Dani's POV:Nagising ako na may parang nag uuga saakin. Si Stella, sinusubukan na pala akong gisingin.
Stella:"Tita Dani where's mommy?"
Dani: "Naku, umalis sila ng daddy mo e- pero mamayang gabi or madaling araw lang babalik na sila okay?"
Tumango ito. Susubukan ko sanang pumikit muli ng bigla nanaman akong ugain nito.
Dani: "Oh ano nanaman?"
Stella: "Tita I am hungry, it's almost 9 na tita, I always eat my breakfast at 8am."
Dani: "Ganun ba? Sige halika sa kusina, eto may cereal ako, masarap to, Reese's yan, lagyan natin ng milk- here you go, kain ka na ha"
Dumeretso ako sa banyo para mag sipilyo, itinaas ko narin ang buhok ko. Sobrang saya talaga kapag walang schedule, sa bahay lang, walang makeup, pajama lang okay na. Pag labas ko sa kusina, napansin kong sobrang tahimik ni Stella.
Dani: "Oh ano masarap diba? Hindi kana nakapag salita diyan, alam mo mamaya, gusto mo bang mag jollibee? Dun nalang tayo mag lunch, huwag mo sasabihin sa mommy mo ha- na nag fast food tayo- sabihin mo nalang-"
Napansin kong nakababa ang ulo nito sa may mesa.
Dani:"Stella?"
Iniangat ko ang ulo nito, at laking gulat ko na halos kulay violet na ang mga labi nito, nakakunot din ang noo niya na para bang hirap na hirap siyang huminga-
Dani: "Omg Stella! Bakit? Anong nangyari? Shit shit, teka, anong gagawin ko! Stella may gamot kaba? Omg teka lang- wait, shit, uhm- phone, phone, nasan naba yung phone ko- ayun-"
Number ni Mami Tess ang nai dial ko, ewan ko ba sanay akong siya ang laging tinatawagan kapag may problema ako.
Dani: "Mami Tess, yung pamangkin ko- ano hindi siya makahinga, I think may napakain akong hindi dapat, kasi ang alam ko may allergy siya e- hindi ko lang alam kung ano yun- ano gagawin ko? Emergency? Okay okay- sa QC Medical? Okay, may kilala ka ba doon? Kinakabahan ako ma, I want it to be someone really good, Stella wait, we're going soon okay? Ano ma? Dr. Love? Okay okay sige bye- Stella come on we have to go,"
Dinampot ko nalang siya at itinakbo na sa sasakyan ko. Sa totoo lang hindi ako nagmamaneho ng sarili ko, marunong ako pero, hindi ako kumportable, medyo takot pa ako, pero ng time na yun wala na akong choice. Pagdating namin sa Emergency, sinigawan ko nalang yung guard para kunin ang sasakyan ko, dahil kinarga ko na si Stella papasok.
Dani: "Nurse, please yung pamangkin ko-"
Kinuha nila sakin si Stella, at pinaghintay ako sa mga upuan sa may hallway papasok ng emergency.
Teka, yung kilalang doctor ni mami, tumakbo ako sa may nurse station para hanapin si Dr.Love, mapapanatag lang ako kung alam kong may mapagkakatiwalaan sa loob na kasama ng pamangkin ko. Hindi ko mapapatawad ang sarili ko kung may mangyaring masama kay Stella-
Nurse: "Ay Ms. Dani, andiyan na po si Doc Luv"
Pag harap ko nagulat ako na yung antipatikong kapitbahay ko ang andun. Nakasuot ito ng puting uniporme, at nakalagay nga sa tag niya yung Dr. Luv. Pangilinan.
Dani: "Ikaw si Dr. Love? I mean Luv?"
Luv: "Bakit ka nandito? Don't tell me ikaw pala ang stalker sa ating dalawa!"
Dani: "Huh! Huwag kang feeling, isa pa hindi ko naman akalain na lalaki ka, Luv? Seryoso Dr. Luv? Teka nga, please mas mahalaga ngayon na matignan mo yung pamangkin ko, nandun siya sa emergency- please?"

BINABASA MO ANG
Along came Dr. LUV
ChickLit(4th book) Dani is a famous model and actress who vowed never to fall in LOVE, as in no no sa love! Binansagan na nga siyang Asia's HEARTBREAKER dahil sa dami ng lalaking umasa at nasaktan lamang sa kanya. Para sa kanya, lahat ng lalaki ay tulad ng...