[Beatrice's POV]
Parang wala namang masyadong nangyari ngayong araw. Napagisip-isip ko lang habang nakaupo sa jeep.
Makapag-GM na nga lang.
~
Hi guys!
What's new? :D
Ano kaya magandang gawin para ndi ma-bore? Suggestions naman! :D
GM
Trix'13
~
Sent to All.
Aba. Walang nagre-react kahit isa manlang. :|
Nang biglang...
may tumunog na cellphone!
Oh oh!
I don't know about you
But I'm feeling 22
Everything will be alright
If you keep me next to you
You don't know about me
But I'll bet you want to
Everything will be alright
If we just keep dancing like we're
22
22
[22 By Taylor Swift]
[A/N: Please support the songs of my idol, Taylor Swift. Specially her newest album 'Red'. Thanks a lot. *smile*]
Hindi pa nakuntento yung cellphone at nagvibrate pa ng bongga. Tska ko napagtanto na sakin pala yung kanina pang tumutunog na cellphone. :D
"Ay palaka!" medyo nagulat effect ako sabay pindot sa tumutunog na bagay para tumahimik na.
Himala. Nagreply ung classmate ko nung elementary at schoolmate ko ngayon.
From:6B-Christoph
Maghanap ka nalang ng katext.
Tignan mo nga naman, napakaganda ng idea ng taong to. Eh sino naman ang magiging katext ko, eh sa dami ko ngang pinadaanan ng GM siya lang ang nagreply?
To: 6B-Christoph
Watta nice suggestion! Penge nalang ng magiging ka-text. :D
After ko i-send ang reply ko, tska ko narealize na kanto na pala namin.
"Manong, para po!" sabi ko.
"Bye. Ingat kayong dalawa ha." paalam ko sakanila. Mas malayo pa kasi yung sakanila eh. Hindi ko na rin narinig kung sumagot pa sila, kasi biglang nag-beep ng malakas ung kasunod naming truck. Nagulat pa nga ako. Mukhang nagmamadali si Kuyang driver hindi makapaghintay. Galit sa traffic. :D
Nakauwi na ko. Konting lakad lang naman kasi. Kumaen at nakapagbihis na ko. Nang maalala kong, hinihintay ko pala yung reply ng mokong na si Christoph. Pagtingin ko sa cp ko, nagreply na pala siya, kanina pa. Hindi ko na napansin. Mula kasi ng gumawa ng eksena at mag ingay ang cp ko sa jeep sini-lent ko na siya. :D
From: 6B-Christoph
09270213985
Kita mo nga naman tong taong to. Hindi manlang sinabi kung sino yang binigay niya saking textmate. Anyway, isa-save ko nalang. Hindi ko na siya nireplyan ulit. Kita at halata naman na ayaw niya din akong katext. Bkit kaya? Hahah. :D
Ang tahimik ng bahay, wala pa kasi si Bianca, ung kapatid ko. Ung baby sis ko naman na si Bridgitte ay tulog habang ang magaling kong Mama ay nakikipag-chikahan sa kapitbahay. Ano kaya magandang gawin? Think. Think. Think. Oo nga, matutulog nalang ako. That's great. :D
Nung pipikit na sana ko, nakita ko ung cp ko na umilaw. May nagtext!
From: Textmate
Hi
Bigla akong bumangon sa pagkakahiga, ewan ko kung bakit eh siya lang naman yung textmate na binigay ni Christoph. Yun lang naman ang sinave kong name ng kung sino man na yun sa cp ko. Oo nga pala, pano niya nalaman ung number ko? Eh hindi pa naman ako nagtext sakanya.
To: Textmate
Hi din po. :)
Yan lang naman ang ni-reply ko, hindi ko din kasi alam kung ano sasabihin ko eh.
From: Textmate
I'm Harvey. Binigay po ni Christoph number mo eh.
Loko talaga yung Christoph na yun. Kaya pala alam na ni Kuya yung number ko kahit hindi pa ko nagtext sakanya, binigay na pala niya. Grrr. Anyway, eto na to eh. Ka-text ko na si Kuya.
To: Textmate
Ah. Ganun po ba? I'm Beatrice. :)
BINABASA MO ANG
The Underlined Truth
Short Story"Sometimes, we need to accept that the truth hurts. But then again, living in a world full of lies is more painful." - Unknown