22

117 6 0
                                    


Chae: Bakit wala pa yun? Anong oras na tsk

Hindi mapakali si Chaeyoung dahil mag aalas onse ba ay wala pa si Mina. Dalawang oras na siyang wala.

Chae: Baka alam ni Ms. Nayeon.

Agad nyang tinungo ang office ni Nayeon. Nadatnan niyang may kausap ito sa telepono.

Nayeon: Yes? How can I help you?

Pinatay nito ang tawag at hinarap siya.

Chae: Ah ma'am, wala pa po kasi si Mina.
Nayeon: Ow about that, pasensya ka na nakalimutan kong sabihin sayo. Hindi siya makakapasok ng tatlong araw e.
Chae: Po? Bakit raw po?
Nayeon: May sakit siya, nasa ospital siya ngayon. Tinawagan kasi ako ng ate niya at pinagpaalam siya.
Chae: A-ano pong sakit niya?
Nayeon: I don't exactly know, ang alam ko lang nahimatay raw siya kagabi.

He's shocked and worried sick! Nagpasalamat siya sa manager nila't nagtungo sa control room. His mind is preoccupied.

Gusto na nyang natapos ang magdamag niyang shift para mapuntahan ang dalaga.

Tinititigan ni Jihyo ang mukha ng tulog na si Mina. She looks peaceful when asleep. Puno siya ng pag aalala nang makita niya ang na walang malay sa kanilang pintuan.

Sabi ng doctor ay fatigue ang rason ng kanyang pagkahimatay. Jihyo saw the scratches on her wrist. Mahahaba ang kuko ni Mina, at mukhang siya ang may gawa nun. Hindi niya nakita ang "SOMI" roon. Only Mina saw it.

2 PM na nang nakarating si Tzuyu sa ospital. Kakatapos lang ng klase nya ngunit dumiretso siya sa kanyang mga ate.

Tzuyu: Nagising na ba siya?

Umiling si Jihyo, nakaramdam naman ng lungkot si Tzuyu. Hindi pa din kasi nagigising ang dalaga mula nang dalhin siya sa ospital.

Nang matapos ang shift ni Chaeyoung ay dali dali siyang nagtungo sa ospital.

Nurse: Sir, tapos na po ang visiting hours, balik na po kayo bukas.
Chae: Anong oras po ba pwedeng bumisita?
Nurse: 8 AM po sir.
Chae: Ganun ba, salamat.

Papaalis na ang nurse nang pigilan niya ito.

Chae: Kumusta na nga po pala ang pasyente?
Nurse: Maayos na po siya, pero hindi pa ho siya nagigising.
Chae: Po?
Nurse: Wag po kayong mag alala, magigising rin po siya. May fatigue ho kasi ang pasyente, kailangan niya ng pahinga.
Chae: Salamat po...

Sinilip niya ang kwarto ni Mina. Ang transparent glass sa pinto nalang ang paraan niya para makita ang dalaga. She's asleep and serene. Nakita niya rin ang mga kapatid niya doon sa sofa, natutulog.

Nakaramdam siya ng pagod kaya namna natulog siya sa waiting area sa gilid ng room niya. Bukas nalang niya makikita ng maayos si Mina.
~

Mina's eyelids are shaking. Her throat is aching, pakiramdam niya ay sinasakal siya.

Mina: Ahhhh

She groaned but soundless. Hindi siya naririnig ng kanyang mga kapatid.

"Layuan mo siya....iiwan niya ako...hindi ko hahayaang mangyari yun!"

That words plagued her ears. Sinasakal siya nito at naamoy niya ang unfamiliar scent, may naamoy rin siyang alak at dugo.

Mina: Bitawan mo ako!

"Bitawan mo na siya..."

That voice makes her trembling. Parang nakikiliti siya sa boses na iyon. Nanginginig ang kamay niyang hinawakan ang kamay ng babaeng sumasakal sa kanya ngayon.

Mina: Nasasaktan ako! Sino ka ba!?

"Nasaktan rin ako..kaya wag mo siyang ilalayo sa akin! Siya nalang ang mayroon ako.."

Mina: Sino ka ba!? At sino bang sinasabi mo!?

"Somi..." she whispered.

She woke up gasping, breathing heavily and tears escaping her eyes. Bumangon siya't hinaplos ang masakit niyang leeg. There's no sign of strangled but she feel it's mark inside her neck.

Jihyo: Mina!

Nagising rin si Tzuyu sa pagtawag ni Jihyo kay Mina. Niyakap nila si Mina na hinihingal.

Jihyo: Thank goodness!
Tzuyu: Ate okay ka lang ba?

Hindi nagsalita si Mina, hinahabol niya pa rin ang kanyang hininga. Pinainom naman siya ng isang basong tubig ni Jihyo.

Jihyo: Anong nangyayari sayo? Nanaginip ka na naman ba?

Tumango lang si Mina. Hinintay nilang magpantay ang hininga niya bago kinausap.

Mina: May sumasakal sa akin..
Jihyo: Sino??
Mina: Somi....Somi ang pangalan niya..
Tzuyu: Sino yun?
Mina: Hindi ko alam..wala akong kilalang ganun ang pangalan. Meron sa---

Nang tingnan niya ang pulsuhan niya'y mga sugat nalang ang naroon. Wala na ang nakalagay na S O M I.

Jihyo: Bakit puro kalmot ang pulsohan mo?
Mina: M-may nakalagay rito...nasan na yun!?
Tzuyu: Ate..
Mina: May SOMI na nakalagay dito nung gabing yun! I tried to erase that dried blood pero hindi ko maalis.
Jihyo: Dried blood?
Mina: Oo, nakasulat ang pangalan na iyon gamit ang dugo..what's happening to me!?

Humagulgol siya, her mind is full of confusions! Ang bookmark, ang sinabi ng babae, ang sulat sa wrist niya at ang panaginip niyang iyon...si Somi ba ang tinutukoy nun? At sino si Somi!?

Is she the nemesis? Bakit naman siya kaaway nito?

~
Nagising si Chae sa isang kalabit. Pagtingin niya'y kaharap niya ang nurse na nakausap niya kahapon.

Nurse: Sir, baka ho magkasakit kayo nyan. Napakalamig po rito.

Napabangon si Chae sa upuan,

Chae: okay lang, sanay naman na ako.

Tumango ang nurse at umalis. He looked at his watch, 8:30 na pala ng umaga, ibig sabihin pwede ng pumasok. Tumayo sya't nagtungo sa pinto. He smiled at that thought.

He was about to pin the knob but he saw Jeongyeon inside. Masaya silang nagkukwentuhan. Pati ang mga kapatid ni Mina ay nakasali sa usapan. T-they look so happy...His smile fades.

Hindi na siya tumuloy sa pagpasok. He looked disheartened, at the same time relief. Gising na si Mina, ngunit hindi siya ngayon ang kausap nito.

Dismayado siyang naglakad palayo sa kwartong iyon.

Chae: I'm glad your okay and happy..

With a heavy heart, he went home and get ready to work.

Can You See My Eyes?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon