Twenty-one

11 0 0
                                    

#WWH21
21
_____

Contented

It's been 2 months since I moved out. Russ didn't lie when he told me it's hard to live on my own. Sa dalawang buwan na nakalipas, I only cooked the meals he taught me and a little fried foods. Kung hindi ko man magawa ay nagpapadeliver na lang ako. Ang hirap noong unang buwan ko, iniiyakan ko pa iyon.

When it comes to my furnitures, only my bedroom and guestrooms are the only fully furnished ones. My living room looks empty with just the television and large sofabed. May maliit lang na temporary center table doon. I will fill that up and my dining area soon.

Paminsan-minsan ay dito umuuwi si Ari. Russ visits me, too. Minsan ay may dala ng pagkain o kaya'y dito magluluto. Hindi ko maitatanggi na malaking tulong ang pagbisita niya sa akin. Bukod doon, tinuturuan niya pa ako sa Chemistry. The last time NFU released our grades I was the class top-notcher. It was an overwhelming feeling I couldn't ask for more.

My parents visit me from time to time here in my unit, too. During my first month, they would visit every week end and check on my groceries. Hindi nila hinahayaang hindi puno ang refrigerator ko. Mom didn't want me to live in a dirty place so she hired a cleaner. Although she wanted me to live independently, she knows I can't be independent that fast. Kalaunan ay minsan na lang sila bumisita.

Last last week, Cy moved in here in Foretrieth. Isang beses pa lang niya ako nabisita dito dahil busy sa pagtransfer ng school. She's taking accountancy, by the way. Ang alam ko, hindi siya sa NFU lilipat dahil walang accountancy doon. Hindi parin kami nakakapagbar katulad ng plano niya. I can't really talk to her properly these past few days.

Also last last week, Ash got hospitalized kaya halos gabi na ako bisitahin ni Lisle. That's the reason why she's listless these past few weeks. Naiintindihan ko naman iyon na kailangan ni Ash si Lisle doon. Minsan ako na ang nagsasabi sa kanyang 'wag nang bumisita sa akin. Hindi ko nga alam kung nakakapag-aral pa ito nang maayos. I heard he's a consistent dean's lister. Ngunit nitong mga nagdaang araw, lagi na siyang pagod pagka-uwi kaya paano pa siya nakakapag-aral. I am worried but he seemed fine with how his life's going.

I have an art room here in my unit, too. Mas maliit kaysa sa kwarto ko doon sa bahay pero kaya naman. My unit has 5 rooms. I made the largest as my bedroom. 2 guest rooms, 1 art room and 1 storage room.

Kaninang umaga ay nagpinta ako ng ilang abstract art na ididisplay ko sa aking living room o sa guest room. Nagtingin tingin din ako ng furnitures na maaaring ilagay doon. While I was in the middle of doing so, Eula and Fence barged in... nag-aayang mag bar mamaya. Hindi naman ako makatanggi dahil kakatapos lang ng midterms namin kaya wala akong lusot. Besides, I also need to relax. Being the top of my class brought so much pressure to me. Talagang inilaan ko ang buong linggo ko sa pag- aaral.

Paminsan minsan naman ay nagiinom kami kila Ari o kaya dito para lang mag-chill pero hindi nagkakayayaan mag bar. After my birthday, ngayon na lang ulit ako makakapagbar kaya medyo excited ako doon.

"Invite kaya natin si Russ?" I suggested.

"Sige, tawagan mo." Si Fence na nagdadrive patungong Wild Night. Eula is seated on the shotgun seat at ako ang nasa back seat.

Hindi namin kasama sila Raven, Ari at Lisle. Panigurado, ang dalawang iyon ay may date. Besides, I already spent time with Ari yesterday. Si Lisle ay nasa hospital binabantayan si Ash. Hindi na rin namin inimbita dahil paniguradong hindi rin sasama.

Hindi pa rin namin alam kung anong sakit ni Ash. Hindi rin naman sinasabi ni Lisle o maaaring wala pang resulta. Whatever it is, I just hope she gets better.

Whatever We HadWhere stories live. Discover now