A mourning morning came...their hearts were agonizing and hurt. Bringing back what happened a year ago tore their soul.Isang taon na ang nakalipas nang mawalan sila ng magulang. Sabay sabay silang naglakad patungong memorial park kung saan nakalibing ang kanilang ama't ina.
Suot nila ang bistidang binili ng kanilang magulang noong araw na namatay sila. White floral off-shoulder dress paired with peach doll shoes.
Ang mga suot nila'y isinasayaw ng malakas at malamig na hangin, ang simoy na iyon ay para bang tumagos sa kanilang katawan...naalala ang yakap ng mama nila.
Umupo sila sa damuhan at inilagay ang bulaklak sa gilid ng kanilang lapida. Hinaplos iyon ni Jihyo at napaluha nang titigan ang naka engrave na pangalan doon. Hindi sila nagsasalita, tahimik silang tatlo na umiiyak. Sinasarili nalang nila ang kanilang dalangin at dalamhati.
Mina: Ma, Pa....I can see what people don't see...natakot ako...nagquit na ako sa pagsasayaw...alam kong ayaw niyong gawin ko ang pagsuko sa pagsayaw...but I can't do anything..I can't face crowd...I wish ypu can comfort me like before. Namimiss ko na kayo.
Nanginginig ang kamay niyang pinahid ang kanyang luha. They're crying a bucket of tears as they continue to mourn. Nagsimula na silang magkwentuhan tungkol sa kanilang trabaho't school.
Hindi nagsuot ng patch si Mina dahil gusto niyang makakita ng maayos. Doon na rin sila nagtanghalian sa damuhan, malalaki naman ang mga puno kaya hindi sila nakaramdam ng init.
Jihyo: Nayeon said its tiring at your workplace.
Mina: Sa kanya nakakapagod, marami kasing documents ang inasikaso niya dahil sa pagbago ng panahon, may mga meeting din siyang kailangan attend-an. Pero kaming pagers, chill lang.
Jihyo: Speaking of that, kumusta na kayo ni Chae?
Mina: Hmmm...I'm not sure pero bumabait na siya sa akin.
Tzuyu: Nagflick na ba?
Mina: Huh?
Tzuyu: Ah kasi nabasa ko yung bookmark na bago. Keep your grip on place until it flick sabi.
Jihyo: May bago na naman pala.
Mina: Hindi ko napansin kung nagflick...nakasuot ako ng patch e.
Tzuyu: Dapat pala kapag magkasama kayo hindi ka nagsusuot ng takip sa mata.
Jihyo: Oo nga, para makita mo kung may pagbabago.Tumango si Mina, dapat pala ganoon ang ginawa niya. Maghapon sila sa sementeryo, gusto nilang makasama ang magulang nila kahit ngayong maghapon lang, ber month na kaya magiging busy sila sa trabaho.
Jihyo: Hindi niyo ba napansin noong araw na namatay sila...iba iba ang panahon..
Mina: Huh? Climate change siguro...
Jihyo: Hindi e, noong umaga, malakas ang ulan...tapos noong umalis sila mama tirik na ang araw..tapos noong gabi na, lumamig.
Tzuyu: Ate naman, may ganun naman talaga.
Jihyo: Hindi e, parang sadya ang nangyari. Hindi naman aalis dapat sila mama dahil umuulan, pero biglang umaraw.
Mina: Kung hindi umaraw, buhay pa sana sila ngayon.
Jihyo: Hay wag na nga nating intindihin yun...Mina was in dazed. Para ngang sinadya ng panahon ang pangyayari. Hindi dapat matutuloy ang lakad ng kanilang magulang dahil malakas ang buhos ng ulan, pero biglang huminto ang ulan at lumabas ang araw. Parang confusing lang.
Dapithapon na nang mapagdesisyunan na nilang umuwi. Pinagtitinginan sila ng mga tao dahil siguro sa pagkakaparehas nila ng suot pero wala silang pakialam, iyon kasi ang huling regalong binigay ng kanilang magulang.
Pagkapasok nila sa gate, nakita na naman ni Mina ang babaeng nagbigay sa kanya ng libro. Gusto niya itong tawagin, kaso baka banggain na naman siya. The woman stared back at her.
Mina: Nakikita niyo po ako?
Hindi nagsalita ang babae, dahan dahan itong naglakad palapit sa kanya. Lumabas siya sa gate para harapin ang matanda.
Mina: Salamat naman po at kalmado kayo.
Tahimik pa rin ang babae, pero hinawakan siya sa braso at dinala sa isang lugar. Naguguluhan man ay sumama siya.
Nagulat siya nang dalhin siya nito kay Chae. Hindi niya alam ang lugar na ito. Nakatalikod si Chae at nakaupo sa isang maliit na upuan. Mayroon itong isinusulat sa lupa, gabi na kaya hindi na nya iyon nabasa.
Ang aura nito...
May nilagay sa kanyang palad ang babae at saka tumakbo. Nilingon nya ang daan kung saan siya tumakbo, ngunit walang bakas. It's just mili-seconds!
Tiningnan niya ang palad niya, she saw a bookmark..Kulay berde naman ngayon.
" Come and see, unmasked aura of affection"
Her eyes widened as soon as she saw that. Binalik niya ang kanyang tingin kay Chae. Yung aura niya, it's pink...and she don't know what that means...pero kung tama ang bookmark...ibig sabihin nun....
Chae: Mina? Anong ginagawa mo dito?
Mina: C-chae...With her trembling hand, she pointed Chae's pink oozing aura.
Chae: B-bakit? Anong tinuturo mo?
Hindi nagsalita si Mina, she's enjoying his flickering aura, napaluha siya ng di inaasahan..nakaramdam siya ng saya habang pinapanood ang pagpitik pitik nun.
Ibig sabihin kasi nagtagumpay siyang palitan ang aura dito, it flicks and she succeeded on her bookmark mission.
Chae calmed her down. Inigiya siya sa bench malapit sa pwesto niya.
Chae: Okay ka lang?
Mina: Ahh, oo...
Chae: Anong ginagawa mo rito? Gabi na
Mina: Hindi ko din alam..
Chae: Huh?
Mina: Nga pala, anong ginagawa mo sa lupa? Ano yung sinusulat mo?
Chae: Ahh wala yun..wala lang kasi ako magawa..nagsulat sulat lang.Tumango tango siya. Hindi niya alam kung nasaan siya pero pakiramdam niya ay ligtas ang lugar dahil kasama niya ang lalaki.
Chae: By the way, you look so...so good. Your dress suits you. Napakaaliwalas ng mukha mo kapag walang takip. Beautiful.
Mina: s-salamat..Mina's still amazed by Chae's aura. Nakangiti lang ito sa kanya. Kahit naiilang si Chae sa mga ngiti at tingin ng dalaga.
Mina: ah Chae...may sasabihin sana ako sayo...
Chae: Ano yun?Nag isip ng sandali si Mina, kung gusto na siya ni Chae, isang step nalang ang kailangan niya gawin.
If you both like each other, ano ba ang dapat mong gawin para malaman niya? Simple lang.
Confess.
Mina: Sa tingin ko...gusto na kita..gusto mo rin ba ako?
BINABASA MO ANG
Can You See My Eyes?
Fantasy[COMPLETED] This story is about a woman who can see auras and there's this man that has an eccentric aura.