Chapter 11: Under the Narra Tree

62 1 0
                                        

[Beatrice's POV]

"Okay, class dismiss." salamat naman at uwian na. Umalis na din ang Algebra teacher namin. Uuwi na din sana ako ng maalala kong may usapan pala kami ni Harvey. Usapan nga ba un? Eh hindi naman ako sumagot. Siya lang ang nag-decide. :D

"Girls, hindi muna ko sasabay. May gagawin pa kasi ako eh. Ingat nalang kayo ha. See you tommorrow." paalam ko sakanilang tatlo. Buti nga at hindi na sila nagtanong kung anong gagawin ko eh. Kung tanungin man nila ko, hindi ko alam isasagot ko. Nakakahiya, hindi pa kasi nila alam na nililigawan ako ni Harvey.

"Okay, Bye!" sabay sabay silang nagwave ng hand saying goodbye to me.

Papunta na ko ngayon sa nag-iisang Narra tree sa buong school. Siguro wala pa siya, maaga pa kasi. Maaga kasi nagpalabas ung Algebra Teacher namin. Pero mali ang akala ko. Nandun na siya, nakaupo sa ilalim ng puno at nakikinig sa ipod niya. Mukha namang hindi niya napapansin na malapit na ko. May naisip akong bright idea. *evil laugh* tatakpan ko ung mata niya at papahulaan ko kung sino ako. Hahah. *evil laugh*

"Hulaan mo kung sino ako!" sabi ko with matching pang-aasar. Tinatakpan ko yung mata niya ngayon.

Nagulat yata siya ng sobra, hinawakan niya kasi agad ang kamay ko, tapos ang braso ko, at saka ako hiniga sa damuhan. Hindi yata niya agad narecognize ung boses ko. Sa sobrang gulat ko din sa ginawa niya, pumikit nalang ako. Pero bakit parang may nakadagan sakin, mabigat. Unti unti kong dinilat ang mga mata ko, at parang aatakihin na ko sa puso dahil ilang inches nalang ang layo ng mukha niya sakin. Sobrang pula na ng mukha ko ngayon, nakakahiya. Bakit kaya sya nakatitig sakin? Pumikit ako ulit at naramdaman kong tumayo na siya. Hay. Ilang beses pa ba kami malalagay sa ganitong sitwasyon? Una ung dahil sa balat ng saging, ngayon dahil sa pagtatakip ko ng mata niya.

"Sorry. Akala ko kasi kung sino." medyo nahiya din yata siya.

"Okay lang." sabi ko. Okay lang nga kung mas lumapit ka pa eh. Hahah. *laugh*

Ilang minutong katahimikan.

"Oo nga pala, pano tayo maglu-lunch dito? Wala namang cafeteria dito sa may puno eh." nagtatakang tanong ko.

May nilabas siya sa bag niya. Dalawang lunch box.

"Pwede na ba yan?" tanong niya.

Pinaghandaan na pala niya to. Ang sweet naman nya. *kilig much* pano nalang pala kung hindi ako pumayag noh? Masasayang yung ibang binaon niya.

"Ikaw ba ang nag-prepare at nagluto nito?" usisa ko.

"Yes. Sana magustuhan mo." sagot niya.

"Edi kumaen na tayo, ikaw pala ang nagluto nyan eh. Tiyak masarap to." sabi ko. Excited na kasi ako na tikman ang luto niya.

Binuksan ko na ung isang lunch box, at sa unang kagat palang W-O-W napakasarap! Yummy!

"AngsharapsnitosHarveysh." ewan ko kung naintindihan niya ung sinabi ko. :D

"Thanks. Niluto ko talaga yan para sayo. Pero wag ka muna magsalita, baka kasi mabilaukan ka." concern ang Kuya mo. Sweet talaga.

"Shorry." sabi ko habang ngumunguya pa din. :D

At last, natapos din ako sa pagkaen. Nakakahiya. Baka naman sabihin niya gutom na gutom ako. Pero medyo gutom naman na talaga ko kanina pa.

"Salamat ha. Ngayon lang kasi may taong nagbaon ng lunch para sakin eh." pasasalamat ko.

"You're always welcome, Beatrice." *wink* ang cute cute niya. Dati sa smile niya lang ako natutulala, ngayon baka pati sa kindat na niya. Waah. *kilig*

The Underlined TruthTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon