ang signal ko?" tanong ko sa kanya.

"Tss. I did some camouflage to find your father and save him. Hinatid ko siya ka kotse at bumalik para tulungan ka. Tss. If we go according to your plan, mas masasaktan pa tayo. Because we need to fight those criminals first, before going to your father. So yeah, inunahan na lang kita" paliwanag niya. Tama siya, kung hihintayin pa ako ni Zadkiel, mas masasaktan pa kaming dalawa.

"That was a great cover" sabi niya.

"What?" pagpatay malisya ko.

"You, seducing the criminal" sabi niya saakin. Itinigil na niya ang kotse dahil nasa tapat na kami ng bahay ko.

"Thank you ulit. For saving my father" sabi ko at ngumiti sa kanya. Lalabas na sana ako ng kotse niya ng hinawakan niya ang kamay ko at hinarap ako sa kanya.

"Don't do it again. Don't seduce other men, unless it's me" sabi niya na ikinatigil ko.

--

"Sinabi niya yun?!" tanong ni Willow saakin. Tinungga ko muna ang wine na iniinom ko bago siya sinagot.

"Yes! Sinabi niya yun!" sabi ko sa kanya. Hindi pa naman ako lasing. Nakakapag-isip pa ako ng tama.

"Oh God" sabi niya at pinaypayan ang sarili niya gamit ang kamay niya.

"I can't understand him, Willow. Magsasabi siya ng mga kung ano-ano tas after ilang days hindi na siya magpapakita saakin. Goodness Gracious! Karma ko na ba to?" sabi ko kay Willow. Hindi ako sinagot ni Willow dahil tinungga rin niya ang wine na iniinom niya.

"Hi, Celestine Azul Alfaro right?" napatingin ako sa lalaking kakadating lang. Sino ang isang to?

"Yes. Sino ka?" tanong ko sa kanya.

"I am Rafael Roberts, from RR Pharmaceutical" pagpapakilala niya. Inilahad niya ang kamay niya pero hindi ko tinanggap iyon. Sa halip ay tinignan ko lamang iyon.

"So? Anong sadya mo saakin? Can't you see? Nag-eenjoy ako dito" mataray na sabi ko sa Rafael na to.

"Ganon ang sadya ko, ang mag-enjoy. Why don't you join me in tonight?" sabi niya saakin. Umirap muna ako sa kanya bago nag-order ulit ng wine.

"Celestine, I can love you" seryosong sabi saakin ni Rafael. Muntik ko ng maibuga ang iniinom ko ng sabihin niya iyon.

"Ano?! Pfft. You can love me? Umalis ka nga sa harap ko, nagdidilim paningin ko sayo" sabi ko habang winawagayway ang kamay ko na parang pinapaalis siya.

"Maybe it's true. You can't move on from your ex" agad na nagpantig ang tenga ko dahil sa sinabi niya. Damn, ito nanaman ba tayo?

"Okay, Mr. Rafael Roberts, first of all hindi ka jowable. Tignan mo nga ang sarili mo sa salamin. You're clearly not my type. Second, it's up to me if magpapaligaw ako, or what. Third, anong pinagsasabi mong hindi ako naka-move on? Fuck bro, go and kill yourself. Papadalhan kita ng baril" sabi ko sa kanya at ngumiti. Goodness Gracious.

"Let's go, Willow" sabi ko at hinila na ang lasing kong kaibigan.

Men. Pare-pareho lang sila.

--

Herannie 

Hidden FortressTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon