Chapter 1: Where It All Began

126 3 0
                                    

[Beatrice's POV]

"kriiiiiiiiiiiiiiiiiiiinggg!"

(Alarm clock po yan. Mukhang sa telepono lang ang effect. Pasensya na.*laughs*)

Ayun na eh, okay na. Happy ending nalang ang kulang sa panaginip ko, kung hindi lang umepal tong alarm clock na to. (Pinatay ang alarm clock habang nakapikit pa ang isang mata) Makatulog nga ulit. Promise. 15mins lang. 6:45am pa naman ang pasok ko at 5:00am palang. Maaga pa, diba? *nakakalokong smile*

Tulog. Tulog. Tulog.

Teka, bakit parang may naririnig ako? Ang ingay ha!

"Hoy! Miss Beatrice Madrigal! Baka gusto mo ng bumangon! Ilang buwan na ang nakalipas ng mag-first day of school kayo, eto ka ngayon at ndi pa din sanay gumising ng maaga! Bumangon kna! LATE KA NAAAA!" bigla akong napadilat dahil sa huling narinig ko.

OMG. Ano nga ulit ung sinabi nya? Late? Ako? Pagtingin ko sa orasan, 5:55am na. Waaaah. LATE na naman akoooo! :D

Eh nasan si Mama? Wala naman siya dito sa kwarto ah. Hmm. Panaginip lang pala. Buti ginising ako ng panaginip na yun. :D

Matapos ang madaliang pag-gayak, nakarating na din ako sa school. Buti nalang umabot pa sa bell, kung hindi, pag-sasaraduhan lang naman ako ng school gate. :D

"Araaaaaaaay!" napa-sigaw ako ng may isang lalaking bumunggo sakin. Nabagsak ang mga dala-dala kong libro. Kung kelan naman nag-mamadali ako oh.

"Sorry, Miss." at inabot naman nya sakin ang mga gamit kong nahulog, dahil lang naman un sa pagbunggo nya sakin. So, tama lang na pulutin nya. Hahah. Cute na sana si Kuya, kaya lang hindi tumitingin sa dinadaanan. Mukhang nag-mamadali din siya, siguro late din katulad ko. Hahah. :D

Lakad ng mabilis. Kahit hingal na hingal, todo hanap pa din ako sa mga classmates ko. May flag ceremony kasi ngayon.

"Trix!" si Florence pala. Siya ang una kong naging close friend since first day.

"Muntik ka ng malate ah. As usual, late ka na naman ng gising." *laughs*

Sanay na ang babaeng to, dahil araw araw naman ay ganun. Hahah. *laughs*

First of all, I'm Beatrice the Goddess. *laughs* Gulat kayo sa name ko noh? Hahah. Kidding aside. I'm Beatrice Madrigal. You can call me "Bea", "Betty", "Rizz", pero mas kilala kasi ako sa nickname na "Trix". First year high school sa Waterford's Academy. NBSP. Maputi, mahaba ang buhok na may cute curls sa dulo, slim with 5 3' height.

After ng flag ceremony, pumunta na kami sa room. Hinintay nlang namin si Ma'am Mendoza, Adviser and English teacher namin. Siya kasi ang first period namin. Dumating na din siya makalipas ang limang minuto. Walang bago, konting recitation, discussion at seatwork. Lively naman magturo si Ma'am, kaya hindi ako inaantok. :D

Anyway, recess na ngayon. Ang favorite subject ko. Oh, gulat kayo noh? Recess agad. Tapos na kasi ung Science at History namin. :D

Malaki naman ung school canteen, kaya hindi siksikan. Madami din namang stall na pwedeng bilhan. Umorder lang kami ng spaghetti at bumili ng softdrinks. Kasabay ko ngayon sila Florence, Gwyneth at Veronica. Lagi kaming magkakasabay kumaen at kahit sa anong trip, kasama ko na sila. Hindi ko kasi ka-vibes ung ibang classmates namin, masyado silang sossy. Well, may K naman sila, mayayaman kasi. Pero hindi naman kami ganun kahirap tulad ng iniisip niyo, kumakaen naman kami ng limang beses sa isang araw. Take note, limang beses. *laughs*

Ooops! Teka. Nakalimutan ko palang i-introduce sa inyo ang mga friends ko. Uhm, let's start with Florence Ortega, siya lang naman ang una kong naging katabi sa upuan, (M kasi ang first letter ng surname ko, at siya naman ay O) naging ka-close, at naging friend dito sa school na to. Gwyneth Ignacio, a nerd and a lonely girl. Correction, that was before she met us. Syempre mga hindi lang sa kalahati kaming luka-luka eh. Hahah. *laughs* Veronica del Rio, siya ang pinaka-mayaman saming apat, ay mali, siya lang pala ang mayaman. :D pero kahit mayaman siya, hindi yun naging hadlang sa aming pagkakaibigan. May pagka-maarte, hindi nga lang sobra. *smile*

Bumalik na kami sa room, syempre, makikinig na naman sa mga mala-endless discussions ng mga teachers namin. At ng biglang...

"kriiiiiing!" *bell rings*

Hay. Sa wakas. Yes! Uwian na! Ang saya-saya. Hanggang 12:45pm lang kasi kami ngayon. Tuwing Thursday lang kasi kami wholeday, at Monday ngayon. *evil smile*

"See you tommorrow girls!" sabay wave ni Veronica ng kamay niya habang nakasilip sa bintana ng kotse na ginagamit na pang-hatid sundo sakanya ng driver nila. Ganyan talaga pag mayaman.

"Sige."

"Ingat!"

"Bye-bye."

Nagpaalam din naman kami kay Veronica. Nagtataka ba kayo kung bakit hindi niya kami sinasabay pauwi? Iba kasi ang way niya pauwi. Kaya kaming tatlo, eto nakaabang ngayon sa jeep. After 8minutes to be exact, nakasakay na din kami.

The Underlined TruthTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon