Chapter 13: Your crying shoulder

29 1 0
                                    

[Beatrice's POV]

Matapos naming kainin ung Ice cream. Natulala ako at nalungkot. Hindi ako nagsasalita hanggang napansin na to ni Harvey.

"Bakit? Anong nangyari sayo?" tanong niya with worried tone.

"Sorry may naalala lang ako." nang bigla nalang may tumulong luha sa mga mata ko. *cries*

"Pwede kang magkwento sakin. Makikinig ako." mahinahon niyang sinabi. Hindi pa rin ako nagsalita. Katahimikan. Ilang minuto bago ako nagsimulang magkwento.

"It was 5years ago, nang mangyari ang aksidente. Nakasakay kami ni papa sa motor niya. Galing kami sa school, lagi niya kasi akong hatid sundo noon." *sobs* tahimik na nakikinig si Harvey. Hinawakan niya ang ulo ko at inilagay sa balikat niya. Nakaakbay siya ngayon sakin.

"Masaya kaming uuwi, binilan niya ko ng Ice cream dahil matataas ang grades ko. Bumili din si papa ng pasalubong para kay Mama at Bianca. Hindi ko inaasahan na yun na pala ang huling araw na makikita ko si Papa." *sobs* niyakap niya ko.

"Nabangga kami sa isang truck. Nawalan ako ng malay ng mga oras na yun. Hindi ko nga alam kung sino ang nagdala samin ni Papa sa ospital. Buti nga naka-survive ako, pero si Papa hindi. Ang kwento ni Mama, 3days daw akong hindi gumigising, na-comatose daw ako dahil sa nangyari at naaalala ko ng magising ako hinanap ko agad si Papa. Hindi sumasagot si Mama kapag tinatanong ko siya. Umiyak si Mama. Hindi ko alam kung bakit. Pauwi na kami ng tinanong ko siya 'Nasa bahay na ba si Papa, Mama? Magaling na ba siya?' ndi ako sinasagot ni Mama. Tuloy pa din kami sa paglakad. Palapit na kami sa bahay namin ng mapansin kong madaming tao. Umiiyak ang kapatid ko na 6years old palang nun. Habang palapit ako sakanya, unti unti ng tumulo ang luha ko. Nakita ko si papa, tulog, sa kabaong niya. Wala na siya. Kinuha na si Papa samin." *sobs* sobra na ang iyak ko. Naramdaman ko din na ndi niya inalis ang pagkakayakap niya sakin.

"Beatrice, hindi ibig sabihin na namatay ang Papa mo ay wala na siya. Nandyan siya, sa puso mo. At hindi ka niya iniwan, lagi ka pa din niyang binabantayan." may sense naman ang sinabi ni Kuya.

"Tumahan ka na. Nandito na ko ngayon at hindi ko hahayaan na may mangyaring masama sayo." inabutan niya ko ng panyo. Tignan mo tong taong to, kanina pa ko nag-eemote at umiiyat ngayon lang niya naisipang bigyan ako ng panyo.

"Thank you. Pasensya ka na ha. Napakaiyakin ko talaga." maga na ung mata ko. Ang liit na nga ng paningin ko, hay. :|

"Ang cute mo kaya." sabay pindot siya sa ilong ko. Nagsmile na naman siya. Lagi nalang niya pinapalundag ang puso ko. :D

"Cute ba ang ganitong itsura? Maga ang mata?" tanong ko.

"Oo naman. Ang cute mo umiyak, pero hindi ko na isasacrifice makita ang pagiging cute mo kung ang pag-iyak mo ang tanging paraan." aw, ang sweet talaga. Hindi ako nakapagsalita sa sinabi niya. Sana lagi tayong ganito, nakayakap pa din siya sakin ngayon eh. Sobrang chansing na to si Harvey. Hahah. :D

The Underlined TruthTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon