Sofi
"Ano yan? Bat ganyan ang mga ngitian huh?" Pansin ni Macie sa akin.
Siguro ay hindi ko maitago ang kasiyahan na dulot ng nangyari kagabi.
"Ang aga mo mag marites." Sagot ko sa aking kaibigan.
"Eh panong hindi, ngumingiti ka mag isa diyan. Buti na lang may sariling mundo mga classmates natin at hindi ka napapansin. Kundi baka isipin nila nababaliw ka na."
"Baliw agad? Di ba pwedeng masaya lang?" Sagot ko naman.
"HU-WAIT! May ganap talaga eh! Sige na spilllll! Parang kahapon lang nung bumalik ka, hindi na maipinta yang mukha mo. Ni halos hindi ka na nga kumikibo kaya akala namin masakit talaga yung sugat mo. Tapos ngayon papasok kang ganyan?"
Tila nagpipigil na naman ako ng ngiti ng maalala ang nangyari kagabi.
"Sofi! Isa! Ano ngingitian mo lang ako? Hindi ako manghuhula ano ngaaaaa!" May inip sa tono ni Macie.
"Hindi si Harper kasi..."
"Omg si Harper ang dahilan ng mga ngiting yan???" Excited na turan ng kaibigan ko.
Napatango na lang ako habang nangingiti at inalala ang nangyari kagabi.
Katatapos ko lang maligo at paglabas ko ng banyo ay saktong may kumatok sa pinto ng aking kwarto.
Pinuntahan ko agad ito kahit na iika-ika ako kung maglakad. Naisip ko si Mama, nabanggit ko kasing nadapa ako kanina at baka ichecheck lang kung ano ng nangyari sa sugat ko. Ayaw pa naman nun nagagasgasan ang balat ko.
Pagbukas ko ng pinto ay napakunot noo agad ako sa aking nakita.
"Anong ginagawa mo dito?" Pagsusungit ko sa babaeng nakatayo sa aking harapan.
Pinakita ni Harper yung mga dala niyang mga gamit at gamot para sa sugat ko.
"Meron na ako niyan." Muli kong pagsusungit.
"Gusto ko lang sana na ako na ang maglinis ng sugat mo. Nag paalam na ako kay Tita kaya dumiretso na ako dito." Sagot naman nito.
"Hindi na, kaya ko naman linisin yung sugat ko ng mag-isa." Pag tanggi ko sa gusto niya.
Aba, pagkatapos niya makipagharutan kanina sa clinic? Nandito siya umaakto na parang wala lang?
Grabe kaya yung sinasabi sa akin ng feelingerang babae na yun kanina sa clinic. At sino siya para hingin na lang basta si Harper ng ganun?
Ano yun parang candy lang na kukunin sa bulsa at ibibigay sa kanya?
Ito namang si Harper, walang kibo. Walang ginawa kundi hayaan lang yung CJ na yun sa mga sinasabi niya. Parang gustong-gusto pa niya na hinaharot siya ng babaeng yun. Porket ba may crush sa kanya yun?
Pero di ba ako ang mahal niya? So bakit pumapayag siyang angkinin lang ng kung sino-sino?
Ay teka nga bakit ba iniisip ko pa yung mahaderang babae na yun? Ano namang pake ko kung gusto niya si Harper?
"Sofi!" Tawag ni Harper sa pangalan ko.
"Tama ano namang pake ko?" Ang biglang naisagot ko sa kanya.
Halata sa mukha ni Harper ang pagtataka sa aking sinabi at kahit ako ay tila gustong lumubog sa kinatatayuan dahil nasabi ko sa harap niya mismo ang dapat ay nasa isipan ko lang.
BINABASA MO ANG
Operation: Make Her Fall
Teen Fiction"Ahem, Oh sorry. Pero mukhang gumagana naman yung mic. Hello everyone siguro nagtataka kayo kung sino ako, well I am Harper Arceo and nandito ako para manawagan. I'm looking for my best friend Sofi Andres. Sofi, kung nasaan kaman ngayon alam kong na...