Chapter 25

9 0 0
                                    

Chapter 25:

"Celestine..." tawag ni Kuya Favian saakin mula sa pintuan ng kwarto ko. Dito kaming lahat sa mansion. At hindi pa rin nagpapakita si Zadkiel saakin, mula kahapon. Hindi ko alam kung ano ang nangyari sa kanya. Baka tuluyan na niya akong iniwan.

"Celestine, you need to eat" sabi saakin ni Kuya. Hindi pa rin kasi ako kumakain mula kahapon. Alam kong makakasama ito sa batang dinadala ko, pero wala talaga akong ganang kumain.

"Later" tipid na sagot ko. Tinignan naman ako ni Kuya na parang nakikiusap siya saakin pero sa huli ay napabuntong-hininga lang siya at isinarado ulit ang kwarto ko.

Humiga na lang ako ulit sa kama ko at napabuntong-hininga. Sinapo ko ang sinapupunan ko at kinausap ang bata na dinadala ko.

"Baby, I'm really sorry. Mommy is so bad, hindi ako kumakain. Pero, I hope that you will understand mommy, I am hurt baby. Nasasaktan ako. First, your lola, now your Daddy" sumbong ko sa anak ko. Mababaliw na ata ako.

"Your Daddy, is out of reach baby, hindi ko alam kung ano ang nangyari sa kanya baby. Baka iniwan na tayo ng Daddy mo" sabi ko at nagsimula nanaman na umiyak. Hanggang sa nakatulog na lamang ako.

--

"Ma'am, condolence po. Ito na po ang mga hinihingi niyo pong papeles" sabi ng secretary ko. It's been 3 days since my mother died. Bukas na ang libing niya. Ayaw na kasi nilang patagalin pa. I also agreed, ayaw ko nang nakikita si Mommy ng ganun.

Tinanguan ko na lamang ang secretary ko at nakita ko naman na lumabas na siya. Sumandal ako sa swivel chair ko at agad na bumuntong hininga. Bakit pa ba kasi ako pumasok sa opisina? Ah, may responsibilidad pala ako.

Funny, that even at this times, hinahabol pa rin ako ng responsibilidad ko. Wala sa sariling napaiyak naman ako. Ang babaw ng luha ko, tangina. Look at you, Celestine, you're a mess.

Tangina naman kasi. I am beyond successful, I am rich, kaya kong bilhin ang isang bagay sa isang tawag ko lang. Maganda ako, madaming nagkakagusto saakin. May mga napatunayan na ako sa maraming tao. Marami akong natapos na propesyon.

Pero bakit hindi ako masaya? Bakit ako nakakaramdam ng ganito? Bakit parang pinagkakaitan ako? Ginawa ko naman lahat ng makakaya ko. Bakit hindi ako kuntento? Nagawa ko ang mga bagay na hinahangad ng nakakarami. Pero alam ko sa sarili ko na hindi ko gusto ang ginagawa ko.

I want to be a normal girl, with a normal life. May asawa na alam ko talaga sa sarili ko na mahal ko siya, may anak na nagpapagaan ng loob ko. Pamilya na masasandalan ko kapag may problema ako.

Pero bakit parang ipinagkakait sakin yan? Tangina.

Nang dahil sa inis ko, agad kong inihagis ang mga gamit sa mesa ko. Pati ang mga papeles ay inihagis ko. Tanginang responsibilidad yan! Ayaw ko na! Hindi ko na kaya!

Hindi pa ako nakuntento at pinagsisipa ko ang swivel chair ko. Lumapit rin ako sa shelves na puno ng trophies at certificates dahil sa achievements ko. Isa-isa kong inihagis ang mga iyon.

Napaluhod na lamang ako at napaiyak.

"Why are you all doing this to me?!" sigaw ko na parang may taong makakasagot sa mga hinaing ko.

"Minahal ko lang naman kayo ah! Bakit ganito ang sukli saakin?!"

Tumayo ako sa pagkakaupo ko at agad na lumabas ng opisina. Sumakay ako sa kotse ko at agad na pinaharurot iyon. Hindi ko na nakikita ng maayos ang daan dahil sa mga luha ko.

Itinigil ko ang sasakyan ko sa ilalim ng hanging bridge. Luma na ang isang ito, at wala na masyadong tao ang pumupunta dito. Agad akong tumakbo at umakyat sa hanging bridge.

Hidden FortressTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon