[Beatrice's POV]
It's Monday again, as usual, late na naman ako ng gising. Wala namang bago. XD teka, parang may mali. Ang naaalala ko nalang ay yung magkasama kami ni Harvey kagabi, at sumakay kami sa kotse niya para umuwi. Wala kong naaalala na nakauwi ako ah. Hmm. Ano kayang nangyari?
"Goodmorning, Ma!" bumaba na ko para kumaen. Wala akong kasabay ngayon, kami lang ni Mama. Tulog pa kasi ung dalawa kong kapatid. Maaga pa at mamaya pa kasi papasok si Bianca.
"Goodmorning din, Anak!" bati ni Mama, habang nilalagay ang plato ko sa mesa.
"Ma, anong nangyari kagabi? Wala po akong maalala." nagtataka kong tanong.
"Nakatulog ka kasi sa kotse. Siguro napagod ka na sa byahe. Kaya hindi ka na ginising ni Harvey. Binuhat ka na lang niya hanggang sa kwarto mo, at saka siya umuwi." ah, ganun pala. Natulog na naman pala ako! Hahah. Ang bait talaga niya, binuhat pa talaga ko. *kilig*
"Bilisan mo na dyan. Late ka na naman." biglang sabi ni Mama sakin. Ay, oo. Late na pala ko!
"Buti pinaalala mo, Ma! Sige po. Ligo na po ko!" at nagmadaling pumasok sa cr. Madaliang gayakan na naman ang ginawa ko. Buti nalang kahit late ako lagi ng gising ay hindi ako napagsasaraduhan ng gate. :D nandito na ko ngayon sa loob ng room, at nag-iimagine pa ng mga nangyari kagabi. Para kasing hindi totoo. Hay. Liligawan na daw niya ko, hindi kaya masyadong mabilis?
"Hey Trix! there's a handsome man over there, looking for you." sabi ni Emery, classmates kami, remember? Ang arte talaga magsalita. Pero sino naman kaya ang maghahanap sakin ng ganito kaaga.
"Sino daw sya?" tanong ko.
"Puntahan mo nalang kaya!" sagot ni Lizey. Ang ever sidekick ni Emery. Maldita talaga.
Tignan ko na nga, baka kung sino pa yun. Importante siguro. Malapit na ko sa pinto ng room, at sa hindi ko alam na kadahilanan, kinabahan ako. Ewan ko kung bakit. May lalakeng nakatalikod. Mukhang alam ko na kung sino to. At lumingon na siya. Si Harvey nga. Hindi ako nagkamali. Kahit kelan napaka-pogi niya. Ano naman kaya ang nangyari at nandito siya. Magkasama lang kami kagabi ah.
"Hi, Beatrice." bati niya.
"Uhm. Hello, bakit ka nga pala nandito?" tanong ko.
"Uuwi ka ba agad mamaya?" tanong niya. Tignan mo tong isang to. Tinatanong tpos tanong din ang sagot sakin. Bakit naman kaya niya tinatanong kung uuwi ako agad? Hmm.
"Wala naman na kasi akong gagawin mamaya dito after class. So, baka umuwi na rin ako. Bakit nga pala, Harvey?" buong pagtatakang sabi ko.
"Uhm. K-kasi, gusto lang sana kitang makasabay mamayang lunch." nahihiya pa niyang sabi.
"Eh kasi, Harvey, Ano.." isang pilit pa niya at papayag na ko. *laughs*
"I wont take a no for an answer, Beatrice. Remember? what I told you last night, I'll show you how I feel. See you later, sa may Narra Tree. Take care." waah. Natulala nalang ako, hindi ko inaasahan yun. Kahit siya, mukhang gulat sa mga salitang lumabas sa bibig niya. Pero teka, sabi niya lunch? Eh bakit sa may Narra tree? Anong kakainin dun? Hay. Pinag-iisip ako ng isang to eh. Bahala na nga mamaya!

BINABASA MO ANG
The Underlined Truth
Short Story"Sometimes, we need to accept that the truth hurts. But then again, living in a world full of lies is more painful." - Unknown