[Harvey's POV]
["Sorry. Pasensya ka na talaga! Pero kailangan ko ng umalis. Bye!"] Hahah. Nakakatawa talaga siya. Naalala ko kasi yung itsura niya ng sinasabi niya yan kanina. Hindi niya alam kung anong gagawin niya. Pero kawawa naman siya, baka nasaktan siya sa pagkakadulas. Teka, parang mali, hindi pala siya masasaktan kasi sa katawan ko siya lumanding, diba? :D
Lumakad na rin ako gaya ng ginagawa ko kanina, na na-interrupt dahil kay Beatrice. Baka hinahanap na ko ni Ate Yuri.
[Beatrice's POV]
Tumakbo na ko ng mabilis, takot ko lang kay Ate Yuri. Ayoko mapagalitan, pero sa lagay na to, parang mapapagalitan talaga ako. I'm now 38 minutes late! :(
Plus 2 minutes na paglalakad ko ngayon. Haaay. Sa wakas ng panahon, nakarating din. Sumilip muna ko sa pinto. Oo nga, at kumpleto na sila. Nakakahiya. Gusto ko ng lumubog, ngayon palang.
"A-a-a-te Y-u-ri, sorry po I'm late." nakakatakot baka bigla niya kong sigawan. Waaah. Strikta kasi si Ate Yuri. Siya lang naman ang President ng Music Club. Sana lang hindi siya badtrip, pag good mood kasi siya good talaga. Kahit ano pang ginawa mong hindi niya gusto, okay lang. Hay. Sana talaga! Please. :(
"Oh, nandyan ka na pala Trix. Pasok na." woooow. Hindi siya galit! Himala ito, himala. Waah.
"Thank you, Ate." pasasalamat ko.
[Emery's POV]
Okay. There she is. I dunno what's going on to that girl, she's always late, duuuh? For grand entrance? I think. She's embarrassing. *killer eyes of Emery*
"Guys, since kumpleto na tayo pwede ko ng simulan ang announcement ko." oh, I love announcements.
"Next month will be the foundation day of Waterford's Academy. One of the major program is the Battle of the Bands. Allowed sumali ang mga outsiders, meaning pwedeng sumali ang ibang bands galing ibang academy." that was exciting and fun! fun! fun! I know I'm gonna be the best beautiful singer ever! :D
[Beatrice's POV]
"Kailangan tayo ang manalo, nakakahiya naman yun sa school natin kung hahayaan nating manalo ang galing sa other schools. Diba, Guys?" yes. Tama yun! Itayo ang bandera ng Waterford's Academy! Hahah. :D
"I'm sure, we're gonna win this battle. Ofcourse, it'll be because of me!" siguradong sagot ni Emery. Ang Ingleserang classmate ko na sosyal. Unfortunately, member din siya ng Music Club. I got no choice, but to be kind to her. Lahat kasi ng nakakaalitan niya, at lahat ng taong hindi nya gusto, sinisigurado niyang mapapahiya sa buong school, as in sa buong school. She's Emery Humphrey. Mayaman, kaya lahat ng gusto niya nakukuha niya. Maganda, kaya lahat ng boys na gusto niya nagiging boyfriend niya. Pano ka nga naman tatanggi sa isang pure blooded British girl na matangkad, maputi, sexy at lahat sakanya maganda. Ewan ko nga kung bakit dito niya naisipang mag-aral. Kilala din naman ang Waterford's Academy pero madami rin namang magagagandang school sa Europe, right? Well, buti nalang hindi kami ganun ka-close kasi ayokong mapalapit sa mga kalokohan niya at ng kanyang mga alipores.
"Uhh, yes, darling." parang napilitan naman si Ate Yuri sa sagot niya.
BINABASA MO ANG
The Underlined Truth
Historia Corta"Sometimes, we need to accept that the truth hurts. But then again, living in a world full of lies is more painful." - Unknown
