Chapter 8 - Aftermath

396 34 6
                                    

Harper




NAIWAN akong nakaluhod at ilang oras na ba akong nakaluhod? Hindi ko na alam, nakatungo lang ako at nakatitig sa sahig, tila tulala at walang nakikita at naririnig sa paligid. Ang nasa isip ko lang ay hindi ako matitiis ni Sofi at babalikan niya ako.

Nagkaroon ako nang pag-asa nang marinig ang mahihinang yabag na papalapit sa pinto hanggang sa magbukas ang pinto. Lihim akong napangiti dahil naisip ko agad na binalikan ako ni Sofi. Ngunit mabilis din itong nawala ng makita kung sino ang pumasok.

"Harper!" sigaw nito at patakbong lumapit sa akin.
"Bakit ka nakaluhod? Halika tumayo ka nga diyan!" wika nito at pinilit akong itayo.

Sa sobrang tagal kong nakaluhod ay parang namanhid ang mga tuhod ko. Nahirapang itayo ako ni Lyric at sa hindi ko malamang dahilan ay parang nakaramdam ako ng hilo dahil parang umikot ang aking paningin. Hanggang sa marinig ko na lang ang sigaw ni Lyric sa aking pangalan nang tuluyan akong bumagsak sa kanyang bisig at nawalan nang malay.






















































































































"At may gana ka pa talagang magpakita kay Harper?" May himig pagkadismaya sa boses ni Lyric ang aking narinig nang maidilat ko ang aking mga mata.

"Hindi ko akalaing hahayaan mong lumuhod ng halos apat na oras si Harper sa bakanteng kwarto na'yon at kung hindi ko pa siya nahanap, Sofi, Baka hanggang ngayon ay nakaluhod parin siya doon!" mariin ang bawat salita na binibitawan ni Lyric.

Marahan kong ginalaw ang aking ulo, nakatalikod sa akin si Lyric at nakayuko lang si Sofi habang nakayukom ang kamao.

"Sofi." Tawag ko sa pangalan niya. Mabilis na lumingon sa akin ang dalawa habang nanghihina akong bumangon, si Lyric ay mabilis din na kumilos upang tulungan ako, si Sofi ay nakatingin lang sa akin. Kita ko ang pag-aalala sa kanyang mga mata, subalit ng magsalubong ang mga mata namin ay bigla na lang itong umiwas ng tingin.

"Okay ka na ba? Anong gusto mo? Gusto mo ba kumain muna? Kaninang tanghali ka pa hindi kumakain." natatarantang tanong ni Lyric.

Napangiti naman ako dahil sa nakikita kong pag-aalala ni Lyric sa akin.

"Aww!" daing ko nang pitikin bigla ni Lyric ang noo ko

"Nakita mong todo alala ako sa'yo dito, tapos ngingiti-ngiti ka lang diyan! Grabe kaya yung naramdaman ko ng bigla ka na lang nahimatay sa harap ko."

Napakagat naman ako ng labi sa aking nakita, kahit kasi medyo malakas ang trip nitong si Lyric ay may pusong mamon ito at sobrang iyakin.

Ako na ang pumunas sa luha nito.

"I'm sorry kung pinag-alala kita pero Lyric salamat ah? Salamat kasi lagi kang nasa tabi ko kapag kailangan kita." sabay ngiti ko ng sincere sa kanya.

"Ano ka ba wala lang yun noh, kumpara sa mga nagawa mo sa akin. Halika ka nga dito." wika niya at hinila ako palapit sa kanya upang mayakap.

Gumanti na lang din ako ng yakap hanggang sa makarinig kami nang isang ahem kaya napahiwalay kami ng bahagya at sabay na napatingin kay Sofi.

"Mukhang hindi naman na ako kailangan dito, sasabihin ko na lang kay Tita na okay ka na." walang emosyong wika nito.

"Mabuti pa nga, ewan ko ba at tinawagan ka pa ni Tita gayong ikaw naman ang dahilan kung bakit hinimatay si Harper." pataray nitong wika dahilan upang mapatingin ako dito ng hindi makapaniwala.

Operation: Make Her FallTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon