[Beatrice's POV]
Pagkapasok ko sa bahay, ayun yung dalawa, nagkukulitan at naghaharutan. Ang cute nila tignan. Si Baby Britt tuwang tuwa. Tumigil sila saglit ng makita nila kong pumasok ng bahay.
"Hi Ate. Bakit ngayon ka lang? At puro mantsa pa yang damit mo?" takang takang tanong niya.
"Ah. Wala to. Nasan si Mama?" nasanay lang kasi ako na lagi niya kong hinihintay umuwi.
"Nasa kwarto niya. Nakatulog na yata kakahintay sayo. Ang tagal mo kasi eh." sagot niya. Ganun na ba ko katagal? Silipin ko nalang nga siya sa kwarto niya. Umakyat na ko sa hagdan, at unti unti kong binuksan ang pinto ng kwarto ni Mama. Tama nga si Bianca, tulog siya. Mukhang mahimbing ang pagkakatulog niya. Ano kaya ung nasa tabi niya. Habang palapit ako ng palapit sa kama ni Mama, may nakita akong isang litrato. Litrato ng isang lalake. Kinuha ko ito, at tinignan. Sino kaya ang lalakeng to? Hindi naman to si Papa. Kasi iba ang itsura niya. Medyo bata pa yung lalake sa picture, siguro matanda na din to ngayon. Kasi mukhang luma na yung litrato eh. Siguro nasa 25 plus yung lalake na to ng kinuhanan ang litrato na to. Ka-edad lang kaya ni Mama to? Eh sino siya? 40 years old palang kasi Mama at 27 siya ng pinanganak niya ko. Maputi at mukhang mayaman ang lalakeng nasa litrato. Ka-ano ano kaya siya ni Mama? Wala naman kasi siyang nababanggit na may kamag-anak kaming foreigner at mayaman. Mukha kasing taga-ibang bansa ang lalakeng to. At nasabi kong mayaman siya dahil nakatayo siya sa harap ng kotse at isang magandang bahay, siguro dun siya nakatira at kanya yung kotse. Sino kaya to? Tinignan ko ung likuran ng picture at nakita kong may nakasulat.
Ps. I love you.
- William Humphrey
02/14/1986
Sino naman kaya ang magbibigay kay Mama ng ganito? At nag 'I love you' pa. Infairness, marunong tumay-ming ha, mismong valentines day pa siya nagbigay ng picture niya. 1986 yung year, ibig sabihin 26 years ang nakakaraan. May naging ibang boyfriend pa kaya si Mama bago si Papa? Oh baka naman sa kakilala ni Mama yung litrato, pinatago lang? Pero imposible.
Tumigil ako sa pag-iisip ng makita kong gumalaw si Mama, nagising na siya. Nako, lagot. Nakita niyang hawak ko yung picture ng lalake.
"Ma-ma, gising ka na pala." hindi ko pa din binitawan ang litrato, itatanong ko kasi kung sino to.
"Ibigay mo sakin yan, Beatrice!" parang galit si Mama. Sino ba talaga yun? Binigay ko sakanya ung picture. At tinago niya na sa isang box. Isang box na ngayon ko lang din nakita.
"Ma, sino yung lalakeng na sa litrato?" nagtataka kong tanong.
"Wala, Anak. Pumunta ka na sa kwarto mo at magbihis. Ipagluluto kita ng masarap na pagkaen, mukhang pagod at gutom ka na." yan ang gusto ko kay Mama. :D
"Sige po, Ma. Punta na po ako sa kwarto ko." ay, nakalimutan ko na nabuhusan ako ng cold coffee kanina, hindi ako nakapagpalit agad. Buti nalang hindi nahalata ni Mama. Magtatanong pa kasi yun, kung anong nangyari. Ayoko naman na mag-alala pa siya.
