Chapter 6 - Meet the parents first

337 27 0
                                    

Harper




"Sino ba yung sinisipat mo?" Nagtataka akong napatingin sa aking likuran dahil tila kanina pa may sinisipat itong si Lyric.

"Para kasing may sumisilip sa likod nang punong iyon kanina." napakamot pa sa kanyang ulo si Lyric.

Muli kong nilingon ang puno na sinasabi niya pero wala namang tao doon.

"Guni-guni mo lang yun." sabi ko na lang.

"Baka nga... anyway kinausap ka na ba si Sofi?"

Umiling-iling ako.

"Negative." sabay buntong hininga ko.

"Oh. Suko ka na agad?" natatawa nitong sabi.

"Siempre hindi 'no. Pahinga lang saglit, kapagod kaya maghanap sa taong ayaw magpahanap."

Nakita ko na naman ang smirk sa mukha ni Lyric. Kapag ganito siya ay malamang may naisip na naman itong kalokohan.

Ako naman itong napa smirk dahil tiyak akong may kinalaman ito upang mapalabas sa lungga si Sofi.

Hindi ko narin kasi alam ang gagawin kung paano ako kakausapin ni Sofi. Kahit sa bahay nila ay hindi ko siya magawang kausapin, hindi ko naman kasi pwedeng ipilit ang gusto ko sa bahay nila lalo na at baka magtaka sina Tita at Tito. Hindi pa ako ready na umamin sa parents niya.

"May naisip ako kaya lang hindi ko alam kung magugustuhan mo."

"Basta para kay Sofi, kahit ano pa yan ay gagawin ko." Buong determinasyon na sagot ko.

"Talaga ba?" pang-aasar nung isa sabay tawa niya.

"Umayos ka nga!" At sinamaan ko siya ng tingin, nagsimula na naman kasing mang-asar.

"So ano nang plano mo?" pagseseryoso kong tanong sa kanya.

"Ready ka ba talagang gawin ang lahat?" sumeryoso narin si Lyric.

Nagkatininginan pa kami. At sa mga tinging ipinupukol niya sa akin ay bigla akong nakaramdam ng kaba.

Bakit parang mabigat yata itong ipapagawa niya sa akin?

Napaisip ako saglit pero dahil nandito na lang din kami at disidido talaga akong ipaglaban itong nararamdaman ko ay sige. Kahit na ano pa iyan ay gagawin ko.

"Lyric, mahal ko si Sofi. Handa kong gawin ang lahat mapatunayan ko lang sa kanya itong nararamdaman ko." sabay ngiti ko nang sincere sa kanya.

"OWWW-KAY!" excited na sigaw nito. "Masaya 'to!" Natutuwang turan pa nito.

Ako naman ay napapailing na lang, ginawa niya talagang libangan itong ginagawa namin para kay Sofi.

Minsan nga hindi niya na nasasagot mga tawag ni Lyndon dahil mas intersado siyang alamin kung ano na ang ganap sa amin ni Sofi. Mas excited pa siyang malaman kung mapapapayag ko si Sofi na ligawan ko.

Hindi ko nga alam kung matutuwa ako or mag-aalala sa kanila ng boyfriend niya, kung ako kasi ang tatanungin ay gusto kong hiwalayan niya na iyon pero alam ko namang malulungkot na naman siya kaya di bale nalang. Mahal na mahal niya kasi iyong mokong niyang boyfriend.

"Nga pala dahil payag ka na, ngayon na mismo natin gawin. Wala nang patumpik-tumpik pa, aba sayang ang oras." tumayo ito at hinawakan ako sa braso.

"Teka saan tayo pupunta?" angal ko. Hindi niya rin ako nahila kaya nakaupo parin ako dito sa pinagtatambayan namin.

"Diba may klase pa si Sofi ngayon?" tanong niya.

Tumingin ako sa relo na suot ko.

"Yeah maya-maya mag start na yung klase siya, bakit?" takang tanong ko.

Operation: Make Her FallTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon