Thirty-two

14 1 0
                                    

#WWH32
32
_____

Work

Today's monday and it only means one thing- it's my first day at VDC. I am slightly fascinated with the idea of me finally working at the company my dad built. I mean, iba yung feeling kapag sa iba ka nagtatrabaho iba din pag mismong kamaganak mo na yung pinagtatrabuhan mo.

Well, hindi naman mataas agad ang posisyon ko doon kahit pa anak ako ng may ari. If there's one thing na gusto ko sa VDC, yun ay wala silang pinapaboran. Ayoko rin namang mabigyan ng mataas na posisyon tapos mangangapa ako nang matagal. Mas mabuti parin iyong nagsimula ka sa baba. Sa ganong paraan, alam mo yung proseso at yung hirap na dinanas ng mga katrabaho mo.

However, I am frightened. Wala pa man ay kinakabahan na ko sa mga posibleng mangyari. Paano kung pag usapan ako doon? Paano kung hindi mainit ang pagtanggap nila sa akin doon? I had so many what ifs but it all boils down to one question. Paano kung makita ko siya doon? What would I do? Kakausapin ko ba, magsosorry o hindi ko papansinin? I frustratingly pulled my hair.

"Stupid!" I muttered under my breath. Tinignan ko ang repleksyon sa salamin na nasa harap. How would I conceal these bags under my eyes? I would look like I didn't sleep for days kung hindi ko ito papatungan. Well, I had a hard time sleeping because of the time zone difference but I know it in myself that I can adapt to change immediately kaya hindi dahil iyon doon.

"Ugh! Hindi ko na alam!"

"Mommy? Who are you talking to?" Tanong ng kakapasok lang na si Cleo.

Alanganin akong ngumiti sa kanya. "No one, baby, mommy's just frustrated. I look like a zombie, right?" I asked as I made her face me. Kumunot ang noo niya at tila naguluhan sa aking sinabi.

"No, mommy, you're still pretty you just have this two little black eye." Sabay turo niya sa ilalim ng aking mata.

"These are called eye bags, okay? Black eye is different from this one," marahang paliwanag ko. Tumango tango naman siya doon at hinila ako.

"Let's go, mommy. Daddy's naghihintay na po," she said in a slang accent.

I pinched her cheeks and chuckled at her cuteness. "Ok, ok, wait." Sinulyapan kong muli ang aking itsura bago nagdesisyong tumayo na. I took my bag and placed some cosmetic I might need in there. Hindi ako pala-make up noon pa man kaya paniguradong magugulat ang sino mang kakilala kong makakakita sa akin.

Dumiretso ako sa office ni daddy pagtungtong ko ng VDC. Kabisado ko rin naman na ang papunta doon dahil palagi kaming bumibisita noon. Ang main branch ng VDC ay nasa Foretrieth lang kaya dito ako nagpaassign, mas convenient pati.

Kahit na alam ko ang daan patungo sa office ni daddy ay hindi parin ako pamilyar sa bawat sulok nito. Mom wouldn't allow me to wander when I was a child so I only know the way to dad's office. And when I arrived, I was welcomed by someone which I guess is dad's secretary.

The not-so-old guy smiled at me with high respect. "Good morning, Miss Clemente, I'm Khris, Mr. Clemente's secretary," he introduced.

I cleared my throat to switch to the formal Wraia. "Good morning," I greeted back. I held my hand out for a hand shake. "Uh, is my dad inside?" I asked in a slightly strict tone it probably sounded too cold. Whatever.

Khris adjusted his eyeglasses after scratching his nape. "Mr. Clemente was here... po," he said, hesitantly dropping the 'po.' "But he said you're probably late, miss, so he left for a 3-hour meeting."

Di ko na napigilan at umawang ang labi ko doon. I glanced at my wristwatch to check the time. "I was only 10 minutes late!" Reklamo ko nang mabilang kung ilang minuto akong huli. Well, it's partly my fault that I was late, ang tagal ko kasi mag ayos kahit hindi naman ako ganon dati.

