Chapter 9

13 1 1
                                    

Chapter 9:

"Drink you coffee, Mr. Fortner" sabi ko sa kanya. Wala namang lason yang kape eh. Bakit ayaw niyang uminom.

"I just want to replace that dress. Yung natapunan ko" sabi niya. Muntik ko ng maibuga ang iniinom kong kape. Nagtagalog siya diba?

"Marunong kang magtagalog?" gulat na tanong ko.

"Yes. I'm Fil-Am" sabi niya. Hindi mo malalaman kung Fil-Am siya dahil amerikano talaga ang istura niya plus his sea green eyes. Damn.

"Oh, okay. So anong sadya mo dito?" tanong ko. I'm uncomfortable when it comes to men creature. Gusto ko ng tapusin ang pag-uusap na to. At saka, wala namang rason para magtagal to diba?

"Here" sabi niya at inilahad saakin ang isang paperbag. Kinuha ko ang paperbag at agad naman akong namangha sa nakita ko. Napaka-ganda ng damit na ito. This dress actually suit my style.

"Thank you, Mr. Fortner. Much appreciated, nag-abala ka pa" sabi ko. It's actually fine with me, makakabili pa naman ako ng marami.

"I'll get going" sabi niya at tumayo na. Pero bago pa siya makaalis ay nagulat ako ng biglang bumukas ang pintuan ang iniluwa iyon ang panganay kong Kuya. Ano ginagawa ni Kuya Rowley dito?

"You! Inagawan mo nanaman ako ng share sa isang kompanya! Alam mo bang pinaghirapan ko yun tapos aagawin mo naman ang katayuan ko?" sabi niya at bigla akong sinampal. Agad kong nasapo ang pisngi ko. Tss. Kanina sinampal ako ng nanay ko, ngayon naman sinampal ako ng Kuya ko.

Ilang sampal pa ba ang aabutin ko ngayong araw?

"Excuse me, I don't have any idea what are you two talking about, but it is not right to harm a woman" biglang sabi ni Zadkiel. Hindi ko na siya nilingon, nahihiya ako. Nakita niya kung papaano ako sigawan at sampalin ng Kuya ko.

"Oh, may bisita ka pala Celestina? Ano to? Bagong lalaki mo naman? Malandi ka talagang babae ka, hindi ka na natuto!" sabi ni Kuya at naglakad na palabas ng opisina ko. Ano pa ba ang aasahan ko sa kanila? Wala naman akong halaga para sa kanila eh.

"Are you okay?" nagulat ako ng bigla akong hawakan ni Zadkiel. Agad kong inilayo ang sarili ko sa kanya. Hindi ko alam pero masyado na ata akong allergic sa mga lalaki.

"Ayos lang ako. You may now leave" sabi ko habang iniiwas ang tingin sa kanya. Hawak ko pa rin ang pisngi ko na sinampal ni Kuya. How dare him slap my precious face? Tss.

Narinig ko naman ang papaalis na yabag ni Zadkiel kaya naupo na ako sa sofa ng opisina ko. Naramdaman ko naman an tumulo na ang mga luha mula sa mata ko. I hate it, I hate this. Gusto ko lamg naman na mahalin ako ng mga minamahal ko eh.

I want to experience love and to be loved by someone. Pero, Malabo na ata mangyari saakin yun. I am traumatized by that incident. I am afraid to love again. Papaano kapag nasaktan ulit ako? Papaano kapag nasaktan ko sila?

Na magagawa ko rin ang ginawa saakin dati. Papaano kapag pinaasa ko sila? Na pumasok ako sa isang relasyon na hindi ko naman talaga mahal ang lalaki na karelasyon ko? Masasaktan ko lang siya. At ayaw kong makasakit ng tao.

I want to hide. Gusto kong itago ang sarili ko sa matataas na pader at kailanman ay hindi na magigiba. I want to hide inside this hidden fortress.

