(4th book) Dani is a famous model and actress who vowed never to fall in LOVE, as in no no sa love! Binansagan na nga siyang Asia's HEARTBREAKER dahil sa dami ng lalaking umasa at nasaktan lamang sa kanya. Para sa kanya, lahat ng lalaki ay tulad ng...
Ngayong gabi na namin makikita yung bahay na napili ni Luv na lilipatan namin, actually ready na ang lahat dito, he bought the house as it is, since wala naman kaming maraming oras na magpagawa pa. We just agreed na kapag maluwag na, uunti untiin naming I renovate yung bahay just in case na meron kaming gustong palitan. I helped him pick important furniture, like bed, couch and cabinets. But most of it siya at yung binayaran niyang interior designer na ang namili at nag decide. We did the house blessing last week nung pareho kaming magka-oras. Sobra kaming naging busy pareho, sa trabaho at pag aasikaso ng kasal. Inimbitahan namin ang mga kaibigan namin ngayong gabi sa bagong bahay, hindi pa kami completely nakakalipat dito pero, mas malaki kasi ang space dito mag get together kesa sa condo. We just wanted to spend time with them while we can, kasi I'm sure pagka tapos ng kasal, sobra na kaming mabu-busy sa panganganak ko, adoption ni Stella and sari-sarili naming trabaho.
Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
Nagpa cater nalang ako kay Miggy para mas madali. Dumating na si Tracy, ganun din si Tanner at Robi. Medyo nahuli sila Eric pero mas nauna pa sila kesa kay Luv. Meron kasi siyang emergency sa clinic.
Paige: "Buti nalang kauuwi lang nung parents ni Eric from the States, kaya may napag iwanan kami dun sa kambal ngayong gabi. Simula nung manganak ako, as in wala talaga kaming naging pahinga ni Eric, lalo na yan, sobrang pagod kasi yung businesses niya hindi naman pwedeng hindi niya iisa isahin. Ako at least nasa bahay na yung studio ko, so mas medyo madali dali na.
Eric: "Actually ang weird nga na wala yung kambal, sobrang weird. Sanay akong laging may nakapatong sa braso ko-"
Paige: "Uy, paano uli? Yung nakapatong?"
Ipinakita naman nito uli yung pag tiklop niya sa braso niya na parang may karga-
Eric: "Ganito?"
Paige: "Bakit naman parang may pa flex pa? Haha"
Eric: "Walang effort yan ha, swerte ka lang talaga sa napang asawa mo, blessed-"
Nakakatuwa namang pag masdan ang dalawang ito.
Dani: "Sana ganyan din kami ni Luv kahit tumagal na kami-"
Paige: "Teka ilang buwan naba tong tiyan mo?"
Dani: "Mag aapat na-"
Paige: "Huh!!! Mag aapat na yan?? San mo tinatago yung baby mo? Wala kang ka tiyan tiyan!"
Dani: "Ewan ko ba, regular naman check up ko kay Robi, okay naman, may heartbeat, andun naman talaga siya, ewan ko kung bakit parang hindi lumilitaw, na e-excite na nga ako makita yung bump e."
Robert: "Minsan ganun talaga e, lalo na payat ka talaga so, siguro mga 6 months, yan medyo nayan."
Paige: "Ano ibig mo sabihin ako tabain?"
Robert: "Ay, hindi ha! Sensitive! Baka buntis ka nanaman ha."
Eric: "Panong buntis, gabi gabi na akong naglulumuhod, sobrang hindi ako pinagbibiyan niyan-"