Thirty

10 1 5
                                    

#WWH30
30
_____

After

"You broke up with him dahil lang don?" Tanong ni Denver matapos kong ikwento ang naging buhay ko sa Foretrieth. Denver is a friend I found here in Caldiverg.

"Bakit? Ginawa ko lang yung kung ano sa tingin ko ay tama," katwiran ko.

It's been 8 years since I left for Caldiverg. Walong taon na simula nung iwan ko ang mga kaibigan ko, ang bestfriend ko at ang pinakamamahal ko. Ang tagal na rin pala. Kumusta na kaya sila?

I went to Caldiverg to grab the opportunity CCAD granted me after graduating senior high. It was a scholarship that will last until I graduate college na kalaunan ay hindi ko rin nagamit. I applied for that scholarship with Russ when I started 12th grade. Luckily, it was granted.

Noon pa man, si Russ lang ang nakakaalam ng mga plano ko. Noong mga panahong kami ni Russ ang laging magkasama, mas nakilala niya ako. Natutunan ko rin siyang pagkatiwalaan kaya siya lang ang nakakaalam na nag apply ako ng scholarship doon.

Well, everyone I know knows CCAD is my dream school but only Russ knew that I applied for a scholarship in that school. It's not that I can't afford CCAD but I want to get in as a scholar and not because I can pay.

When I got here, I tried Architecture in CCAD for a year but unfortunately, I still failed some of my subjects. And because of that, I lost my scholarship. And so I thought, maybe, I was really meant for Engineering. Kaya kahit hindi sigurado kung kakayanin ko pa ba ay lumipat ako ng paaralan at sinubukan ang Civil Engineering muli. Luckily, I passed my first year until I successfully graduated with flying colors.

Whenever I look back, napapaisip ako na ayos lang kahit hindi ako nagtapos sa CCAD na pangarap kong paaralan. O kahit pa umulit ako ng isang taon. Ang mahalaga ay nakapagtapos ako at lisensyadong inhenyero na ngayon. I can say its all worth it.

I might have lost everyone but I got my dream. I think that's the most important part. I lost communication with my best friend and other friends but atleast I got myself another friend.
"Ewan ko, Wrai, pero gusto ko makipagpustahan." Sabay ngisi niya. Naningkit ang mata niya at tila tinitimbang ang aking reaksyon.

"Oh sige, ano yan?" Hamon ko.

"Pustahan nasa kanya pa yung regalo mong mga portrait. Ano?"

Tumawa ako nang marinig iyon. "Ver, ang impossible niyan. Ilang taon na ba ang lumipas? 8? Sinong magtatago pa ng regalo ng ex niyang iniwan siya sa mismong birthday niya pa?"

"Si Lisle." Sabay halakhak niya. Pinalo palo niya pa ang lamesa na nasa kanyang harapan.

Oo, umalis ako sa mismong kaarawan ni Lisle. At oo, sa wakas, naibigay ko rin ang mga iginuhit at ipininta kong wangis niya. I don't see a reason for me to keep it, anyway. Kabisado at tila nakaukit parin naman sa aking utak ang kanyang itsura.

Lisle will always be a good memory for me. Tanggap ko na rin naman na hindi na maibabalik ang dating kami. He probably already got himself a wife now. Hindi ko alam at wala na dapat akong pakialam kung mayroon na nga siyang asawa. Hindi ko rin naman kasi sinubukang kumustahin siya kahit kanino pa man.

My parents visit me here from time to time but they won't mention Lisle's achievements or anything. Pumupunta lang sila dito para kumustahin ako at minsan ay para kay Cleo.

During my first few years here, I promised myself I'll get back to Lisle. Pinangako ko na babalik ako sa kanya kapag maayos na ako at tapos na siya.

Ngunit naisip kong masaya naman na ako dito at hindi na ganoon kadependent sa ibang tao kaya kalaunan ay natabunan na ang pangakong iyon.

I can only imagine him successful in his chosen field. Baka nga may sariling kompanya na iyon, katulad ng plano niya. If I'm not mistaken, mahigit 6 taon na magmula nang makuha niya ang kanyang lisensya. Paniguradong tinitingala na 'yon doon ngayon. Good for him. Iniwan ko naman siya para sa mga pangarap niya. Para hindi niya na ako kailangang alalahin. Wala akong dapat pinagsisihan doon.

Whatever We HadWhere stories live. Discover now