Tumaas ang kilay niya doon. "Late is late, miss Clemente. Excuse me," paalam niya. He's probably running some errands for the meeting since he's dad's secretary.

I wonder why dad's secretary is not a girl? I mean, ganon naman madalas diba? Hindi ko tuloy alam kung si mommy ang pumili kay Khris. Well, Khris is not that old yet kaya hindi ko siya tatawaging kuya. If my judgment is right, he's around 5 years older or like kuya Diego and I's age gap.

At talaga bang walang mag guguide sakin dito? Am I supposed to find my way out of here by myself? Dad told me he'll accompany me. And yes, he strictly warned me not to be late. Hindi ko naman alam na may iwanan sa ere pa lang magaganap eh di sana nagdala akong parachute.

Hindi ko alam kung dapat pa ba akong matuwa na wala ngang favoritism dito. Sure, they recognize and respect me as the president's daughter pero walang boss boss. They treated me as if I'm a normal employee; well I am.

Sa inis ko, nagmartsa ako patungo sa elevator at dinial ang numero ni Denver. "Ver, answer me, c'mon!" Naiinip kong bulong sa aking telepono.

And when he finally answered, I vented out. "Ver, where are you? Nasa VDC ako. You work here, right?"

I heard some disturbing noise as if he suddenly bumped into some of his things. Nasa site ba siya? "Woah, woah, woah, woah, you're at VDC?" Namamanghang tanong niya.

"Inulet," inis kong sabi. "Dumb, I just told you last Thursday that today's my first day."

"Oo nga pala." He then laughed. "Anyways, bakit? May problema? Anything I can help you with? Wala ako d'yan, eh... pero pabalik na rin," sunod sunod niyang sabi.

"Asan ka ba? Hintayin kita sa lobby. No one's helping me here."

"Wrai, magtanong ka, kaya ka nga may bibig. Oh sige sa entrance ng parking B mo ko hintayin. Bye."

"Saan yung-" he then dropped the call. Napakabastos. Iritado kong itinago ang telepono sa hawak na bag. Saan ko hahanapin 'yang parking B na 'yan eh lobby nga lang ang alam ko dito.

Mabuti na lang eh may mabait na maintenance staff ang nagturo sa akin. Nagtanong pa nga kung anong gagawin ko doon eh vip daw ako at mainit daw maghintay doon. Turns out, it's 2 floors lower than the main entrance. At totoo ngang mainit doon, pero yun ay kung lalabas ka sa mismong parking area na sinubukan kong labasin kanina.

I texted Denver about his whereabouts and until when will I wait here. Hindi naman siguro ako papagalitan ni daddy kung absent na lang ako ngayong araw? But I promised him I'll help him eh unang araw ko pa nga lang suko na ko! Ugh.

"You know it's probably because you're used to special treatment. Halos boss ka na noon kaya sila ang lumalapit sa'yo. Hindi ka lang sanay, Wrai. Even your father didn't tolerate you." Ngumisi ngisi siya para bang may nakakatuwa doon bago sumipsip sa iniinom na Caramel frappe.

Inaya ko si Denver sa pinakamalapit na cafe para ikwento ang nangyari kanina. And I guess he's right. Nasanay ako na alam ko ang lahat, na nasa akin ang atensyon ng lahat.

"Right," sang ayon ko. "Ang taas lang siguro ng tingin ko sa sarili ko."

"That... or may iniiwasan ka?" He probed.

My eyebrows shot up. "Anong connect?"

"Alam mo, Wrai, matalino ka eh..." pumangalumbaba siya sa harap ko. The table slightly shook at his sudden move.

"Kaso?"

"Ewan ko din." Tumawa siya at inilapit ang mukha sa akin. "May bago akong chismis." Inilapit ko ang tenga ko sa kanya. "Kasal na ata baby mo," Bulong niya naman.

"Oh tapos?" Tila walang pakialam kong tanong. Wala naman talaga dapat akong pakialam? I mean, ang tagal tagal na nung amin. Mas nakakagulat kung single parin siya ngayon dahil ibig sabihin non hindi pa siya nakakamove on.

'Eh anong tawag sa'yo, Wraia? Hmm, hindi ba't single ka rin hanggang ngayon?' My subconscious mind asked.

"Hindi mo tatanungin kung sino?"

"Ang?" I paused. "Baby ko o yung napangasawa?"

Ngumisi siya doon. "Uy, bakit? Sino ba baby mo? Ikaw ha." He leaned towards me and playfully tickled whatever part of my body he can reach.

Hindi ko na napigilan at napangisi na rin ako doon. "Ewan ko sa'yo. Si Lisle lang naman 'yang tinutukoy mo. Wala akong pakialam, okay?" Maarteng sabi ko sabay sumipsip sa Caramel frappe rin na hawak ko. Nag iwas din ako ng tingin nang tumitig si Ver nang mariin sa akin.

"Talaga? Okay, sabi mo eh," tila hindi sumasangayon na sabi niya. "So, papasok ka pa ba? Malapit na matapos break ko. Grabe ka, kinuha mo isang oras ko na dapat nasa site ako, baka isumbong ako ni Engr. Kaleb sa daddy mo," madramang sabi niya.

"Akala ko ba paalis ka na non?" Tanong ko. He told me he's about to leave that time so I really thought he's free.

"Paalis na nga kasi kailangan mo ko, eh, unahin ko pa ba 'yon?" I couldn't help but smile at what he said.

"Sweet mo naman, sapatusin kita." He laughed at what I said. Nag asaran lang kami doon at umorder na kami ng lunch namin. I guess it'll be a half day for me.

Daddy:
We're almost done. Wait outside my office.

"Patapos na daw," sabi ko kay Ver na katabi ko sa elevator paakyat sa office ni daddy.

"Pwede na ba ko umalis? Babalik pa ko sa site, eh. Paalam ko may emergency sa anak ko, hehe."

Natawa ako doon. Siraulo talaga ang isang 'to. "Sumbong kita kay daddy. Bago ka palang dito tumatakas ka na sa trabaho." We then went to Khris' cubicle and sat near it. Nasa labas lang iyon ng office ni daddy at ang sabi niya ay dito lang din maghintay.

"Ay, wala namang ganyanan. Pagkatapos kitang puntahan, 'yan igaganti mo sakin? Grabe, I'm hashtag hurt."

I rolled my eyes at him. "Pa'no kasi anak daw, putek."

Marahan niyang kinurot ang aking pisngi. "Aw, baby Wraie," pang aasar niya, slightly highlighting the last two words. Umikot ikot pa ang mata niya habang sinasabi iyon na tila ba nandidiri siya doon.

"Ewan ko sa-" my words were cut off when someone cleared his throat loudly. Sabay kaming lumingon ni Denver doon na sana ay hindi ko na lang ginawa.

I looked up only to be welcomed by Lisle's cold stare. He's still sporting that sleepy yet dangerous look. Noon pa man ay mukha na siyang antukin kaya hindi 'yon nakakagulat.

Mariin kong tinitigan ang kanyang mukha at napansin ang maninipis na stubble doon. He looked... mature or something indescribable.

Nakaramdam ako ng takot na sa kahit gantong titigan lang namin ay naaapektuhan na ako. The thought of him staring intently at me makes my whole body quiver and tremble in fear.

My eyes wandered in his body and noticed how his built improved. In fact, he looked obscenely handsome. His muscles, even if he's well clothed, are on the right places. I mentally face palmed. Anong obscenely handsome, Wraia? Ayos ka lang ba?

Nagulat at napailing ako nang may humarang sa titig ko kay Lisle doon.

