[Beatrice's POV]
"Goodmorning, Ma, Bianca and Baby Britt!" bati ko habang kakanta kanta pa. Britt ang naisip kong maging nickname ng baby sister ko, since Bridgitte naman yung name niya. Oh diba, bonggacious! :D
"Goodmorning din, Ate." bati rin sakin ni Bianca, habang nakaupo sa upuan. Ang babae, ndi pa ko inaya umupo. :D
"Goodmorning din, Anak. Sakto ang gising mo, tara na. Umupo ka na, at kakaen na tayo." yes. Kainan na. Masarap magluto si Mama, hindi ko nga alam kung anong secret niya. Pano kaya ako magiging katulad niya? Gusto ko din kasi matuto ng mga masasarap na pagkain.
"Salamat po." umupo na din ako, at kumaen ng napakasarap na breakfast na luto ni Mama. Carbonara ang una kong kinaen. Yum, yum! Kumuha din ako ng hotdog at nilagyan ko ng mayonaisse. Hahah. Yan ang trip ko ngayong umaga. :D sabayan mo pa ng isang napakalamig na Pineapple Juice. Saraaap! Solve! *burp*
"Pagkatapos niyong kumaen, gumayak na kayo. Baka mahuli tayo sa misa." paalala ni Mama. Oo nga pala, magsisimba kami ngayon. Linggo nga pala.
Matapos kaming kumaen, gumayak na kami. At umalis na ng bahay para pumunta na sa simbahan. Pagpasok namin sa loob, konti pa lang naman ang tao. Hindi pa masyadong mainit, dahil hindi pa siksikan. Pero ilang minuto lang ang nakalipas, napuno ang simbahan. Medyo uminit na. At sa wakas nagsimula na rin ang misa.
Tahimik kaming magkakapatid, pati si Mama. Taimtim kaming nakinig sa misa at nagdasal. Wow, parang ang bait bait ko naman. *laughs*
"Peace be with you, Anak." sabi ni mama.
"Peace be with you din po, Mama. Ganun din sayo, Bianca at Baby Britt." nagpalitan kaming apat ng 'peace be with you'. Ganun din naman sa ibang taong nasa simbahan.
Matapos ang misa, uuwi na kami. Wala naman na kaming ibang lakad. Namili lang kami ng ilang supplies sa grocery at sumakay na ng jeep pauwi.
Pagka-uwing pagka-uwi namin, itinapon ko ang katawan ko sa kama. :D gusto kong matulog, tutal wala naman akong gagawin, at linggo ngayon. Kailangan kong magpahinga para may lakas ako buong linggo. Hahah. Palusot, gusto ko lang talagang matulog, period! *laughs*
[Harvey's POV]
"Bye, Babe. I'm going to the mall, with my friends. Just lock the door if you want to go huh." paalam ni Emery. Ganyan naman yan lagi, pinapapunta ko, tapos kinabukasan iiwan nalang. Okay lang din, sanay na ko.
"Take care, Bye." paalam ko din sakanya. Kahit papano naman ay may pakealam ako sa babaeng to.
"Oh, wait. Don't forget, make Beatrice fall in love with you huh. Ciao." umalis na siya. Ayan na naman ang paalala niya. Ayokong gawin, pero kailangan.
Mag-isa nalang ako ngayon sa pad ni Emery, hindi ko alam kung uuwi na ko o magi-stay pa. Wala naman na kong gagawin dito eh. Parang kusang gumalaw ang kamay ko, at kinuha ang cp ko. I-text ko nalang kaya si Beatrice? Sa totoo lang, magaan ang loob ko sakanya. Masaya ko pag nakikita at nakakausap ko siya. Mukhang mabait naman siya, bakit kaya ayaw na ayaw ni Emery sakanya? Hanggang tinext ko na nga siya.
[Beatrice's POV]
Oh oh!
I don't know about you
But I'm feeling 22
Everything will be alright
If you keep me next to you
You don't know about me
But I'll bet you want to
Everything will be alright
If we just keep dancing like we're
22
22
(22 By Taylor Swift)
Waaah. Asar! Kung bakit makakatulog na ko tska tutunog tong cp na to. Bakit ko ba kasi naisip na i-on ulit ung ring tone ng cp ko eh. Malaaas!
From: Harvey :)
Hi. Kamusta?
Oo, Harvey na ang name niya sa cp ko, simula pa nung unang araw na nagkatext kami ng matagal. XD Landee. Nawala ang pagka-badtrip ko, dahil sya naman ang nagtext. Hahah. XD nireplyan ko sya syempre.
To: Harvey :)
Hi. Okay naman. Ikaw, kamusta?
Kinikilig ako. Kinikilig ako. Hahaha. Bakit kaya ganito ang nararamdaman ko. Asaar. Magkatext kami ng ilang oras, parang nung unang araw na nagkatext lang kami. Hindi ko napansin ang oras at inabot kami ng hapon.
Nang biglang nagulat ako sa tinext nya...
From: Harvey :)
Beatrice, can we go out tonight?
Seryoso ba sya? Grabe. Mamamatay na ko sa kilig. Ndi ko alam kung anong isasagot ko. Waaah. *kilig*
To: Harvey :)
Serious? Saan?
At agad naman siyang nag-reply.
From: Harvey :)
Yup. I'll pick you up nalang sa house niyo. I'ts a semi-formal dinner huh. I'll be there in an hour. See you. :)
Naikwento ko kasi sakanya kung saan ako nakatira. Siguro alam niya tong place malapit samin. Teka, in an hour? Ouch. Kailangan ko ng mag-ayos. Madaliang pag-gayak ang ginawa ko, mabilisang ligo pero naghilod ako ng mabuti ha. :D nilatag ko ang mga damit na pwede kong isuot. Pero, pero hindi ko alam kung anong isusuot ko. Hindi ako makapili. Ito kayang pink? Red? Black? O white? Parang hindi ko trip ang pink at black ngayon. Ito kayang white, para naman akong pupunta ng kasal, ayoko. Itong red nalang ang natitira, parang hindi ko keri isuot to ah. Regalo lang kasi sakin to. At ni minsan, hindi ko pa nasusuot. Bloody red ang color, backless at ndi naman ganun kaiksi. San kaya talaga kami pupunta? Hay. Bahala na.
May narinig akong kotse na huminto sa tapat ng gate namin. Waah. Nandito na siya. Kinabahan ako bigla, hindi ko alam kung magugustuhan niya ang ayos ko. Oo, suot ko na ang red cocktail dress na kanina ko pa tinititigan. Suot ko ang pinaka-favorite high heel shoes ko na color silver. Nag-make up din ako syempre, at tinaas ko ung hair ko with cute curls sa dulo. :D
"Anak, may naghahanap sayo." tawag sakin ni Mama habang kumakatok sa pintuan ng kwarto ko. Oh my, ito na talaga to.
"Yes, Ma. Bababa na din ako." sagot ko. Enhale. Exhale. Enhale. Exhale. Waaah. At binuksan ko na ang pintuan ng kwarto ko. Unti-unti na kong bumaba ng hagdan, nakita kong nasa baba silang lahat, si Mama, si Bianca, si Baby Britt at si Harvey. Nakatingin sila sakin ngayon, para naman akong ibang tao sa paningin nila. Ano ba yan, nakakailang! Parang 'I'm his Princess, and He's my Prince' ang drama. Ako ang prinsesang hinihintay ng prinsipe sa baba ng hagdan. Hanggang nakababa na ko, natingin pa din si Harvey sakin. *blush*
*snap* "Hellooo!" sabi ko.
"You're definitely beautiful." waaah. Hindi ako makapaniwala! Umaapay ang kaligayahan at kilig na nararamdaman ko.
"Uhm, Thanks!" pero nakakahiya. Hindi ko yata kakayanin lumabas ng ganto ang suot kong damit.
"Let's go?" aya ni Harvey, habang pinosisyon niya ang kanyang braso na pag-aakbayan ko. Kilig. Grabe! Hindi ako sumagot, dahil nag-aalinlangan pa rin ako sa suot kong damit.
"Uhm, ayos lang ba yung suot ko?" tanong ko. Para naman malaman ko kung anong say niya.
"Oo naman. Alam mo ba, na kapag ang isang babae ay naiiling sa suot niya, ibig sabihin maganda siya sa paningin ng iba." weh? Kelan pa? Feeling ko sinabi lang niya yun para hindi na ko mahiya.
"Uhm, sige Harvey. Tara na." pagyayaya ko.
"Tita, Bianca, alis na po kami." paalam niya sa Mama ko. Wow ha, alam na din niya ang pangalan ng kapatid ko.
"Sige. Mag-ingat kayo. Wag kayo masyadong magpapagabi ha." paalala ni Mama. Take note, wag daw magpagabi, eh gabi na nga. :D
"Yes, Tita. I'll take care of her." sagot ni Harvey kay mama. Take care daw ah, hahah. *kilig*
"Bye, Ma!" nagpaalam na kami, at umalis na.
Binuksan ni Harvey ang pintuan ng kotse para sakin at pumasok na rin siya sa kabila.
BINABASA MO ANG
The Underlined Truth
القصة القصيرة"Sometimes, we need to accept that the truth hurts. But then again, living in a world full of lies is more painful." - Unknown