Chapter 14

33 2 0
                                    

Chapter 14: Enough

Friday, August 24, 2018, 20:00 PHT

    Supposedly, around 6 PM nandito na kami ni Francine sa bahay nila tita Sasha kaya lang nakauwi kasi ako ng around 5:30 PM kanina, and I had to finish my assignments for this weekend. I did it para kahit two nights kami dito pwedeng pwede dahil hindi ko kailangang mag-procrastinate ng Sunday.

    Kakababa pa lang namin ng sasakyan ni Mommy, dinig na dinig na agad namin na nagkakantahan ang mga tito ko sa terrace nila tita Sasha. They already are drinking beer, may foods sa lamesa nila. Pizza, sisig, caldareta at may mangga pa na may bagoong. Mga pinsan sila ni Mommy. Nasa labas din ng bahay ang flat screen tv nina tita Sasha sa living room at nagkakaraoke sila.

    "Pamano po." Francine and I said. Isa isa kaming nagmano sa mga matatanda sa terrace bago kami nakarating sa sala, while Mommy stays outside to talk to her cousins.

    "Hoy Ateng! Buti ngayon lang kayo dumating!" Andrea greeted Francine and me. Adorine and Adie also went into us to give us a warm hug.

    "I've missed you so much!" I told them.

    "I miss you mga ate!" Francine hugs them.

    "I thought, you, Francesca wouldn't come!" Adie hugs me really tight and I laugh at her.

    "Magtatampo na sana siya, pero okay lang na medyo nalate kayo!" Adorine hugs me. "Nagpunta kasi dito si Barrientos," she whispers on my ear.

    "Are you kidding me?" I asked her as soon as we pulled out of hug. I look at Adorine and shake my head in disapproval. "You're kidding me."

    "Sa aming tatlo, ako ang may pinakamaliit na tyansa na magbibiro sa'yo ng ganon." Adorine glares at me which means she's saying the truth.

    "Ako na lang sana kasi ang nagsabi para hindi talaga siya naniwala." Andrea butts in.

    "Nako Ayi, mas mabuti nang si ate Adorine mo ang nagsabi kasi kung ikaw kung anu-ano pa ang sasabihin mo," Adie utters while we are walking into the kitchen.

    "Like what? Na he stays here for three hours to wait for ate Ceska na ngayon lang dumating kung kailan kakaalis lang niya? Ganon?" Andrea smirks at Adie.

    "Totoo ba?" I ask Adorine and she nods her head to confirm it. "Did you talk to him?"

    "Supposedly, I would but I thought what's the point of blocking him on messenger kung kakausapin ko naman siya in person?" Adorine answers me.

    "I agree," Adie said.

    "Same here." Andrea agrees too.

    "Sa messenger lang?" I asked them and they nodded their head. "What about his Facebook?"

    "Ako, hindi ko siya blinock don para makita ko mga posts niya tapos maichika ko sa'yo." Andrea admits.

    "Actually, 'yon din ang naisip ko kaya sa messenger ko lang siya blinock." Adie confesses.

    "Sorry, Ceska, pero ako rin. Eh ikaw ba? Did you block him?" Adorine asks me.

    "Yes, but I honestly didn't block his Facebook as well. Naka-unfollow lang sa akin." I admit too. Hindi ko naman kasi talaga siya in-unfriend sa Facebook. If I do that, sobrang bitter ng labas non sa kanya. I also thought of giving him the opportunity to see my wall kahit na madalang naman akong magshare or magpost.

    Additionally, balak ko na rin namang gumawa ng bago fb account. Punong puno kasi ng pictures namin ang albums ko, pero sa totoo lang kahit magbago pa ako ng account, sa albums ng family ko nandon din siya. I just planned it, hindi naman sure kung gagawin ko rin talaga.

I Met a Guy Whose Name is LucasTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon