[Beatrice's POV]
Tumakbo ako ng tumakbo. Walang nakapigil sakin. Gusto ko na kasing makausap si Mama. Gusto kong malaman na mali ang mga sinabi Emery kanina.
Sumakay agad ako sa unang jeep na nakita ko. Lahat ng tao nakatingin sakin. Siguro dahil magang-maga ang mga mata ko at hindi ako tumitigil sa pag-iyak.
Iniisip ko pa rin kung paano ako naging Daddy ni Emery. Kung Daddy ko daw ang Daddy niya, ibig sabihin magkapatid kami. Half sisters, at ako yung nakalagay sa school newspaper na long lost half sister niya. Long? Edi matagal na pala niya akong hinahanap? Sana nga hindi nalang niya ko nakilala eh. Mula kasi ng dumating siya, nagulo na ang buhay ko. Isa lang naman akong simpleng estudyante noon, kakagraduate palang ng elementary. Bakit pa kasi sa Waterford's Academy ako nag-aral eh. Pero kung hindi kaya ako dun nag-aral, makikilala niya pa rin ako?
Biglang sumagi sa isip ko ang litrato ng lalaki na nakita ko sa tabi ni Mama. Hindi kaya siya... Oh no, William Humphrey ang pangalan ng nagbigay ng litrato kay Mama. William Humphrey. Emery Humphrey. Magka-apelyido sila. Siya nga ang Daddy ni Emery. Siya din ang sinasabi niyang Daddy ko.
Nakarating na ko sa bahay. 10pm na kaya tulog na sila. Dali-dali akong pumasok sa bahay, tutal may susi naman ako. Dire-diretso ako sa taas, pumasok agad ako sa kwarto ni Mama. Hindi kami naglo-lock ng pinto ng kwarto dito sa bahay. Sa pagmamadali ko, hindi na ako nakakatok sa pinto ng kwarto ni Mama. Pagkapasok ko, tulog na tulog siya. Madali kong hinanap ang box, kung san niya nilagay ang picture ng lalaking yun. Nakita kong nilagay niya yun sa drawer niya, pero ng tignan ko dun, wala na. Sa iba niya ito tinago. Hinanap ko sa buong kwarto ang box, pero hindi ko nakita. Nagising na si Mama, dahil medyo nakapag-ingay ako. Tinanong ko siya agad.
"Si William Humphrey ba ang tatay ko?" tanong ko. Nakita ko ang reaksyon ni Mama ng tinanong ko yun. Nagulat siya, at parang hindi alam ang sasabihin.
"Anak, sino ang-" hindi na niya kailangan malaman kung pano at kung kanino ko nalaman. Basta, gusto ko malaman kung ang lalaking nasa picture ang totoo kong tatay.
"Yung totoo lang, Ma, yun lang ang gusto kong malaman!" umiiyak na ko ngayon. Naghalo-halo na rin kasi ang emosyon ko.
Hindi na nagsalita si Mama. Ilang minuto rin kaming binalot ng katahimikan, ang pag-iyak ko lang ang tanging naririnig ko.
Tumayo si Mama. At pumunta sa isang sulok ng kwarto niya. Doon niya pala nilagay ang box. Kinuha niya ito, at inilabas ng litrato ng lalake. Nararamdaman kong naiiyak na si Mama, pero hindi niya hinayaang lumabas ito.
"Anak. Siya, ang lalaking nasa litrato, siya ang tunay mong ama." mas lumakas ang pag-iyak ko. *cries*
"Naging karelasyon ko siya ng nagta-trabaho pa ako sa Europe, kasambahay nila ako nun. Alam ko kung ano ang tungkulin ko sakanila noon. Pero hindi ko napigilan ang sarili ko, minahal ko siya. At ganun din siya sakin. Nagmahalan kami ng patago. Kahit alam ko na may asawa na siya hindi pa rin ako tumigil magmahal sakanya. Hanggang sa nalaman na ng asawa niya na may lihim kaming relasyon. Pinalayas niya ako. Walang nagawa ang ama mo, dahil hindi niya maiwan ang asawa niya noon na nagdadalang tao. Umuwi ako dito sa Pilipinas kasama ang isang regalo. Nag-simula akong magtrabaho ulit, hanggang sa nakilala ko si Miguel, ang kinilala mong ama. Mabait siya at tinanggap niya ko, binigyan ka niya ng pangalan. Nagpakasal kami at nabuntis ulit ako, lumabas ang kapatid mo, si Bianca." naging emosyonal din si Mama. At parehas na kaming umiiyak ngayon.
"Totoo nga." *cries* wala na akong ibang nasabi. Lumabas ako ng kwarto ni Mama. Umalis ako ng bahay. Tumakbo ako. Hindi ko alam kung san ako pupunta. Hindi pa rin tumitigil ang mga luhang pumapatak sa mata ko.
Nakita ko nalang ang sarili kong umupo sa isang bench. Hindi ko alam kung bakit dito ako dinala ng mga paa ko. Same park, kung san ako unang tumigil noon, ng tumakas ako sa pangyayari sa coffee shop.
Wala ng tao, 11pm na kasi. Hindi ko na nagawang matakot pa, kahit ako nalang ang tao dito.
Sa sobrang pag-iyak ko, halos wala na kong makita. Pero ang mukhang nasa harapan ko ngayon, ay hindi ko makakalimutan. Inabutan niya ko ng panyo, at lumakad na siya ulit palayo.
Dejavu. Napanaginipan ko na to.
Hinabol ko siya, hindi ko alam kung lilingon pa siya. Pero tinawag ko ang pangalan niya...
"Jairus!" matapos ko siyang tawagin, naging madilim na ang paligid. Naiisip ko ang mga ginawa nila sakin. Ang mga panlolokong ginawa nila sakin. Mula kay Veronica, hanggang kay Harvey. Isama mo na ang pagtuklas ng katotohanang ang lalakeng yun ang tunay kong ama. Nawalan na ko ng malay. Hindi ko na alam ang mga nangyari. Sana nakita ako ni Jairus, kasi kung hindi. Wala ng ibang tutulong sakin ngayon.
Sana hindi ito maging katulad sa panaginip ko na hindi ko naabutan si Jairus.
[Jairus's POV]
Lumingon ako ng tinawag niya ko. Buti nalang agad akong lumapit sakanya, dahil nawalan na siya ng malay.
[A/N: Thank you po sa lahat ng readers ng first story ko. Sana po subaybayan niyo rin ang iba ko pang incoming stories.]
Salamat sa pag-tanggap sa mga nakakalokang Characters ng story na to.
[A/N: Hindi ko lang po basta inisip ang mga pangalan ng mga major and some minor characters sa story na to at hindi din po sa gusto ko lang, there are certain meaning behind their names. Hope you'll like it. Maraming salamat po, Readers. *smile*]
* Beatrice (happy) Madrigal
* Harvey (battle worthy) Altamirano
* Emery (powerful, rich) Humphrey
* Florence (blooming) Ortega
* Gwyneth (blessed) Ignacio
* Veronica (true image) del Rio
* Belinda (beautiful woman) Madrigal
* Bianca (white) Madrigal
* Bridgitte (shining bright) Madrigal
* Extras [Mrs. Mendoza, Ate Yuri, Dwane, Lucky, Josh, Maverick, Jake and Mark Jairus Lagman]
[A/N: Mistaken Affection, my next project. Sana po subaybayan niyo rin. Another adventure po ito ni Beatrice Madrigal.]
Please vote for this story on wattpad.com and be a fan of mine. Comments will be highly appreciated. Thanks a lot! Godbless. *smile*
PS: Read and vote for my Poems, too. *wink*
KittenishDamsel©
(Camille Segovia)
[November 9-26, 2012]

BINABASA MO ANG
The Underlined Truth
Short Story"Sometimes, we need to accept that the truth hurts. But then again, living in a world full of lies is more painful." - Unknown