Pumasok na ko sa loob ng kwarto ko, nag-shower at nag-bihis. Fresh na fresh na ulit ako. Ngayon, na-appreciate ko ang pag-ligo! :D
Humiga ako sa kama sandali, at nag-isip isip. Naalala ko ulit kasi yung lalake sa litrato. Bakit kaya ayaw sabihin ni Mama kung sino yun. Parang nagulat at kinabahan pa siya nang makita niya kong hawak ko yung litrato. Nakakapagtaka. Sino kaya talaga yun? Hindi ako tinigilan ng curiousity ko hanggang sa sumakit na ang ulo ko kakaisip.
Pipikit na sana ko, nang maalala kong naghahanda nga pala ng pagkaen si Mama para sakin. Hindi niya alam na busog na busog ako sa street foods. :D
Naalala ko tuloy si Kuya, sayang at hindi ko naitanong agad kung anong pangalan niya. Napatingin ako sa payong na naiwan niya kanina sa park. Kinuha ko, at sa paghawak ko may nakita akong nakasulat sa may hawakan ng payong.
Mark Jairus Lagman
Siguro ito ang pangalan ni Kuya. Sakanya tong payong eh. Buti naman naisipan niyang lagyan ng pangalan to noh, now I know. At hindi ko na iisipin pa kung ano ang misteryosong pangalan niya.
Lumabas na ko ng kwarto at bumaba. Sakto naman at tapos na din maghanda ng pagkaen si Mama.
"Ate, kaen na tayo." tawag sakin ni Bianca. Syempre lumapit ako, hindi naman ako tumatanggi sa luto ni Mama. Nakahain na sa lamesa ang mga pagkaen. Kaya mahal na mahal ko ang Mama ko eh, napakasipag. Super hero talaga siya, akalain mong napalaki niya kaming magkakapatid ng ganito kaga-gaganda. *laughs* kidding aside. Hero talaga siya, dahil inalagaan niya kami ng mabuti at maayos. Mula kasi ng mawala si Papa, siya na rin ang tumayong ama para samin. Hindi ba kayo nagtataka kung bakit may kapatid pa akong baby pero wala na kaming Papa? Si Baby Britt kasi ay anak ng Tita kong kapatid ni Mama sa labas. Gulo ba? Ganun talaga! Hahah. Ipapa-ampon dapat kasi si Baby sa foreigner ng Tita ko, pero naawa si Mama. Kaya siya nalang ang nag-ampon. Pero kahit hindi namin totoong kapatid si Baby Britt, totoong kadugo naman ang turing namin sakanya. Binubusog namin siya sa pagkaen, at syempre sa pagmamahal. Osya, tama na ang drama. Baka maikwento ko pa sa inyo buong talambuhay ko. Ayoko nga. *laughs*
Matapos naming kumaen, ako ang nag-prisintang magligpit at maghugas ng mga pinag-kainan. Mukhang pagod na din kasi si Mama, kawawa naman.
Konting sabon-sabon at hugas lang, natapos na ko. Umakyat na ko sa kwarto ko, masyado ng mahaba ang araw na to para sakin. Matutulog na ko. Pinatay ko na ang ilaw ng kwarto, at binuksan ko ang lamp shade. Pagkatapos ko magdasal, nakatulog na din ako. Ilang oras din siguro mula ng nakatulog ako tska ako nanaginip.
[sa dreamland ni Beatrice]
Mag-isa ako sa park. Umupo ako sa swing. Hindi ko alam kung bakit, pero umiiyak daw ako. May lalaking lumapit sakin, familiar siya, pero dahil blurred ang panaginip ko, hindi pa din malinaw kung sino siya. Inabutan niya ko ng panyo at bigla na siyang lumakad paalis. Hinabol ko ang lalaki, pero hindi ko naabutan hanggang sa tuluyan ng naging madilim ang panaginip ko.
[end of Beatrice's dream]
BINABASA MO ANG
The Underlined Truth
Conto"Sometimes, we need to accept that the truth hurts. But then again, living in a world full of lies is more painful." - Unknown
