3

193 9 0
                                    


Mina: Misty rose....Ivory...Gray... Calm, elegant and unstable life..
Jihyo: Maniniwala ba tayo sa sinasabi ng babaeng yun?
Tzuyu: Di ako makapaniwala, pero parang totoo naman sinasabi niya.
Mina: I think it's true.

Nasa isip niya pa rin ang sinabi ng babae sa kanya. Hindi pa sila natutulog hanggang ngayon. 2nd day na ng burol ng kanilang magulang, maraming co-teachers ng mama nila ang dumating, pati ang katrabaho naman ng kanilang ama sa factory ay nagsidatingan rin.

Jihyo: Looking at your eyes, parang normal lang naman. I just can't believe.
Mina: Kaya nga e, why is this happening to me? Bakit ang weird ng dahilan ng pagpunta ko sa ospital?
Jihyo: Baka after ng libing nila mama...waah, thinking about that made my heart torn.

Jihyo started to burst in tears. Pati ang dalawa ay napaluha na rin. Hindi pa rin sila makapaniwala sa nangyari.

Masaya lang naman sila noong araw na iyon, pero sa isang iglap, wala na ang dalawa. Their insides were trembling in so much mourning.

Mina: k-kung pinigilan ko lang sana sila....na umalis, if only I used my thickhead to make them stay, sana buhay pa sila ngayon...It's my fault..
Tzuyu: Ate naman..wala kang kasalanan..
Jihyo: You tried to stop them. wala kang kasalanan.
Mina: Sana ginawa ko lahat ng makakaya ko. Sana buhay pa sila ngayon...why did I let them leave kung alam kong may mangyayaring masama?
Jihyo: Hindi mo naman alam na mangyayari yun sa kanila.
Tzuyu: Ate wag mo na sisihin sarili mo.

They hugged each other. Biglang kumatok ang kanilang tiya.

Tiya: Mga iha, maraming bisitang dumating. Harapin niyo sila

Agad namang tumango ang tatlo.

Mina: Susunod nalang ako. I need to fix myself.

Tumango ang dalawa at nauna na sa labas. Dumating ang katrabaho ni Jihyo't Mina, pati ang mga kaibigan ni Tzuyu.

Tinitigan ni Mina ang libro na ibinigay ng babae sa kanya. Binuklat niya iyon at nakita ang iba't ibang kulay at ang mga meaning nito.

Nakita niya ang kulay ng kanyang mga kapatid. Jihyo has tawny, merigold and amaranth. Si Tzuyu naman ay white, cobalt blue at punch. Sa kanilang tatlo, siya lang ang mahihirapan sa buhay.

Umiling si Mina at saka tinago na ang libro. Maski siya ay hindi makapaniwala sa kanyang nakikita. Hindi niya rin alam kung kailan mawawala ito, natatakot siya sa totoo lang. Lumabas na siya sa kwarto at nag asikaso ng mga bisita.

Teacher: Alam niyo ba, laging nagkukwento sa amin ang mama niyo. Sobrang proud na proud siya sa inyong tatlo, pati sa mga estudyante niya ay nagkukwento yun, sayang nga lang at maaga siyang namaalam. Kung nasaan man siya ay siguradong masaya siya dahil napalaki niya ang mga anak niya ng maayos.

Napaluha sila habang nagkukwetuhan. Masyadong biglaan ang pangyayari kaya naman sobrang masakit sa kanila pero kahit naman siguro hindi biglaan ay napapakasakit pa rin. Tumingin si Mina sa kapaligiran at nakita na naman niya ang iba't ibang kulay. Karamihan ay itim, marahil sa pagdadalamhati.

Tumayo si Mina at sinilip ang kanilang ina. Wala na itong aura, dahil wala na siyang buhay. Nakatitig siya sa mukha ng mama niya, hindi ito nakangiti kahit pa napakaganda niya ngayon. Pati rin ang ama niya ay hindi nakangiti. Samo't saring alaala ang bumalik sa kanyang utak. Ang mga masasaya nilang kwentuhan, mga bonding moment nila, pagpasyal nila sa maraming lugar tuwing sahod nilang dalawa.

Mina: Kung alam ko lang na last moment na natin yun, sana sinulit ko na. I wish I get to hug and kiss you that day, I wish I can turn back time..Sana pala, pinayagan ko na kayong panoorin ang aking performance bilang ballerina sa studio....I wish you can hear my "I love yous".

Napahagulgol na naman siya, unti unti siyang dumausdos pababa habang nakahawak sa kabaong ng kanyang ina. Agad naman siyang nilapitan nila Tzuyu. Pero imbes na tulungan siyang tumayo, napaupo rin ang dalawa at nag iyakan sila.

Mina: Hindi na natin sila makakasama...
Tzuyu: Ang sakit sakit...parang sinasakal ang puso ko..
Jihyo: Magpakatatag lang tayo...kailangan nating maging malakas ngayong tayong tatlo nalang.

Mina keeps on blaming herself. She find herself guilty about their death. Tinulungan sila ng kanilang mga tiya para makapasok sa kanilang kwarto. Niyakap sila ng mga ito at pinatahan.

Tiya 1: Mga anak, alam ko masakit pa, kailangan niyo magpakatatag.
Tiya 2: Kaya natin 'to mga pamangkin.
Tiya 3: Tahan na kayo, hindi magugustuhan ng magulang niyo na umiiyak ang mga prinsesa nila. Magagalit mga yun

Tumahan na sila at iniwan na sila ng mga tita nila. Nagkatinginan sila sa isa't isa. Mugto na ang kanilang mga mata at puyat. But as they stared at each other's faces, they started laughing. Bigla nalang silang natawa dahil sa itsura nila.

Jihyo: Ano ba yan hindi na tayo mga prinsesa.
Mina: Ngayon lang ako natawa after their death.
Tzuyu: Kailangan natin humanap ng kasiyahan sa gitna ng kalungkutan.
JIhyo: Matulog na kayong dalawa, ako na muna nag bahala sa mga bisita.
Mina: Paano ka ate? Wala ka ring tulog.
Jihyo: Sanay naman na ako, puyat ako lagi sa office,
Tzuyu: Kahit na ate
Jihyo: Wag kayong mag alala, kaya ko pa naman, matutulog din ako
Mina: Baka magcollapse ka na niyan ate, ganito nalang, kapag matutulog ka na, gisingin mo ako ha?
Jihyo: Oo na, kayo talagang dalawa ayaw patalo.

Nang umalis si Jihyo ay natulog na ang dalawa. Abala naman siya sa pag asikaso ng mga bisita. Madaling araw na pero marami pa rin bisita. Umupo si Jihyo sa tabi ng kanyang ama. Maski siya ay nanginginig ang kalamnan dahil sa gulat sa pagkamatay nila.

Jihyo: Ma....Pa.... paano kami magsisimulang bumangon sa aming pagkakadapa ngayon? Bakit iniwan niyo kami agad? Hindi pa tapos mag aral si Tzuyu...paano na kami? Paano kami mabubuhay ng masaya ngayong wala na kayo?

Can You See My Eyes?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon