#WWH36
36
_____Love
"You mentioned you weren't married?" Lisle asked as he started driving.
Hinilot ko ang sintido sa unang tanong niya. "Pwede ba? Hindi ko nga pinapakialaman ang relasyon niyo ni Ash kaya bakit sawsaw ka nang sawsaw sa akin?""Masarap, eh," sagot niya na ikinaubo ko. Inisip niya ba yung sagot niya?
Tinitigan ko siya ng masama. "Tangina, anong masarap?" Iritado kong tanong at napahilot sa sintido ko.
He chuckled. "I mean... masarap sumawsaw sa buhay mo."
"You should just mind your own business."
"You are my business, Wraia."
Irap na lang ang sinagot ko dahil parang kahit anong sabihin ko'y may maisasagot siya.
Now that he told me he's not with Ash, bakit sila naghalikan? Bakit tingin ng mga kaibigan namin ay may relasyon sila? Even Denver heard so...
There's only one way to find out."So...hindi kayo ni Ashielle?"
"No," ngiting ngiting aniya.
Umirap ako't agad nahighblood sa ngisi niya. "Hindi pala kayo eh ba't kayo naghahalikan? Ano yon, for fun?"
He looked amazed that I knew about the kiss. "Gumana kaya?" Parang tangang tanong niya sa sarili. Ano naman ang gumana?
"Even our friends think that you guys are together! Ganon din ang mga bulong-bulungan sa opisina! Kahit saan ka magpunta, iyon ang tingin!" Dagdag ko pa. I don't care if I sound like a nagging girlfriend right now dahil tila wala siyang naririnig at masayang pinaglalaruan lang ang labi.
"Xenver Carlisle!"
"Oh, fuck, full name. Akala ko ba mind our own business?" Nagulat siya ngunit agad na bumalik ang natutuwang reaksiyon.
Inirapan ko siya't umiwas na ng tingin. "Nagtatanong ako diba? Sasagot ka lang naman. Anong mahirap don?"
"I already answered your question."
"Bahala ka nga."
I don't know why I'm frustrated. Anong sagot ba ang hinihingi ko? He already answered 'no,' Wraia, what else do you need to hear? Do I want him to explain about the kiss? Siguro ay hindi at talagang nainis lang ako sa reaksyon niya't parang tuwang tuwa pa siya.
I shook my head to erase my thoughts and to think of something else. Kaya lang, hanggang makaakyat sa condo ay hindi parin siya nagsasalita kaya't hindi ako mapakali. Muli ay naisip ko na naman ang pagtatalo't nairita.
Dumagdag pa na hindi ko alam kung bakit ako nagkakaganito. Sa inis ko ay ilang ulit kong pinindot ang doorbell dahil hindi ako pinagbubuksan. Hindi nakatulong na nakaabang lang si Lisle sa tabi ko't pinapanuod pati pagtulo ng luha ko. Kung bakit ako umiiyak, hindi ko alam.
"Putangina naman."
"Sleep on mine? I have guest rooms."
Siguro dahil sa pagod, inis at kalasingan, tumango na lang ako. I dont have the energy to protest anymore.
"Uh, are we gonna talk first or-"
"Hindi natin kailangan mag usap. I came here for your room. Now,
where can I sleep?"He sighed, defeated. "You can take my room." Nagulat ako roon kaya't medyo nanlalaki ang matang napatingin sa kanya. "I'll sleep on the other room."
YOU ARE READING
Whatever We Had
RomanceAs if she's meant to live a miserable life, Wrailette Allana Clemente dreamt of having someone who will go with her through the storm. Someone who will see her worth. Someone who will love her for what and who she is. Someone who will accept her wit...