Chapter 28:
Life is indeed full of surprises. Who would've imagine, ang nanay na nakilala ko hindi ko pala nanay, ang unang boyfriend ko niloko ako, biglaan akong ikinasal sa isang lalaki, lalaki na nagpapatibok ng puso ko ngayon. And now? My damn brother is the 'boss' of those terrorists.
Great just great.
"This is not how justice works Favian!" sigaw ko kay Kuya. Kinuha ko na ang Kuya, galit na galit ako sa kanya.
"Then what? Tutunganga ako? Maghihintay sa hustisya na hindi darating?" sabi niya saakin. Nahimigan ko naman ang sakit sa boses niya.
"How long did you know about our mother's death?" tanong ko sa kanya.
"I know all of this from the very start. Napagkasunduan naming na itago sayo lahat ng ito" sabi niya saakin. Hindi ko alam pero parang may sumaksak sa puso ko. Tangina, wala ba akong karapatan na malaman ang lahat?!
"Tangina! Wala ba akong karapatan ha? Nagmumukha akong bobo sa inakala kong ina ko! Ang alam ko ay anak niya ako! Ilang beses kong pinagpilitan ang sarili ko sa pamilya natin. Pinaglaruan niyo akong lahat!" sigaw ko sa kanya. Ilang beses akong nagpapansin kay Mommy noong una.
Tapos hindi naman pala niya talaga ako anak. Nandidiri ba siya kung tinatawag ko siyang Mommy noon? Tangina, akala ko kontrolado ko ang buhay ko, pero hindi pala. Para lang pala akong isa manika. Pinaglalaruan.
Na kung saan nila ako ilalagay, dapat doon lang ako. Kung ano ang sasabihin nila saakin, yun ang paniniwalaan at gagawin ko. Ilang beses ko ba dapat patunayan ang sarili ko sa kanila? Kinaya ko ngang magpatakbo ng isang kompanya!
Pero bakit ginagawa nila sakin to? Para lang pala akong gago na sunod ng sunod. Akala ko wala na ako sa poder nila. Pero, ang totoo pala ay kinulong nila ako sa isang kwarto, na kung ano lang ang makikita ko doon ay ganon lang ang paniniwalaan ko.
Itinago nila ako mula sa malaking mundo. Nakaka-putangina.
"Bahala kana sa buhay mo Kuya, aalis na ako dito" sabi ko tatalikuran na sana siya ng bigla niyang hawakan ang kamay ko at marahas na hinarap ako sa kanya.
"Bitiwan mo ako Kuya! Galit ako sayo!" sigaw ko sa kanya. Sisipain ko na sana siya pero mabilis ang galaw niya at napigilan niya ako.
"Kailangan kitang ibalik doon" sabi niya sabay turo sa warehouse. Agad naman na uminit ang ulo ko dahil doon.
"Nababaliw kana ba? Ibabalik mo ako doon para ano? Magdusa?! Alam mo ba kung anong ginawa ng mga demonyo na yun sa nanay natin?! Ginahasa! Pinahirapan! Pinatay! Tapos ano? Ibabalik mo ako sa sa impyerno?" sigaw ko sa kanya.
"Celestine, trust me—"
"Trust you?! Tangina mo naman Kuya! Wala ka na ba talagang awa? Kung wala nang natitirang pagmamahal diyan sa puso mo! Kahit awa na lang! Palayain mo ako! May kailangan akong balikan!" sigaw ko sa kanya. Marahas na hinigit ko ang kamay ko sa kanya at binitiwan naman niya ko.
Nagsimula na ako naglakad sa kanya habang isa-isang pinapahid ang mga luha ko. Habang tumatagal mas lalong lumalala ang nangyayari saakin. Hindi ko na alam kung ano ang gagawin ko. Para akong pinarusahan.
Patuloy lang ako sa paglakad hanggang sa may nakasalubong ako na mga arabo. Hindi ko alam pero parang hindi na ako natatakot. Alam ko na masamang tao sila pero parang namamanhid na ang buong katawan ko.
Wala na akong pakialam.
I know that this is a risky situation. Dala-dala ko pa ang anak naming ni Zadkiel ngayon. Dapat akong matakot para sa kaligtasan namin pero dahil sa mga sakit na ipinaranas saakin, nawawalan na ako ng pakialam.
"Where do you think you're going?" tanong ng arabo saakin.
Tinignan ko na lamang siya at hindi na sinagot pa. Nang hawakan niya ang kamay ko ay agad kong ibinalibag iyon. Namilipit naman siya sa sakit.
Ang isa niya namang kasama ay tinutukan ako ng baril. Pinadapa ko ang arabo na hawak ko. Pilit siyang pumipiglas pero siya lang rin ang nasasaktan. Hindi ko alam kung saan ako kumukuha ng lakas.
"Release him!" sigaw ng isang arabo saakin. Tinignan ko na lamang siya, inilapit ko ang bibig ko sa tenga ng arabo na hawak ko at binulungan siya.
"Give me your gun" malamig na sabi ko. Hindi pa siya sumang-ayon saakin nung una pero mas lalo ko na lamang binabalibag ang kamay niya. Alam ko na hindi ako kayang barilin ng kasama niya.
Mukha kasi siyang baguhan. Tss. Di nagtagal ay ibinigay na saakin ng arabo ang baril. Sapilitan ko namang kinuha ang mga bala na nakapalibot sa katawan niya. Kinuha ko ang baril at isinampay ko na rin ang mga bala sa leeg ko.
I didn't know na pwede palang maging accessory ang bala.
Pinakawalan ko na ang arabo at agad na tinututok ang baril sa kanilang dalawa habang umaatras. Hindi ako magdadalawang isip na kalabitin ang gatilyo, kapag sinubukan nila akong saktan
"I'm good at guns. I only miss if I want to" sabi ko sa kanila. Kuya Favian and Dad, used to teach me some martial arts and how to fire a gun. But sadly, I'm not good at martial arts.
But, give me a gun or an arrow instead. Doon ako mas natuto.
Nang makalayo na ako sa warehouse ay agad kong iginala ang paningin ko. Alam ko na hindi pa rin safe ang paligid. There might be a terrorist somewhere.
Pero pwede rin ang mga sundalo ni Zadkiel. Alam ko na nasa paligid lang rin sila, dito ang kuta ng terrorista kaya baka nasa paligid lang rin ang mga sundalo.
Naglakad lang ako ng naglakad habang pinapakiramdaman ang paligid. Kailangan alerto ako sa mga bagay-bagay. Delikado ang buhay ko ngayon.
Nagpatuloy ko sa paglalakad hanggang sa naramdaman na may tumutok ng baril mula sa likuran ko. Agad akong napatigil ng dahil dun. Damn.
"Where?! Go?!" sabi ng arabo. Hindi siya fluent sa English. Tss.
Hindi ko siya sinagot. Humigpit na lamang ang hawak ko sa baril. Papaano ko ba siya malusutan? Baka kapag humakbang ako ay papasabugin niya ang utak ko? No, not my brain. They're precious.
Puno ng learnings ang utak ko. Ilang kompanya rin ng pinalakad ng utak ko. Ilang puso din ang inoperahan nito. Tss. Nakuha ko pa talagang magyabang.
Kailangan kong maunahan ang arabo na to. Bago niya maiputok ang baril ay dapat nakahandusay na siya. Agad naman akong napangisi ng makaisip ako ng gagawin ko.
Lumingon ako sa arabo at agad na hinawakan ang braso niya. Ibinalibag ko siya ulit at nang nakatalikod na siya saakin ay agad ko siyang sinipa sa tuhod kaya napaluhod siya. He then groaned in pain.
Kinuha ko ang baril na hawak niya. Tss. Hindi nga ako magaling sa martial arts eh. Hindi pa ako nakuntento at sinipa ko ang likod ng arabo habang hawak ang kamay niya na for sure wala ng buto.
"Eno—ugh!" sigaw niya. Hindi ako nakinig at tuloy pa rin sa pagsipa habang binabalibag siya.
Nang mapagod ako sa ginawa ko ay agad ko siyang binitawan at binaril ang dalawang tuhod niya. Tangina, ayaw ko kayang mahabol niya ako.
Tumayo na ako at tumalikod na sa lalaking sumisigaw pa rin dahil sa sakit.
"Celestine!!"
Gulat akong napalingon at nakita kong tumatakbo na si Kuya Favian. Niyakap niya ako. At nakarinig namana agad ako ng isang putok.
He was shot.
Kuya Favian, was shot.
"Be happy. Celestine, be happy. I love you, princess"
--
Herannie
BINABASA MO ANG
Hidden Fortress
RomanceExplore the inside of the Fortress. Hidden secrets will unfold. Truth will break the walls.