Chapter 18: Stranger in the Park

29 1 0
                                    

[Beatrice's POV]

Tumigil ako sa isang park at umupo sa isang bench. Walang tigil pa din ang ulan, at wala akong pakealam. Tutal basang basa na rin lang ako.

Natulala ako sa pag-iisip. Akalain niyo un, ilang minuto lang napahiya at nainsulto na ko ng grabe, sa harap pa ng maraming tao. Hidi ko alam kung makakapasok pa ko bukas, malamang  alam na ng buong school ang nangyari. Alam niyo naman, masyadong sikat si Emery sa school.

Uhm, teka. Bakit parang tumigil na ang ulan? Pagtingin ko sa langit, itim ang nakita ko. Itim na payong. Sino naman kayang magpapayong sakin, nakita naman na siguro niya na basang-basa na ko. Useless lang din, kahit payungan niya ko o hindi. Tinignan ko ang lalaking may hawak ng payong. Hindi ko siya kilala. Ngumiti siya sakin, at nagulat ako sa susunod na ginawa niya. Pinatay niya ang payong niya.

"Uy, anong ginagawa mo! Mababasa ka din!" sabi ko. Bakit ba kasi niya ginawa yun! Ako lang ang may karapatan magpa-ulan noh. Pero parang wala siyang narinig, tumabi pa siya sakin. Umupo siya sa tabi ko. Hindi ako nakaramdam ng takot sakanya, mukhang harmless naman siya. Ewan ko, bakit parang matagal na kaming magkakilala.

"Bakit ka nagpapa-ulan?" at nagsalita na siya sa wakas.

"Wala. Eh ikaw bakit ka nagpapa-ulan?" sagot at tanong ko.

"Para may kasama ka." ang weird naman ng taong to.

"Binuhusan ka din ba ng cold coffee at ni-lait lait ang pagkatao mo kaya ka nagpaulan?" pang-asar kong tanong. Hahah. :D

"Ndi. Pero sayo, halatang nangyari yun. Hahaha." abnoy din to noh. Feeling close agad.

"Pano mo naman nalaman?" tanong ko.

"Obvious naman sa itsura mo kanina. At amoy kape ka. Hahaha." waah. Baliw ba to? Pero bakit hindi ako maasar asar? Nako. Baka stalker to, mahirap na. Pero asa naman akong may stalker ako, diba?

"Kaya ka ba tumabi sakin para asarin ako? Pwes, hindi ako na-aasar sayo!" hahaha. Eto na, nagtataray na ang lola nyo! :D

"Ndi noh. Nandito ko para pasayahin ka." wow. Ancheezy ni Kuya ah.

Hindi namin namalayan ang oras. Puro asaran at konting kwentuhan lang naman ang nangyari. Feeling ko gutom na ko. Hinapon na kasi kami. Kailangan ko na siguro umuwi.

*Gruk. Gruk. Gruk.* (sounds ng tiyan na gutom na. Hahah. *laughs*)

"Uy, gutom na siya!" nang-iinis na naman. Hay.

"Uwi na ko!" pasigaw kong sinabi. Pero nagbibiro padin naman. Heheh.

"Mamaya na. Merienda muna tayo." mukhang manlilibre to ah. Sige na nga.

"Wow. Libre mo ko ha!" pag-bibiro ko.

"Hahaha. Sige! Basta sumunod ka lang sakin." kumagat naman agad! Hahaha. Libre. Libre. Libre.

Sumunod nga ko sakanya, ayon sa sinabi niya. San kaya niya kaya ko i-lilibre? Parang hindi naman kami lumayo sa park. Pumunta lang kami sa mga stalls kung san nakapwesto yung mga street foods. Nice. Gusto ko to! Akala niya siguro mahina ako sa ganito ah. Tignan natin. Hahaha. :D

"Uy, bili mo ko fish ball, kikyam at kwek kwek. Dali." excited kong sinabi. Akala mo ha! *evil laugh*

"Andami naman. Isa-isa lang pwede!" hahaha. Ikaw nang-aya magmerienda dyan.

"Sige na! Please!" nag-kunwaring nagmamakaawa ako. Hahah. Bibili na ko niyan, konting pilit lang.

"Manong, pakibigay nga po ang gusto ng babaeng to. Fish ball, kikyam, at kwek kwek." yes! Sa wakas. Sabi ko sa inyo eh!

"Ayun oh. Salamat!" todo smile naman ako, syempre.

Kumaen kami ng maraming maraming street foods. Hahah. Bumili nalang kami ng sago't gulaman para inumin. Busog na busog na ko. Pwede na ko umuwi nito. :D Eat and run, tutal libre to ni Kuya.

"Uy, thank you sa libre ha! Sa uulitin." sabi ko na may halong pagbibiro.

"Hahah. Sige ba! Dito ulit ha!" sure. I love street foods kaya! :D

"Hapon na masyado, uwi na ko ha!" gusto ko na din umuwi kasi baka hinahanap na ko ni Mama. Nag-aalala na yun.

"Ako din uuwi na. Ingat ka. Next time ulit dito ha!" paalam ni Kuya. Ang bait din niya. Kahit ngayon lang kami nag-kakilala.

"Sige. Bye bye!" lumakad na ko paalis. Uwi na talaga sana ko ng maalala kong, nakalimutan kong itanong ang pangalan niya. Hindi pa naman ako nakakalayo, tumingin ako sa likod ko, sa pag-aakalang nandun pa siya.

"Ano nga palang panga-" ay. Wala na siya! Nakakainis naman bakit hindi ko natanong! Sayang. Pano ko siya mahahanap ulit, at pano niya ko malilibre ulit dito? Napatingin ako sa inuupuan namin kanina, nakita ko yung itim na payong na dala niya kanina. Nako, nakalimutan ni Kuya. Kinuha ko, at sinama sa pag-uwi ko. Nanghintay ako ng jeep. At ilang minuto lang nakauwi na ko.

Nandito na ko sa gate ngayon, nakakapagtaka naman. Hindi ako hinihintay ni Mama ngayon. Si Bianca at Baby Britt, ano kayang ginagawa?

The Underlined TruthTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon