Morning Sickness

441 20 23
                                    




Luv's POV:

Pag sundo ko kay Dani sa set nila, nakita kong ka kuwentuhan nanaman niya si Dean, at tawang tawa pa ito sa kung ano man ang kinukwento nitong buknoy na ito.

Nakita ako ng isa sa mga staff nila at agad namang sinabi kay Dani kaya napatingin na ito sa direksyon kung saan ako nakatayo at naghihintay. Kumaway naman siya at kinuha na ang mga gamit niya. Bumeso siya sa mga ka trabaho niya, pati narin kay Dean. Parang gustong uminit ng ulo ko but I'm trying to control myself because I know it won't be good for Dani's condition, given na tama nga yung result ng test kagabi.

Dani: "Hi Love"

Humalik ako sa noo nito pero bigla naman itong sumimangot.

Luv: "Why?"

Dani: "Ang baho mo."

Luv: "Ako? Mabaho? I even showered before I came to pick you up."

Dani: "I mean yung perfume mo"

Luv: "Baby this is the one that you like, you got me this remember?"

Dani: "Eh nababahuan nga ako, bakit ba parang naiinis ka, mag tataxi nalang ako!"

Luv: "No! Wait, can we get to the car first, then I'll figure it out okay?"

Nakasimangot itong sumunod sa akin. Pag dating sa kotse, nagpalit ako ng extra shirt na meron ako sa sasakyan. Pero dahil naamoy niya parin ako, I handed her a mask.

Dani: "Okay na Love, thank you."

Wow, from almost wanting to eat me alive, ngayon naman sobrang lambing ng pagkaka thank you niya. Jesus, this is going to be a long 9 months.

Pag dating duon, wala pa ang doctor na kausap kong titingin kay Dani.

Dani: "Sabi mo ganitong oras yung schedule ko?"

Luv: "There's probably an emergency or something, let's just wait a little."

Robert: "Hi guys! Anong ginagawa ninyo dito?"

Dani: "Ayan Robi! Love si Robi nalang please?"

Luv: "No, I already said no to this."

Dani: "Bakit ba ikaw ang masusunod ikaw ba ang manganganak?"

Robert: "Manganganak? Hold up! Are you guys? Expecting?"

Luv: "Well we did a test last night and it was positive so, I'm kind of sure that we're expecting, but we have to double check kaya I scheduled her for an appointment with Lisa-"

Robert: "Oh Lisa! May pinapaanak! Emergency CS"

Dani: "See! Robi ikaw nalang talaga ang doctor ko"

Robert: "I have no problem with that, ano Luv?"

Luv: "I said No, why are we even discussing this?"

Dani: "Bakit ba! Ayaw mo yun kaibigan natin yung doctor ko sigurado tayo-"

Luv: "No offense but that's exactly why it's weird, what's with you Robi and these pregnant women?"

Ang lakas ng tawa nito pero si Dani naman ay nakakunot ang noo saakin.

Robert: "I don't know man, pero ano kaba, para kang hindi doctor, this is nothing personal-"

Luv: "It's still weird kapag misis mo yung pinag uusapan."

Dani: "Luvisito hindi mo pa ako misis, kaya nakapag desisyon na ako, Robi sige na ikaw na ang doctor ko-"

Luv: "Dani!"

Along came Dr. LUVTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon