[Beatrice's POV]
"Osya, sya. Tama na po ang bolahan at ka-dramahan mo. Hahah." sabi ko.
"Tara na nga." sabi niya, habang ngi-ngiti ngiti pa.
Pumunta na kami kung na saan ang kotse niya. Syempre, gentleman si Kuya mo, pinagbuksan niya ulit ako ng pinto bago siya sumakay.
"Kagabi nga pala. Nakatulog ka sa byahe, kaya hindi ka na namin ginising. Binuhat nalang kita hanggang sa kwarto mo." sabi niya. Ini-start na niya ang kotse at palayo na kami sa school.
"Thanks. Nai-kwento nga ni Mama kaninang umaga yun." sagot ko.
Ilang minutong katahimikan din ang namagitan samin. Nakakaantok, ano kaya pwede kong pakealaman dito sa kotse niya, alam ko na...
Pinindot ko ang ON button para bumukas ang radio.
[Sparks Fly by Taylor Swift]
I run my fingers through your hair
And watch the lights go wild
Just keep on keepin' your eyes on me
It's just wrong enough to make it feel right
"Nakakainis naman patapos na yung kanta, dapat kanina ko pa pala binuksan tong radio mo." naiinis kong sabi. Kasi naman eh, ung idol ko yung kumakanta eh.
And lead me up the staircase
Won't you whisper soft and slow
I'm captivated by you, baby
Like a fireworks show
"Oh, relax. Bigla bigla ka nalang nagagalit dyan." nakangiting sabi niya.
Drop everything now, meet me in the pouring rain
Kiss me on the sidewalk, take away the pain
Cause I see sparks fly whenever you smile
Get me with those green eyes, baby, as the lights go down
Gimme something that'll haunt me when you're not around
Cause I see sparks fly whenever you smile
And the sparks fly
Oh baby, smile
And the sparks fly
"Favorite ko kasi ung kumakanta, kaya-" hindi pa ko tapos, pinutol na naman yung sasabihin ko.
"Bhie." ha? Sinong Bhie? Ako ba ung kausap niya? Hmm.
"Pwede bang Bhie nalang ang maging endearment natin. Tutal Bhie-atrice ang name mo, at ako naman Har-Bhie." endearment? Waaah. Hindi ko yata siya kayang tawagin na Bhie. Speechless ako!
"Ano sa tingin mo?" tanong niya.
"Ah, eh, oh, sige." yan lang naman ang sagot ko.
"Okay then, Bhie." kinikilig naman ako, at sa sobrang kilig ko. Hindi ko namalayang nasa gate na kami ng bahay namin. Ang bilis naman ng oras, pag nakasakay ako sa jeep parang napakatagal ng byahe, pero ngayon ang bilis. Sayang naman. Gusto ko pa makasama ang Bhie ko ng matagal eh. Ano daw? Oo, Bhie ko na siya ngayon. Walang kokontra. *laughs*
"Ah, sige. Pasok na ko sa loob ah." paalam ko sakanya.
"Wait." pahabol niya. Lumingon naman ako pabalik.
"Take care, Bhie." kilig to the max. Grabe ka talaga! Hindi ko na kaya to. *blush*
"Ikaw din. Ingat!" yun lang ang sagot ko. At nagmadali na kong pumasok sa loob. Narinig kong umalis na din siya pagkapasok ko. Pagkabukas ko ng pinto...
"Hapon ka na yata ngayon, Anak." naghihintay na pala si Mama.
"Ma, mano po." nag-mano ako at humalik kay Mama.
"Inaya po kasi ako ni Harvey mag-lunch, eh kumaen pa kami ng Ice cream. Pasensya na, Ma, kung natagalan akong umuwi." pagpapaliwanag ko.
"Mukhang napapadalas ang labas niyo ah. Mag-ingat ka, Anak. Baka nabibigla ka lang sa mga nagiging desisyon mo." nagpapa-alalang sabi ni Mama.
"Opo, Ma. Salamat po!" at niyakap ko siya.
"Sige, Anak. Magpahinga ka muna." at tuluyan na kong pumasok sa kwarto ko. Nagpalit na ko ng damit, para mas komportable. Napag-isip isip ko nga ang sinabi ni Mama, na baka nabibigla lang ako. Hanggang sa nakatulog ako. Hindi na nga ako nakakaen ng dinner, tuloy tuloy na kasi ang naging tulog ko.

BINABASA MO ANG
The Underlined Truth
Truyện Ngắn"Sometimes, we need to accept that the truth hurts. But then again, living in a world full of lies is more painful." - Unknown