Nagulat ako ng biglang bumukas ang pintuan ng opisina ko kaya napalingon ako doon. Nakita ko si Zadkiel na may dalang maliit na tub. Saan niya kinuha iyan?

Lumapit siya saakin kaya agad naman akong napaatras at iniwas ang tingin ko sa kanya.

"Come, namamaga ata pisngi mo" sabi niya saakin. Sinubukan niyang ilapit saakin ang kamay niya na may hawak na ice pack pero mas lalo ko lang iniwas ang mukha ko sa kanya.

"I'll pretend that I didn't saw it. Just let me apply this to your face" sabi niya. Pero dahil matigas ang ulo ko, mas lalo ko lang iniwas ang tingin ko.

Tumayo siya sa pagkakaluhod at umupo sa tabi ko. Tatayo na sana at lalayo sa kanya ng bigla niyang hinila ang kamay ko kaya na out of balance ako at napaupo sa kandungan niya.

Sinubukan kong pumiglas pero iniyakap niya ang mga braso niya saakin. Alam ba niya ang ginagawa niya? Tuluyan na akong hindi makagalaw ng ikinulong niya ako sa bisig niya.

"Let me heal you...please.." bulong niya saakin. Isa lang angibig sabihin nun, pero parang may iba pang ibig sabihin saakin ang mga salita na iyon.

Napatingin ako sa mga napaka-gandang mga mata niya. Damn, his eyes are really something, except from it's color, parang may ipinapahiwatig pa ang mga mata niya. I am drowning in his sinful eyes. Parang ayaw ko ng umahon, mas gugustuhin ko na lang na malunod sa mga mata niya.

Naramdaman ko na lamang ang marahan na pagdampi ng ice pack sa mukha ko. Nakatingin pa rin ako sa mukha niya habang siya naman ay sa pisngi ko na sinampal ni Kuya.

Hindi ko alam pero bigla na lang nawala ang sakit ng mga pisngi ko. Damn. Dampi pa nga lang ang ginawa niya, impossible naman na mawawala agad ang sakit.

"Is this how they treat their princess?" tanong niya habang dinadampi pa rin ang ice pack sa mukha ko.

"Palagi bang nangyayari to?" tanong niya ulit. Wala naman akong balak na sagutin ang mga tanong niya eh. Sa halip kusa na lang tumulo ang mga luha na kanina ko pa pinipigilan.

"Shh. You don't deserve the hate" pagpapatahan niya saakin. He used his thumb finger to wipe my tears. Ang isa niya kamay ay nakayakap pa rin saakin.

"H-Hin-di k-ko a-alam k-kung ano a-a-ang gagawin ko" wala sa sariling sabi ko. Hanggang sa namalayan ko na lamang ang sarili ko na nakayakap sa kanya at isiniksik ang sarili ko sa leeg niya.

After three years, ngayon lang ulit ako nakaramdam ng comfort. I am always comforting myself. Ayaw kong maging mahina sa harap ng iba. Ayaw ko rin naman maging mahina sa harap ni Zadkiel.

He's a stranger, plus he is a man creature. Hindi ko rin alam kung bakit hinahayaan ko ang sarili ko na yumakap sa kanya.

"Shhh. Tahan na" sabi niya. Naramdaman ko naman na niyakap niya rin ako pabalik at masuyong sinusuklay ang mahaba kong buhok.

"I am scared Colonel. I am scared" wala sa sariling sabi ko. Hindi ko alam pero bigala ko na lang nasasabi ang mga salita na iyon.

"Then be scared. Don't act like you're strong. I am here to protect you" masuyong sabi niya saakin. Alam kong sinasabi niya lang yan para tumahan ako. He's not taking it seriously.

Pero gusto ko ring paniwalain ang sarili ko na may taong hindi niya lang ginagawa ito dahil naawa siya sakin, gusto kong maniwala na may taong nagmamahal saakin. This is so stressful.

"When the world turns it's back on you, just look at your side. I will always be there, to be with you"

--

Herannie 

Hidden FortressTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon