#WWH22
22
_____Together
I woke up when I felt the sun kissed my skin. Nilingon ko ang aking tabi nang mapansing wala si Lisle doon. Was last night just a dream, then? Am I that drunk to hallucinate that Lisle actually slept here?
I looked around to check if Lisle was really here. But much to my disappointment, there were no signs of him here. Kahit ang kabilang parte ng higaan ay maayos at walang marka na nahigaan iyon. Nasapo ko ang aking mukha. Baka nga guni-guni ko lang iyon.
Wraia:
You slept here last night?I texted Lisle. Chineck ko ang thread ng aming text messages at noong isang araw pa ang huling mensahe doon.
Lisle:
In your unit? No, I slept in mine, baby... why?Wraia:
Oh? Nothing...So guni-guni ko lang nga iyon? O panaginip? And why am I so disappointed? Ano naman kung hindi siya dito natulog? I shook my head. Stop thinking about it, Wraia. Masisiraan ka lang ng bait.
I took a bath and wore my tainted shirt, that I use when I paint, and cotton shorts. I don't know, I just feel like painting today. Now that midterms' finally over, I can use my spare time for painting commissions.
I went down to cook my breakfast... or brunch. Pasado alas diyes na kaya mag-eearly lunch na ako. Ano na naman kaya ang aalmusalin ko? Walang kasawaang bacon na naman?
Nagulat ako nang maabutan si Lisle na prenteng nakaupo sa aking sofa bed sa living room. How did he get in? Agad siyang napatingin nang mapansin ako.
Pumungay ang mata niya nang tumagal ang titig sa akin. "Pa'no ka nakapasok?" I asked.
"I used your door?" Sarkastikong tanong niya pabalik nang hindi makatingin sa akin. Lumibot ang tingin niya hanggang sa pumirmi iyon sa tv.
"I'm serious!"
He chuckled. "And you think I'm not?" Taas kilay na tanong niya, bahagyang naghahamon.
"You don't have a key! Paano ka nakapasok, kung ganon?" O baka naman totoo talagang dito siya natulog?
Mapaglarong ngumisi siya. "Are you sure?" Nakatitig parin siya sa tv na para bang iyon ang kausap niya.
"Of course I'm sure! Ako lang ang may susi ng unit ko!" Iritadong sabi ko. Ang aga aga kasi nang-aasar.
"I'm kidding. I slept here, Wraie." So hindi ko nga iyon guni-guni? We slept together... Lisle and I slept together. Natulog lang?
Nag-init ang pisngi ko doon. "Edi hello, kidding," Sabi ko na lang para 'di mapahiya at naglakad na papunta sa kusina.
Narinig ko ang mga yapak niya kasunod ng akin hanggang sa naramdaman ko ang kanyang bisig na pumulupot sa aking bewang. "You didn't greet me good morning," he said huskily.
I softly chuckled. "Required ba?"
He groaned. "Stop laughing..." aniya sa napapaos na boses.
Lalo lamang akong natawa. "Pa'no kasi, hindi ko naman alam na requirement 'yon."
He deeply sighed. "Are you... wearing a bra?"
Nakagat ko ang labi ko nang maproseso ang tanong niya. "Shit," I uttered before climbing up to my room. Bahagya ko pang napukpok ang ulo ko nang mapagtanong iyon ang dahilan kung bakit hindi siya makatingin sa akin kanina. Well, what happened wasn't intentional. Hindi ko naman inaasahan na nasa baba pala siya.
YOU ARE READING
Whatever We Had
RomanceAs if she's meant to live a miserable life, Wrailette Allana Clemente dreamt of having someone who will go with her through the storm. Someone who will see her worth. Someone who will love her for what and who she is. Someone who will accept her wit...