26

120 7 0
                                    


Nagising si Mina habang pasan pa siya sa likod ni Chae.

Mina: Chae..pwede mo na akong ibaba
Chae: Hindi, malapit naman na tayo.
Mina: Ibaba mo na ako. Baka sumakit ang likod mo.

Ibinaba siya nito, kahit inaantok pa siya’y tumayo siya ng tuwid.

Mina: Bakit hindi mo ako ginising?
Chae: Sarap ng hilik mo e haha
Mina: Humihilik ako? Mygosh! Nakakahiya!
Chae: Nah..even your snore is cute.
Mina: Ano ka ba naman pati ba naman yun!
Chae: Bakit? Totoo naman

Tumingin si Mina sa paligid. Ito ang lugar kung saan siya dinala noon ng babae.

Mina: Nasaan tayo?
Chae: Papunta ito sa compound niyo, sa kabilang daan lang ako dumaan.
Mina: Talaga? Hindi ba’t dito tayo nagkita nun?
Chae: Oo doon yun, sa bahay ko.
Mina: Talaga? Dito ka lang nakatira? Magkabaranggay lang pala tayo.
Chae: Oo e..gusto mo muna bang pumunta sa bahay ko? May kukunin lang sana ako
Mina: oh sige ba. Gusto ko ding makita ang bahay mo.

Naglakad na si Chae papunta sa kanyang munting tahanan. His house is dark and cold. Nagtaasan ang balahibo ni Mina habang palapit siya ng palapit sa lugar na iyon.

Chae: Pasok ka

Iginiya siya sa loob at nakaramdam ng hilo si Mina. Umupo siya sa nag iisang silya doon.

Chae: Okay ka lang ba?
Mina: Oo, medyo nahihilo lang ako. Bakit nga pala napakadilim ng bahay mo?

Chae’s house is just a room. Kasing laki lang ito ng isang ordinaryong kwarto. His only window is covered with wide wood. As Mina roamed her eyes, her mind is like hammering--painful and unbearable.

Chae: My life is in darkness 3 years ago, so my house is.
Mina: W-why?
Chae: 3 years ago, my girlfriend died alone here..
Mina: W-what!?
Chae: Ganito ang nangyari.

~flashback~

Chae and her band mates, Dahyun, the pianist, and Momo, the drummer are having an upcoming event. Ilang minuto nalang ay mangyayari na ang kanilang pinapangarap, ang tumugtog sa harap ng mga mamayamang tao sa isang sikat na casino-hotel.

Manager: 5 minutes nalang! Get ready boys!

Tumango sila sa announcement ng kanilang manager. Inihanda na niya ang kanyang pinakamamahal na gitara. Biglang tumunog ang cellphone niya, ang kanyang girlfriend ay tumatawag.

“Chae…nasan ka? Narito ako sa bahay mo…”

Chae: Nasa hotel pa ako, pupuntahan kita dyan after ng event namin.

“Nayon mo na ako puntahan..Natatakot ako..May iba akong nararamdaman sa katawan ko…”

Chae: Give me 1 hour. Pagkatapos na pagkatapos ng gig namin, pupunta na ako dyan.
Manager: Standby! Magsisimula na
Dahyun: Bro halika na
Chae: Sige na mamaya na lang ha, isarado mo ang pinto. Hintayin mo ako. Bye, I love you

Ang banda nila’y tumugtog na. Naramdaman nila ang saya nang makita ang mga taong nag eenjoy sa kanilang musika. They were introduced and hoping to recommend them to other hotel and bars. Matapos ang gig, nagmamadaling pumunta sa bahay si Chae dahil baka naiinip na ang kanyang nobya.

Pagbaba niya sa sasakyan, nakita niyang nakabukas ng maluwag ang pinto. Patakbo niya itong tinungo at nakita ang duguang katawan ng babae. He was frozen..sweating cold..tiningnan niya ang mukha ng kanyang nobya. Maraming pasa ang kanyang mukha. He gathered all his strength to lift her.

Tumawag siya ng ambulansya , but she already died before ambulance came. Nag uunahan ang kanyang mga luha sa pagtulo na para bang isang talon. Police investigated the scene and he’s traumatized by his girlfriend’s death. He blamed himself. Kung pinansin niya lang sana ang tawag sa kanya, hindi ito mangyayari.

She died alone in this empty room.

Police: Sir nakuha na po namin ang autopsy report ng biktima. May nahanap po ng content ng isang drug sa alak na ininom ng biktima. Ecstatic drug po ang natagpuan sa katawan niya. Binugbog siya hanggang mamatay, wala pong senyales ng rape ang biktima.

Parang may kutsilyong tinarak sa kanyang puso nang marinig niya ang sinabi ng pulis. Pumunta siya sa kanyang kwarto. Puno iyon ng dugo. Ang maliit at nag iisa nyang bintana ay may dugo rin at bakas ng kamay, para bang sinubukan nitong tumakas.

Pagkalabas niya, hindi niya alam kung namamalik mata siya. He saw his girlfriend. Nakatayo ito sa gilid ng sasakyan ng mga pulis, her white dress is covered with blood. Umiiyak ito at nanginginig ang kamay nitong parang inaabot siya.

~end of fb~

Habang nagkukwento si Chae ay parang sumisikip rin ang puso ni Mina. Hindi niya alam kung nasasaktan ba siya sa naririnig niya o may pumipiga talaga ng puso niya.

Ang lugar kung nasaan siya, ganitong ganito ang nasa panaginip niya, at ang deskripsyon ni Chaeyoung sa kanyang nobya na nakaputing damit at puno ng dugo…para bang iyon ang babae sa panaginip niya na gusto siyang patayin.

Mina: A-anong pangalan niya?
Chae: Somi…

May sumakal sa leeg niya pagkarinig niya ng pangalan nito. Nataranta naman si Chae sa ikinikilos ni Mina, nakahawak ito sa kanyang leeg at napahiga habang nagpupumiglas.

Chae: Mina!!!! a-anong nangyayari sayo!?

Hindi makapagsalita si Mina dahil sa higpit ng pagkakasakal sa kanya. She saw her… nakikita niya ang babaeng sumasakal sa kanya ngayon..hindi siya pwedeng magkamali. Naamoy nito ang dating unfamiliar scent na ecstatic drug pala, ang alcohol at ang tuyong dugo.

Mina: SOMI!

Somi laughed wickedly as she continue to strangled Mina. Nakasakay ito sa tyan ng dalaga at galit na galit siyang sinasakal si Mina, ang umagaw kay Chaeyoung sa kanya. Ang taong nagmahal sa kanya at sinamahan siya sa madilim na lugar na ito.

Somi: Sinabi ko ng layuan mo siya! INAGAW MO SIYA SA AKIN! YOU TAKE HIM AWAY FROM THIS PLACE WHERE I DIE ALONE! SIYA NALANG NGA ANG TAONG SINAMAHAN AKO SA MADILIM KONG MUNDO, TATANGGALIN MO PA!? ANG DAPAT SAYO MAMATAY!

Chae: Mina! Ano bang nangyayari!?

Hindi nito makita si Somi, ang nakikita niya ay ang nahihirapang bumangon na si Mina at hawak nito ang kanyang leeg. Ang mukha nito’y pulang pula na at tila mauubusan na ng hininga.

~
“You’re in danger. She will come to you and will kill you…”

Napatakbo si Jihyo at Tzuyu sa kanilang nabasa. Dala dala nila ang libro at ang 7 bookmarks. Jihyo opened her GPS and saw Mina’s phone near their home.

Narating nila ang hindi pamilyar na lugar at mayroong babaeng nakatayo sa harapan nun na para bang natataranta. Nakita naman sila ng babaeng iyon at nilapitan sila.

Babae: Wag kayong papasok!
Jihyo: ANO!?
Tzuyu: Bakit po?
Babae: Laban nila ito at hindi kayo pwedeng makialam.
Jihyo: Wala akong pakialam kung kaninong laban yun, mamamatay ang kapatid namin!
Babae: Hindi niyo sya matutulungan.
Jihyo: Anong ibig mong sabihin?
Babae: Tanging si Chaeyoung lamang ang kayang tumulong sa kanya.

Can You See My Eyes?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon