Harper
Aamin! O Hindi?
Aamin! O Hindi?
Aamin! O Hindi?
Aamin! O Hindi?
A-... A-Amin.
MARAHAS akong napalunok nang matapos yung pagto-torture sa bulaklak na hawak ko.
Kawawa naman, nakalbo dahil sa sign na hiningi ko kung aaminin ko ba itong nararamdaman ko para sa bestfriend ko or magpapaka-dakilang bestfriend niya na lang ako forlife.
"Aamin." mahina kong usal habang nakatingin sa nag-iisang petal na hawak ko.
Lord seryoso po ba 'to?
Napangiwi ako bigla nang biglang pumasok sa aking isipan ang nakangiting imahe ng aking bestfriend.
Yung mga ngiti niya na dahilan kung bakit hulog na hulog ako sa kanya.
Lord hindi ko po talaga kaya.
Natatakot akong umamin.
Natatakot ako na baka mawala yung mga ngiting binibigay niya sa akin sa tuwing haharapin niya ako.
Once kasi na umamin ako, wala nang atrasan.
Kapag ginawa ko iyon, marami ang magbabago.
Wala nang balikan at lahat nang pinagsamahan namin ay maaaring mawala na parang bula.
"Harper!" Napalingon ako sa aking likuran ng marinig ang sigaw nang aking Ina.
Nanlaki bigla ang mga mata ko, mabilis kong itinago ang wala ng mga petals na bulaklak at mabilis na tumakbo palayo sa pinitas kong bulaklak.
Maganda nang makita ako ni Mama na malayo dito para hindi niya makita yung ginawa ko.
Malalagot kasi talaga ako kapag
nalaman niya, dahil alagang-alaga niya ang kanyang mga bulaklak dito sa aming hardin."Harper!" muling tawag niya.
"Yes Ma??" balik na sagot ko at dali-dali naring nagpakita sa kanya.
"Nandiyan ka lang pala, kung saan-saan ka na naman nagsususuot."
Binigyan ko lang nang napakatamis na ngisi ang aking Ina.
Pero sa isip-isip ko.
Hindi kaya... Lagi nga lang ako nasa kwarto ko o kaya naman sa hardin niya dahil tahimik.
"Hinahanap ka ni Sofi, nandun siya sa kwarto mo."
Tila natigilan ako sa isiniwalat ni Mama.

BINABASA MO ANG
Operation: Make Her Fall
Fiksi Remaja"Ahem, Oh sorry. Pero mukhang gumagana naman yung mic. Hello everyone siguro nagtataka kayo kung sino ako, well I am Harper Arceo and nandito ako para manawagan. I'm looking for my best friend Sofi Andres. Sofi, kung nasaan kaman ngayon alam kong na...