Nineteen

11 0 1
                                    

#WWH19
19
_____

Peace

My year end break went well. Katulad ng plano, natuloy kami sa Cuerva noong pasko. My grandparents, mama and papa, is also there. Doon din namin balak mag bagong taon pero dahil nagkaroon ng pagbabago at sa mas maagang petsa na gaganapin ang debut ni Ari ay nag-aya na akong umuwi.

Susukatan pa kasi ako ulit para sa final adjustments ng gown. Syempre ay maaaring nagkalaman ako dala ng bakasyon at hindi na iyon magkasya sa akin. Ganoon din ang kila mommy at daddy.

Madalas naman ay sa Cuerva talaga kami nagbabagong taon ngunit dahil napaaga ang kaarawan ni Ari ay maaga rin kaming umuwi. We ended up celebrating new year in Afttrieth with the Clementes.

Nagkita kami ni Lisle sa Cuerva noong pasko ngunit hindi kami nagpapansinan. He went there with his family and Ar. Ramos' family. Noong mga nagdaang taon ay hindi ko naman nakikita ang pamilya ni Lisle na kasama nila Ar. Ramos bumisita sa amin. Hindi ko alam kung bakit ngayong taon ay nandito sila.

Wala namang may alam na naguusap kami ni Lisle kaya walang magtataka kung bakit hindi kami nagpapansinan. Of course, pinapakilala kami sa isa't isa ngunit umaakto lang kami na hindi magkakilala. He was a little bit distant, too. Hindi ko alam kung malulungkot ba ako dahil doon o matutuwa na ginawa niya ang pakiusap ko.

Then came the day of Ari's debut. Invited kaming mga Clemente dahil nakilala na rin nila si Ari sa paminsan-minsan kong pagsama sa kanya sa aming family gathering.

Andito ako ngayon sa table nila Eula kasama si Russ. Tapos na ang program ng party ni Ari at oras na ito para makihalubilo. Some guests are preparing to leave. Some of them already left.

Si Primo ang huling sayaw ni Ari ngunit parang hindi naman siya masaya doon. Alam ko kung kinikilig ang isang 'yon kaya nakapagtataka na hindi siya kinilig kanina. Hindi parin ba sila ayos ni Primo? Or did he finally get over Primo?

"Asan si Ari?" Bulong ko kay Russ na katabi ko sa table na ito. Kanina ko pa kasi ito hindi nakikita. Ang alam ko may after party pa siya sa isang bar na malapit, hindi naman ako makakasama doon.

Nilibot ng mata niya ang function hall. "I don't know. Haven't seen her for awhile. Baka kasama si Zach?"

Sabagay ganito rin ako noong birthday ko. Palipat-lipat ng lamesa para makihalubilo. Maaaring ganoon din ang ginagawa niya ngayon. Ako ang napapagod para sa kanya. Imagine entertaining almost 500 guests, I can only sigh.

"Hindi ka pala makakasama sa 24seven mamaya, noh?" Tanong sa akin ni Eula. 24seven is the bar where Ari's afterparty will be held.

"Hindi... ayaw ko rin naman. At hindi pa ako pwede."

Ngumisi si Fence. "With your surname, you can. Bakit di mo subukan, Wraia?" He challenged.

Raven agreed. "Oo nga. 10 more months and you'll be 18, pwede na 'yan. We can always fake your age."

"Oo nga, boi. I'll ask my sister na ayusan ka para mukhang mature!" Pabirong suggestion naman ni Eula.

"Babae ka rin naman ah? Bakit hindi na lang ikaw ang mag ayos kay Wraia?" Pagbibiro ni Fence kay Eula. Inirapan lang siya ng huli.

Pinagisipan ko ang offer na iyon. Hindi ako sigurado kung papayagan ako nila daddy. Wala ring sasama sa akin pag nagkataon.

"Bad influence kayo."

Sa huli, katulad ng inaasahan ko, hindi ako pinayagan. Ani mommy, hindi magandang tignan na pumupunta na ako sa mga ganoong lugar. Ayos lang din naman sa akin iyon. 10 months na lang naman at magagawa ko na din ang aking gusto. Pero hindi ibigsabihin non magliliwaliw na ako.

Whatever We HadWhere stories live. Discover now