[Beatrice's POV]
Hanggang sa hindi ko namalayan, 4:30pm na. Ilang oras ko din ka-text si Harvey. Yan nalang daw ang itawag ko sakanya, tutal hindi naman nagkakalayo ang edad namin. Mas matanda lang ako ng 5months sakanya. 5months lang po! Hindi ako ganun katanda. *laughs* Magaan ang loob ko sakanya, kahit sa text lang kami nagkakilala. Lumipas ang ilang araw at ilang linggo palagi na kaming magkatext. Pero sa araw-araw na magkatext kami, iniisip ko pa din kung ano kaya ang itsura niya? Nacucurious na tuloy ako sa itsura niya. Gusto ko na siyang makita. Siguro gwapo! Sana naman. Kidding aside. Pero ayos lang din kahit hindi ka-gwapuhan. Mukhang mabait naman siya eh, at magkakasundo kami. *smile*
Convocation Day...
(every grading period ginaganap ang Convocation Day.)
Nakalimutan ko pala sabihin sa inyo 6th honor ako sa class namin. Hindi ko nga alam kung bakit ako umaattend sa mga ganitong ka-echosan ng school eh. Aakyat ka lang naman sa stage kasama ang guardian mo, picture ng konti and there that's it, tapos na. Mas matagal ka pang maghihintay. Nasa kabilang side nga pala ang Mama ko, kasama yung ibang parents ng mga schoolmates ko. Aakyat din kasi ang parent na kasama mo kapag tinawag na ang name mo. Speaking of tinawag, nakakatamad maghintay na tawagin ang name mo. Buti nalang fist year pa lang ako. Kaya medyo una kami sa listahan. Syempre Honors din ang mga friends ko, ndi pwedeng ako lang, diba.
8th Honor Veronica del Rio
7th Honor Florence Ortega
6th Honor Beatrice Madrigal
It's my turn para umakyat sa stage. Pagkahawak ko sa certificate ko, ayun, smile naman sa camera ni Manong photographer.
Tinawag narin naman ung mga sumunod sakin at bumalik na kami ni Mama sa seats namin. Hindi pa kasi pwedeng umuwi. Mag-speech pa kasi si Mr. Santos mamaya, ang pinaka-bata at pogi sa lahat ng school principal. *laughs* kabaliktaran kasi. *laughs*
Ilang minuto ang nakalipas tinawag din ang 1st Honor sa klase.
1st Honor Gwyneth Ignacio
Palakpakan naman kaming tatlo, syempre, akalain niyo yun, kaibigan namin yan. Hahah. :D
Ang tagal naman matapos. Inaantok na ko. Pang6th section palang ung tinatawag eh. 4th section kasi ako. May isang section pang hindi natatawag sa first year. Bale 7 sections kasi ang first year, at ilang section pa din ang hindi natatapos sa second, third at fourth year. *sleepy*
3rd Honor Harvey Altamirano
Pero tama ba yung pagkakarinig ko? Tinawag nga ba ang name na Harvey? At 3rd Honor pa sya? Waaah! Bigla akong nagising. Kailangan ko siyang makita. Tumayo ako at tumingin sa stage.
I saw him. Cute, chinito, maputi at matangkad. Napakamusculine nya tignan, at bagay kami. *laughs* ang landi naman ng role ko dito, bat ganun? Hahah. Oh, ang smile niya, oh my, oh my, ang pogi. Hindi ko akalain na ganun ang itsura niya. Ang layo sa iniisip ko, lumagpas pa. :D Naglalakad na siya pabalik sa seat niya, at nag-smile siya. Nag-smile siya sakin! Bago siya umupo. Waaah. Kilala niya ko sa itsura. Pano? Pano niya alam? Gosh. Baka nakita niya rin ako kanina na umakyat sa stage. Asaaar! Edi sana nagpa-ganda ako. Hindi ko alam na dito rin siya nag-aaral. Hindi ko kasi naitanong sakanya. Gusto ko ng lumubog sa kinatatayuan ko. Natulala ako, sa ka-gwapuhan niya. :D pero parang nakita ko na siya? Hindi ko nga lang matandaan kung saan.
"Uy, Trix. Bakit bigla ka nalang tumayo dyan? Tulala ka pa ngayon." tanong ni Florence.
*snap* "Beeeeaatriicee!" tawag naman sakin ni Veronica.
"Ay, so-sorry." yun nalang ang nasabi ko sakanila.
"Ano ba kasing meron? At natulala ka dyan?" tanong ni Gwyneth.
"That's Him! Finally!" sagot ko na naka-smile, with matching kilig effect. Teka, bakit may kilig? Nako, mali. Erase. Erase. Erase ung kilig. :D
"Sinong him?" tanong ni Veronica.
"Ung textmate ko, si Harvey." sagot ko.
"Aba. Mukhang na-love at first sight tong friend natin ah. What do you think, girls?" panunukso naman ni Florence.
"Oo nga. Agree kami dyan 'te!" pag-sangayon naman ni Gwyneth.
"Tumigil nga kayo dyan. Katext ko lang yung tao. Kayo talaga." pag-dipensa ko naman sa sarili ko. Hahah. Hindi naman pwedeng bumigay agad ako, diba? Pero, hindi nga kaya na-love at first sight ako kay Harvey? *smile*
BINABASA MO ANG
The Underlined Truth
Cerita Pendek"Sometimes, we need to accept that the truth hurts. But then again, living in a world full of lies is more painful." - Unknown