[Beatrice's POV]
Iniisip ko pa din yung nangyari kanina. Yung nakita ko na si Harvey, kilala niya ko at nag-smile pa siya. Hindi tuloy ako makatulog ngayon. Sorry readers, nakauwi na pala kami ni Mama kanina. Tapos na din kami mag-dinner at matutulog na kami. Saturday bukas, may praktis pala kami sa school. Hindi niyo kasi naitatanong, member ako ng Music Club. Kaya kong kumakanta at mag-gitara. Pero lead guitarist ako sa Club. Oh diba? Talentado. Kaya kailangan matulog na ko. Beauty rest na! Eh bat ba kasi hindi ako dinadalaw ni mareng antok ngayon? Asar naman. Harvey umalis ka na nga sa isip ko, please lang. *laughs*
Umaga na pala. Salamat naman. Hindi ko kasi namalayang nakatulog na din ako nun kagabi. Nakinig na lang kasi ako sa ipod kagabi ng mga nakakaantok na kanta. Effective naman. Infairness lang nasa panaginip ko sya. Segway muna. *laughs* at hindi ko sasabihin sa inyo kung ano yung panaginip ko. Secret ko na lang. Baka ipagkalat at sabihin niyo pa kay Harvey ko. *laughs* Oo, akin nga si Harvey, sa panaginip ko. :D Tama na nga. Ang kulit niyo kasi eh. Shhhhh. :D
"Ma, alis na po ako. Thanks sa breakfast." *smile* paalam ko. Tulog pa kasi ung mga kapatid ko kaya ako palang ang pinag-handa ni Mama ng breakfast, wala kasi silang pasok, haller! Sabado ngayon? Diba? :D Belinda Madrigal nga pala ang name ni Mama. Isa siyang mabait, mapag-mahal at mapag-alagang nanay.
"Sige, Anak. Mag-iingat ka. Umuwi ka agad ha." sabi ni Mama. Oh, see? Sabi ko sa inyo mabait yan eh.
"Yes, Ma. Bye!" at tumakbo na ko palabas ng gate.
Ilang minuto lang, nakasakay na ko ng jeep. Haay. Makapag-soundtrip nga muna. Sabay salpak ng headset sa tenga. Makikinig muna ko sa idol kong si Taylor Swift. Uhm, pili muna kung ano ang papakinggan. Tutal inspired naman ako ngayon, ito nalang.
Loving him is like driving a new Maserati down a dead end street
Faster than the wind
Passionate as sin, ended so suddenly
Loving him is like trying to change your mind
Once you’re already flying through the free fall
Like the colors in autumn
So bright just before they lose it all
"Manong, bayad po." pinaki-abot ko ang bayad sa aleng katabi ko.
Losing him was blue like I’d never known
Missing him was dark grey all alone
Forgetting him was like trying to know somebody you've never met
But loving him was red
Loving him was red
[Red By Taylor Swift]
"Manong, sa tabi nalang po." nandito na pala ko. Lakad muna hanggang makarating ng school gate. Medyo slow motion pa ang lakad ko dahil dinadama ko pa ang kanta ng idol ko. :D
Touching him is like realizing all you ever wanted was right there in front of you
Memorizing him was as easy as knowing all the words to your old favorite song
Fighting with him was like trying to solve a crossword and realizing there’s no right answer
Regretting him was like wishing you never found out love could be that strong
Ayayay. Bakit kaya nawala ung pinapakinggan ko. Asar naman may nagtext. Na-pause tuloy yung kanta. Teka, masilip nga. Sino kaya yung nagtext.
From: MC-Ate Yuri
Trix. San ka na? Nandito na kaming lahat sa loob.
Oh my, I'm so late. I'm so dead! Hindi ko namalayan ang oras, nakinig lang naman ako ng kanta. Takbo. Takbo. Takbo. Nakarating din ng school gate, sa wakas. Takbo ulit.
[Harvey's POV]
(Ngayon lang po nabigyan ng pagkakataon magka-POV si Harvey. Pasensya na. *laughs*)
Kakarating ko lang sa Waterford's Academy. May sasalihan kasi akong isang school Club.
Bakit kaya tumatakbo ung babaeng yun? Teka. Parang, parang si Beatrice yun ah. At bakit naman siya papunta sa way ko? Hala. Babangga siya sakin.
[Beatrice's POV]
"kaabooooggggsshh!" aray kupo. Waaah. Bakit kasi ngayon pa may makakabangga! Dapat bukas nalang, pwde naman un. Asar. Pero parang may dinadaganan yata ako? Dilat isang mata. O.o
"Waaaaaaaahhh!" napasigaw ako sa sobrang gulat.
"Wag kang sumigaw, baka akalain nila kung ano na nangyari sayo." oo nga naman, OA lang ako. Pero, waah. Si Harvey nga ba tong nadaganan ko? At ang lapit lapit lapit lapit ng mukha niya sakin. Gosh. Nakakahiya. Tumayo ako ng mabilis.
"Sorry." sabi ko.
"Okay lang. Bakit ba kasi tumatakbo ka? At, at, tinapakan mo pa tong balat ng saging." asar! Malas talaga! Sino naman kaya ang naglagay ng balat ng saging na yan dito sa school ground. Grrrrr.
Ooops! Nagmamadali nga pala ko! Naghihintay na sila Ate Yuri sakin. Patay ako. Late na talaga! Waaah. :(
"Sorry. Pasensya ka na talaga! Pero kailangan ko ng umalis. Bye!" paalam ko at madaling umalis.
May naisip ako, at bigla lang sumagi sa isip ko ang isang scenario. Tama! Yun nga ang unang pagkikita namin! Siya yung lalakeng nakabangga ko nung kelan sa may school gate. Siya yung lalakeng nakalaglag ng mga gamit ko. Siya yung cute. *smile*
BINABASA MO ANG
The Underlined Truth
Short Story"Sometimes, we need to accept that the truth hurts. But then again, living in a world full of lies is more painful." - Unknown
