Chapter 9: The First Date

36 1 0
                                    

[Beatrice's POV]

"Uhm, Harvey, san ba tayo pupunta?" nagtataka na kasi ako. Ang tagal na kasi naming bumi-byahe.

"Relax ka lang. Malapit na tayo." kanina niya pa sinasabing malapit na pero hanggang ngayon wala pa din kami sa sinasabi niyang malapit. Hay nako. At eto, nakatulog na tuloy ako.

"Beatrice, wake up. We're here." nagising ako, at na-amaze kung nasan kami ngayon. Ang ganda-ganda ng place, sobra! Binuksan na niya ang kotse at bumaba na ko.

"Ang ganda dito, Harvey." sabi ko habang papasok kami sa entrance ng isang tago at very romantic na restaurant.

"Do you like it?" tanong niya.

"Ofcourse, I really do." yan nalang ang nasagot ko, dahil manghang mangha ako ngayon sa nakikita ko. Hindi mo aakalaing restaurant. Sa entrance, may mini bridge kang dadaanan, may tubig sa ilalim at may mga live fish. Sa bawat hawakan ng bridge hanggang pagpasok mo sa loob, puno ng flowers, different flowers. May isang side sa restaurant na may flowing water. Napaka-ganda ng ambiance. Relaxing. Ngayon lang ako nakapunta sa ganitong lugar.

"Have a seat." inurong ni Harvey ang upuan ko at umupo na ako. Napaka-gentleman talaga. *kilig*

"Thanks." sabi ko. Parang wala namang tao dito sa restaurant na to. Mukhang mamahalin kasi. Nasa table na ang menu, at pumipili na si Harvey ng o-orderin niya. Ano ba naman to! Hindi ko maintindihan yung mga nakasulat, french yata o spanish, may chinese pa nga eh, whatsoever. Asar! Pano ko o-order nito?

"Maam, Sir, May I take your order, please?" tanong ng waiter na lumapit sa table namin. Hindi ako sumasagot.

"Umorder ka na." sabi sakin ni Harvey.

"Ah, eh. Ano, juice nalang. Orange juice." sagot ko. Nagtaka naman si Harvey sa sinabi ko.

"Beatrice, ayaw mo ba ng food dito?" gusto ko. Kaso ang problema, hindi ko alam kung pano ko sasabihin na ndi ko alam tong mga pagkaen na to.Lalo pa't ibang lengwahe ang nakasulat.

"Gusto. Ikaw nalang ang umorder para sakin. Tutal alam mo naman kung ano ang masarap dito, diba?" palusot ko. Sana lumusot. *laughs*

"Okay. Kung yan ang gusto mo." sagot niya. Kinausap na niya yung waiter at sinabi kung ano ang oorderin namin. Hindi ko talaga maintindihan, bakit ba kasi ndi ako pinag-aral ng Mama ko ng french, spanish o chinese language na yan eh. Umalis na din yung waiter pagkatapos sabihin ni Harvey yung order namin.

"Make yourself comfortable." nagulat ako at nag-salita siya. Siguro pansin niyang naiilang ako sa lugar na to, pati na rin sa suot kong damit. Remember, backless kaya to! May mga tao kasi sa ibang table na kumakaen tapos tumitingin sakin. Nakakailang.

"Uhm, yeah. Naiilang lang kasi ako sa lugar. Parang ndi ako bagay sa ganito." sabi ko.

"Don't mind things. Don't bother yourself, okay?" hay. Pano naman ako ndi mabo-bother sa ganitong kagandang lugar kasama ka. *kilig*

"You know, hindi ko kasi mapigilang hindi ma-bother. Mukhang pang-sosyal kasi tong restaurant, at ako-" hindi niya ko pinatapos sa sinasabi ko.

