[Beatrice's POV]
Ilang minuto na lang, mag-sisimula na ang Battle of the Bands. Ito ang performance na matagal naming pinag-handaan, pinag-paguran, at pinag-hirapan. Nararamdaman ko na ang malakas na tibok ng puso ko, kinakabahan ako. Dahil bukod sa Event ngayon, may isa pang malaking Event akong gagawin, na pwedeng makapagbago ng buhay ko at sa buhay ng lalakeng pinakamamahal ko. Yes! Hindi ko lang siya crush o pinag-papantasyahan. Ngayon, mahal ko na siya. Tama ang nabasa at naiisip niyo, ngayong gabi din sasagutin ko na si Harvey. *smile*
Ilang oras, araw at linggo na rin ang nakaraan. Nakalipas na ang pang-yayari sa coffee shop. Hindi niyo nga pala alam kung anong nangyari nun after. Kwento ko nalang sa inyo, para masaya. Kinabukasan ng araw ding yun, hindi ako nakapasok sa school, dahil nagkasakit ako. Siguro kasi nag-paulan ako, diba? Nag-alala si Bhie ko ng araw na hindi ako pumasok. Pumunta talaga siya sa bahay namin, para tignan ang lagay ko. Nang bumuti na ang pakiramdam ko, pumasok na rin ako. Ilang masasakit na salita rin ang narinig ko sa mga kaklase at ka-eskwela ko, sabi ko kasi sa inyo lahat ng hindi makakasundo ni Emery, mapapahiya talaga sa buong school. Every practice nga ng Music Club, walang minuto na hindi siya nagparinig tungkol sakin, pero ako pinakitunguhan ko parin siya as civil. Ayoko namang magkagulo sa Music Club, dahil lang sa hindi namin pagkakasundo. Ayokong maka-distract sa ibang members. At ayun nga ang nangyari sakin, ilang beses niya kong pinahiya. Pero lagi namang nandiyan ang Bhie ko, hindi ako pinapabayaan. Siya ang naging sandalan at tiga pag-tanggol ko kapag may uma-api sakin sa school. Bawat araw, hindi pwedeng hindi niya ko mapakilig. Lagi siyang may ginagawang bago. Lagi niya akong pinapasaya. Kaya nga nakapagdesisyon na ko, na gusto ko ng gawing official kami. Gusto ko na kasing ipag-sigawan sa buong mundo kung gaano ko siya kamahal.
[Harvey's POV]
Natatakot ako sa pwedeng gawin ni Emery ngayon. Isa akong malaking duwag. Lalake pa naman ako pero wala akong nagagawa. Ayokong dumating ang oras na tawagin na kami sa stage at mag-perform. Dahil alam ko, na ito na ang araw na hinihintay ni Emery. Ang araw ng pag-sira niya kay Beatrice. Nalulungkot ako. Mahal ko na si Beatrice pero hindi pwedeng maging kami, dahil papakasalan ko si Emery sa ayaw at sa gusto ko. :((
[Emery's POV]
Tonight is the night. Ipapahiya ko lang naman ang bastardang Beatrice na yun sa buong mundo. Sabihan niyo ng masama ako, pero masama talaga ako. *evil laugh* I want to ruin her, as soon as possible. Kaya sana bumilis na ang oras, para magawa ko na ang mga plano ko. *evil laugh*
[Beatrice's POV]
Kani-kanina lang, nag-simula na ang Battle of the Bands. Eto na nga at tatawagin na kami, tapos na kasi ang number 4. Eh number 5 kami sa list. Naririnig ko na ang hiyawan ng mga studyante ng Waterford's Academy, pati na rin ang mga outsiders. Ang lakas ng palakpakan, sigawan at pag-cheer nila sa kani-kanilang pambato.
"Guys, ready na ba kayong mapanuod ang W.A.B. (short for Waterford's Academy Band)?" tanong ng host.
"Yes! Wooohoooh. Rock and Roll!" sigaw ng mga audience. Dugdugsh. Dugdugsh. Kinakabahan na ko. Naramdaman kong hinawakan ni Harvey ang kamay ko, kaya nginitian ko siya.
"Mukhang excited na kayo ah! Dahil dyan, this is it. Our very own, Band number 5, W.A.B." eto na nga, wala ng atrasan! Let's rock! \m/
Sinimulan ko ng kalabitin ang gitara. Nagsimula na ring kumanta si Emery.
(3songs, rock.)
Naging maganda naman ang simula ng performance namin. Nag-eenjoy naman ang mga audience nakiki-rock rock-an din sila. Nga pala, kami lang ang Band na sumali na girl ang vocalist at lead guitarist.

BINABASA MO ANG
The Underlined Truth
Short Story"Sometimes, we need to accept that the truth hurts. But then again, living in a world full of lies is more painful." - Unknown