[Beatrice's POV]
Ang ingay ng mga classmates ko, hanggang dito sa corridors. Ano naman kaya ang pinagkkwentuhan ng mga yun? Papasok palang kasi ako ng room. Pero mukhang kailangan ko munang mag-cr. Dumiretso muna ako dun, pagpasok ko, nagulat ako dahil nandun si Veronica, at si Emery. Ano kayang pinaguusapan nila? Hindi ko alam na naguusap sila? At mukhang close pa. Mabuti nga yun at mas dumadami ang friends ni Veronica. Kahit kasi mayaman siya, hindi siya mahilig makipagsosyalan. Pero, bakit sa lahat ng pwede niyang maka-close, bakit si Emery pa? Hindi to maganda pag nagka-taon.
"Uh, sige ah. Mauna na ko." sabi ni Veronica. Bakit kaya mukhang nagulat siya pagpasok ko ng cr? Bakit siya nagmadali?
"Teka lang, Veron-" hahabulin ko pa sana siya ng biglang nagsalita si Emery.
"Hi Trix! Have you read the school newspaper today?" at bakit naman kaya.
"Not yet, bakit?" nagtataka kong tinanong.
"Nothing. By the way, you'd better check it out! Ciao." at lumabas na siya ng cr. Hay nako. Ano naman kaya ang nasa school newspaper at kailangan kong tignan. Aber? Nagretouch na ko at ginawa ang mga dapat kong gawin. Matapos kong mag-cr dumiretso na ko sa room, ang mga classmates ko, nagkakagulo, kagaya pa din ng kanina. Pero ngayon, may isang tao silang pinapalibutan, si Emery. Ano kayang pinagkakaguluhan nila?
"Hi Trix! Nakita mo na ba to?" si Florence pala. Ano naman kaya yun?
"Ang alin?" tanong ko.
"Itong bagong release na school newspaper." inabot niya sakin ang dyaryo ng school.
"Ah, ndi pa eh. Bakit ba? Ano bang meron?" nagtataka na kasi ako, kanina pa nila ko tinatanong about sa papel na yun, una si Emery, ngayon naman tong si Florence. Mabasa nga.
Kinuha ko yung school newspaper, tinignan at binasa ko. Nakita ko si Emery sa front page. At bakit naman siya nandito? Nang mabasa ko ang isang article.
Emery Humphrey's long lost half Sister is said to be in this school. On an interview, she said that it was the bastard daughter of her Father. Blah. Blah. Blah.
Hindi ko na tinapos yung article. Grabe naman kasi, kailangan ba talagang sabihin na bastard daughter yun ng Father niya. Kawawa naman yung sinasabing long lost half Sister niya. Kahihiyan ang inabot, dahil sa sinabi ni Emery sa interview. Kung ako ung kapatid ng bruhang yun, mas gugustuhin ko pang hindi nalang niya nalaman. Mas magiging okay pa ang buhay ko. At kung ako man yung magiging half-sister niya, no way, thank you na lang. Tsk. Tsk. Tsk. Kawawa. Masama talaga ugali nitong si Emery, ibang klase.
"Grabe naman!" sabi ko kila Florence, Gwyneth at Veronica. Umupo na kasi ako, at magkakatabi kami sa upuan.
"Oo nga eh, kawawa naman ung misterious half Sister niya." sabi ni Gwyneth.
"Pero sino nga kay yun noh? Wala kasing nakakakilala, kundi si Emery lang." sino nga kaya? Hmm. Masyado ng napagusapan ang issue. Andaming nagchi-chismisan. Kaya ang ingay sa loob ng room. Napansin ko lang, parang ang tahimik ni Veronica ngayon. Mula kasi kanina sa cr, hindi na niya ko kinausap eh.
"Veronica, may problema ka ba?" tanong ko. Ang tahimik niya kasi nakakapanibago.
"Wala naman. Wag mo ko intindihin, okay lang ako, Trix." yan ang sinagot niya sakin. Hindi ko na siya kinausap ulit, pero nagtataka pa din ako.
Dumating na si Mrs. Mendoza, adviser namin.
"Goodmorning Class!" bati niya.
"Goodmorning Mrs. Mendoza!" bati namin in return.
Nag-start na siya at nag-discuss. Nag short quiz at recitation kami today. Hay. Medyo nakakaantok. Bakit kaya wala ako sa mood ngayon? :|
"Class, dismiss." hindi ko namalayan. Uwian na pala. Bakit ba ganito ako ngayon? Nung isang araw at kahapon ang saya-saya ko, pero ngayon, parang walang nangyayari. Nasan kaya si Harvey? :|
Pauwi na kami nila Florence at Gwyneth. Nauna na si Veronica, dumating kasi ng maaga yung sundo niya. Naglalakad na kami sa quadrangle ngayon.
BINABASA MO ANG
The Underlined Truth
Short Story"Sometimes, we need to accept that the truth hurts. But then again, living in a world full of lies is more painful." - Unknown