"Wrailette," dad called. Umayos ako ng upo nang marinig iyon.

"Daddy..." bati ko naman, bahagyang nahihiya sa tingin ng iba pang mga board members na kalalabas lang din.
"Ano, sarap?" Panunuya ni Denver. Umirap lang ako doon at kalaunan ay suminghap nang mapagtanto kung paano ko titigan ang ex ko kanina. It was then I realized how stupid I probably looked like.

I glanced at Lisle's way before going inside dad's office but he was no longer there. Kahit sa daan patungo sa lift ay wala. He must be too busy kaya wala ng panahon para manatili.

Nang makaupo na sa couch sa office ni daddy ay napaisip muli ako. Did I stare too much awhile ago? Nagmukha ba kong di pa nakakamove on? Nagmukhang manghang mangha? Did I look like those girls that drool over some hot guys? Bakit kasi ngayon ko pa nakita ang isang 'yon? Sa unang araw ko pa talaga? At bakit kailangan niyang tumitig pabalik? Required ba?

"Anak, are you listening?"

"Ay, dad," bahagyang windang ko pang sabi. I mentally slapped myself for thinking too much. Ngumiti ako ng peke kay daddy doon at alanganin na tumawa.

Tumaas ang kilay ni daddy at bahgyang tumikhim. "As I was saying, you'll be working along with the other newly hired engineers under Engr. Hernandez supervision. He's working on that Skyscraper project and I need you to function as you should. This isn't Caldiverg, Wrailette. You're not a boss of anyone here."

Tumango naman ako doon. "Ok, daddy." Alam ko naman na ibang ang sistema at posisyon ko dito at kailangan kong ayusin ang trabaho ko.

"Twyle was in the meeting awhile ago so he knows how to guide all of you. Alam mo naman-"

"Wait, skyscraper, dad?" Bingi ba ako o skyscraper talaga ang sinabi ni daddy? Hindi ba't sabi ni Denver ay skyscraper din ang project ni Lisle sa amin?

"Yes. A project of mine with Lisle, why?"

With Lisle? Pagtatrabahuin niya ko kasama ang matandang antukin na iyon? Well, for sure, I won't see him everytime but we'll see each other in the site!

"Do you have a problem with Lisle, iha? Sabi niya'y maayos kayong naghiwalay at wala naman raw naging alitan so I think its fine if you guys work together. Why are you acting like that? Na parang ayaw mo siyang makita?" Tanong niya pa.

Umiling ako doon. "Wala lang, dad. Nagulat lang ako." Sabay ngiting alanganin ko. "Sa dinami dami kasi ng project na ibibigay 'yon pa talaga...." bulong bulong ko pa.

"Is that so? Then wala namang magiging problema kung makakatrabaho mo siya. Besides, sa mga meeting lang naman siya aattend and it doesn't mean na nasa site din siya unlike you. He's technically your boss so act professionally-"

"Did he... finally established his own company, dad?" Tanong ko.

"Yes, WAR Inc. It is famous in the web, you should search for it. It started small but look at it now. Madaling lumago dahil magaling naman talaga ang dati mong nobyo. Our partnership with him won't put to waste, I'm sure."

Kung ganoon man ay masaya ako para sa kanya. I'm the proudest, even. After all, worth it naman yung pag iwan ko sa kanya. Worth it naman lahat ng sakit. He's now living the life he's been talking about. Masaya ako't natupad niya lahat ng iyon kahit wala ako sa tabi niya.

I'm proud of you, Lisle.

Nang bumaba na ang araw ay sinundo na ako ni Russ kasama si Cleo. Kaswal akong ngumiti patungo sa lobby kung nasaan ang mag ama. Abala si Cleo sa kanyang tablet habang pinapakita ang main lobby ng VDC. Kausap niya na naman yata si Kyle at tinotour ang huli.

"Mommy!" Malakas na tawag ni Cleo nang mapansin ako. Nang makalapit ay ipinakita niya ang tablet sa akin.

"Hey," masiglang bati ko. "Hi, Kyle, how are you?"

"I'm good," isnab na sagot nito.

"May lakad ba tayo? Bakit bihis na bihis kayo?" Pabirong tanong ko.

"Nag-aaya, eh. Family day daw bago tayo tuluyang maging abala sa trabaho."

Lumambot naman ang ekspresyon ko doon. Cleo's obviously seeking for a motherly love and its devastating on my part to not fulfill it. It makes me wonder if I was ever enough for Cleo through the years I stayed with them.

Sa huli ay napagdesisyunan naming pumunta sa isang parke na malapit sa dagat. Katatapos lang din namin maghapunan sa isang fast food chain na si Cleo din ang namili. She really knows her way around us. This wise kid can definitely wrap someone around her fingers.

"Daddy, take a picture of me! I'll send it to Kyle." Nagbibisikleta si Cleo doon habang kami ni Russ ay nakaupo lang sa parang gutter noong sidewalk. Dali dali namang tumayo si Russ mula sa aking tabi upang kuhanan ng litrato ang anak.

Napangiti ako nang makita ang posisyon ng dalawa. Sa totoo lang, pwede namang kami na lang ni Russ. Komportable naman ako sa kanya and  I know he's the type of guy na pangmatagalan. 

I can also be Cleo's mother legally, I am more than willing. Napamahal naman na sa akin ang bata. Pero, ewan ko ba, hindi ko alam kung ano ang pumipigil sa akin gawin ang lahat ng  iyon.

It was almost 10 when we left the park. Tumba si Cleo doon sa back seat marahil napagod kakabisikleta niya doon. If this was a normal day I would join them, kaya lang ay wala akong pamalit na damit at pormal na pormal pa ang itsura. Dibale, babawi na lang ako sa Sabado.

"Daan kaya muna ako sa gold tower?" Paghingi ko ng opinyon kay Russ. Hindi ko pa kasi natatanong yung tungkol sa unit ko. "Para doon na lang muna tayo or-"

"Its fine, Wraia. Cleo and I can stay at my unit for the mean time. Next week naman magsisimula na yung construction sa Afttrieth."

"Bakit kasi ayaw mo sa bahay niyo?"

He shrugged and continued driving. Tumahimik na lang ako doon at tumingin sa labas.

"Ayoko lang umasa sa parents ko," he answered after a few minutes.

Di na lang ako umimik doon. Titira lang naman pansamantala umaasa na agad? Sayang naman 'yon dahil mga kasambahay na lang daw ang nakatira sabi ni tita Avery. Oh well, its his decision and I shouldnt meddle with it.

"205 po, maam?" Tanong noong babae sa lobby ng gold tower.

"Yes, what happened to it?" Mataray na tanong ko para bilis bilisan niya ang trabaho niya dahil inaantok na ko. Russ and Cleo went up already.

"Ma'am nililinisan naman po yun ng staff namin pag inuutos ni Engr. and we actually have your spare keys in here po. Pero yung isa nakay Engr. Revianchi po."

"Engr. Revianchi? Si Lisle?" Kinikilig na tumango iyong babae doon. "Can I have my keys? Bakit hindi niya isinauli lahat ng susi?"

"I suggest siya na lang po ang kausapin niyo. Hindi ko rin po alam kasi bago lang po ako dito."

Hiningan niya ko ng valid ids na magpapatunay na ako nga ang may ari noon, pagkatapos ay ibinigay na sa akin ang mga susi. I think I'll just come back tomorrow after work.

Siguro naman madali lang kuhain kay Lisle ang iba pang susi. I don't think he lives there, anyway. Sa akin naman 'yon at kayang kaya ko siyang paalisin kung doon man siya nakatira ngayon. Someone as big as him wouldn't settle at my cheap condo unit.
______________________________________

Live and love.

Whatever We HadWhere stories live. Discover now