"Stop. Just enjoy, please. This is our date. This is our first date. I want this day to be memorable, with you, Beatrice." ang sweet! *kilig to the bones*

"O-okay." yan nalang ang naisagot ko. Na-speechless ako dun ah. :D at hanggang dumating na ang pagkain namin. Ang sasarap ha, tama ang desisyon ko na siya nalang ang um-order. May malaking hipon, tempura daw ang tawag dun. Meron ding pasta, na may kung anu-anong design, nakalimutan ko yung tawag, sinabi ni Harvey kanina e. May shabu-shabu din kaming kinaen, at yun ang the best na nagustuhan ko talaga. Madaming si-nerve samin, lahat masasarap. At ang pinakahinihintay ko ang dessert, um-order din pala siya ng cake at napakasarap nito, chocolate flavor. Nagulat naman ako ng may biglang mga musician na palapit samin, violin ang instruments nila. Mukhang planado na lumapit sila samin, dahil inaya ako ni Harvey sumayaw. *blush*

[Harvey's POV]

"Let's dance." aya ko habang nakalahad ang kamay ko. Alam ko namang hindi siya tatanggi. :D

"Sure. Pero baka matapakan kita ha." sagot niya. Hindi pala siya marunong sumayaw, oo nga pala, singer at guitarist ang kasama ko. :D

"That's fine with me, makasayaw lang kita." ang corny ng sagot ko noh. Ewan ko ba kung bakit yun ang lumabas sa bibig ko. Nagsasayaw na kami ngayon, sweet dance naman eh. Tiyak hindi niya talaga ko matatapakan. Nakahawak ang isang kamay ko sa beywang niya at ang isa ay sa kamay niya. Siya naman nakahawak sa balikat ko at sa isang kamay ko din.

"Bolero ka din ano?" tanong niya, na may halong pang-aasar. Bolero na kung bolero, pero bakit parang iba ang nararamdaman ko sa babaeng to.

"Totoo naman ang sinasabi ko, ayaw mo pang maniwala." sagot ko, with medyo tampo voice.

"Hahah. Sige na nga naniniwala na nga. Hindi ka na bolero." sagot niya habang natatawa-tawa.

"I like you, Beatrice." aww! Bakit ko sinabi un! Mali, pero hindi ko na pwedeng bawiin. Nakita ko ang pagkagulat sa mukha niya.

[Beatrice's POV]

What? He told me he likes me? Waaah. Nananaginip ba ko? Kung panaginip to, wag niyo na kong gisingin pa. *laughs*

"I like you, too. Ay este, why? Bakit ako?" shocks. Ano ba yang sinasabi ko.

"I don't know, but you're a lovely girl." parang kakainin na ko ng lupa ngayon, gusto ko nalang lumubog. Parang aatakihin na ko sa sobrang kilig. Hindi ako nakasagot, speechless na naman ang drama ko. *blush*

"I know hindi pa tayo ganun magkakilala, pero anong magagawa ko, gusto kita. I want to know you better. Beatrice, give me a chance for me to show the world that I'm sincere with my feelings for you." speechless.

"Uhm, Harvey, we don't need to rush things." sagot ko.

"Yeah. We're not rushing things. I'll court you, Beatrice. Like any man do to get the girl they like or they love. Whatever this feeling is. Please, Beatrice. Will you?" desidido talaga ang Kuya mo. Haha. Bahala na, sige! *blush*

"Kung yan ang makakapagpasaya sa'yo, sige." waah. He'll court me daw. Grabe. Hindi padin nagsi-sink in sa utak ko ang lahat ng sinabi sakin ni Harvey. Nakakagulat at nakakakilig.

"Thank you." hinalikan niya ko sa noo. Sweet! *blush*

Matapos kaming magsayaw. Nagkwentuhan lang konti, habang iniikot ang restaurant, may ibang part din palang pwedeng puntahan. Hindi lang pala basta restaurant to, pwede ding pasyalan. Ang gaganda ng views, hindi ko akalaing may beach pala sa likod nito. Ang ganda ng dagat pag gabi. Madami pang stars at ang ganda ng moon, as in, everything is wonderful. Hawak ni Harvey ang kamay ko, at hawak ko din ang kamay niya. Perfect night talaga to. Sana hindi na matapos. Pero kahit anong wish ko na hindi matapos lahat ng to, kailangan talaga. Kailangan ng magpaalam sa very nice na lugar na to. Uuwi na kami ngayon. 11pm na kasi at may pasok pa kami bukas. Kamusta naman yun, late na naman ako magigising nito bukas. Kahit naman meron o walang ganitong happenings late pa din ako kinabukasan eh. Walang magbabago. *laughs*

The Underlined TruthTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon