#WWH13
13
_____Pasta
"Wraia, tapos na magboil?" Russ asked as he mixed the sauce. Parehas kaming naka apron na black ngayon pero siya topless, his pants hanging low on his waist. Russ has a well-toned body. Masyadong mayabang wala naman akong pakialam sa 6-pack abs niya kahit 8-pack pa yan. I laughed at that thought.
Russ has a fair complexion. He has brown eyes and thick brows. Dark brown naman ang kanyang buhok. He looked foreign.
Nasa V Res ako ngayon kasi nga tuturuan niya ako magluto ng tomato shrimp pasta. Russ lives here sa Silver tower. Dito ko rin balak kumuha ng unit sa V Res when I turned 18 pero sa Gold tower. The units there are more spacious than the units in the silver and bronze tower. Kung ako naman ang papapiliin, okay na ko sa units sa silver tower. Mayroon naman itong 3 bedrooms, pero maliit ang pangatlong kwarto. Ako lang naman mag-isa ang titira.
I looked at the pasta. "What should it look like ba? There's tiny bubbles na." I said as I described what the pasta looked like.
"Keep stiring it so it won't stick together." Utos niya.
I laughed. "Okay, sir." Sabay saludo ko. "You go to gym?" I asked as I saw how his muscles flexed as he stir the sauce.
He looked at me and smirked. "No, why? You're attracted to my muscles? Bakit 'di na lang sakin mismo?" Nang-aasar na tanong niya.
I stuck my tounge out on him. "Sweet dreams, Mr. Aguirre." He bit his lip to stop himself from laughing.
Busy ako manuod ng series nang tawagin ako ni Russ mula sa kusina. Patapos naman na ang aming niluluto nung iniwan ko, titimplahan na lang at papakuluin pa. "Sandali, tapusin ko lang 'to!" Sigaw ko mula sa sala.
"Okay, take your time. Wala ka nang aabutan." Sigaw niya pabalik, nang-aasar.
I stomped my feet at iritadong inihagis ang throw pillow sa sofa. Kaya pala throw pillow tawag don, ano?
Amoy na amoy ko ang pasta sauce mula rito. Lakad takbo akong pumunta sa kusina. "Hoy!" Sabay turo ko kay Russ. "Asan yung akin?" Mangiyak ngiyak na sabi ko.
"I told you wala ka nang maabutan." He then shrugged.
"Russssss!" Inis na sigaw ko. I went to his place at agad siyang sinakal nang pabiro. "Ang dami dami non!"
He laughed at my reaction. "Wraiaaaaa!" He mocked me. "Just kidding." Then he chuckled. "Sit down, princess." At pinilit akong paupuin.
Kumuha muna siya ng pasta, tsaka ibinuhos ang sauce sa ibabaw noon. Ang bango! "Saan ka natuto magluto?" I asked him habang nakapangalumbaba ako sa mesa.
Inilapag niya ang plato sa harapan ko. "Sa Dalten. I had my own unit there din since hihiwalay na sa parents once you turned 18. Nung nasa bahay pa ko, I only know how to cook fried foods." Pagkwento niya. "Masarap?" He asked noong tinikman ko na.
Wow! Copy-Pasta level! I immediately nodded. "Super! Apply na kaya tayo sa Copy-Pasta?" Pabirong suhestyon ko sabay tawa.
Agad siyang ngumiwi. "Bakit kasali ka? Nagboil ka lang naman ng pasta." He then rolled his eyes.
Napasimangot ako. "Ang epal mo. Nag chop naman ako ng tomatoes."
"What's epal nga?" Nagkibit balikat ako. "Nevermind. Okay, sige. You can apply as my assistant." He said cockily. Hindi makapaniwalang tumingin ako sa kaniya.
I slapped his face a little. "Hoy. Ang kapal ng mukha mo." Then we both laughed.
After we ate, we washed the dishes. Siya nagsabon, ako nagbanlaw. May dishwasher naman siya pero we decided not to use it besides kailangan ko din matuto. One more year and I'll be living alone.
YOU ARE READING
Whatever We Had
DragosteAs if she's meant to live a miserable life, Wrailette Allana Clemente dreamt of having someone who will go with her through the storm. Someone who will see her worth. Someone who will love her for what and who she is. Someone who will accept her wit...