Chapter 3 - Time

346 31 3
                                    

Harper






"Ngumiti ka naman diyan." Pangungulit sa akin ni Lyric habang naglalakad kami papunta nang classroom namin.

Ngunit sinuklian ko lang siya nang pag-irap.

"Oy si Sofi oh."

"Saan?" mabilis na tanong ko na siya namang hagalpak nang tawa nito.

"Ayan ba ang iiwas?" pang-aasar pa nang kaibigan ko.

"Tsk, diyan ka na nga." At iniwan na lang siyang mag-isa.

Kagabi lang ang bait-bait na niya sa akin tapos ngayon inaasar na naman niya ako.

"Oy Harper wait." sigaw nito at hinabol ako.

Habang nagkaklase ay hindi ko maiwasang mapatingin sa phone ko. Nagbabakasakaling may text na mula kay Sofi pero hanggang ngayon ay wala parin.

Muli ay napabuntong hininga ako.

Sobrang miss ko na siya.





















































































"Saan mo ba ako dadalhin?" Hila-hila kasi ako ngayon ni Lyric.

"Kay Sofi." sagot niya kaya napahinto ako.

"Bakit? Akala ko ba gusto mong layuan ko siya?"

"Gusto ko nga, pero mas gusto kong makita kang masaya. Hindi ako sanay na ganyan ka. Kaya ibabalik na kita kay Sofi."

"Pero mukhang hindi niya na ako kailangan." Halos pabulong kong sabi.

Sinundan niya kung saan ako nakatingin.

"Tsk, bakit ba kung saan kita dalhin ay nandun din sila?" Napakamot sa kanyang kilay si Lyric.

"Tara na." ako na mismo ang humila kay Lyric palayo sa foodsquare.

Dito rin pala nag-aaral yung mokong na iyon?

Sa dinamirami-rami nang pwedeng makita sa foodsquare ay si Sofi at Santi pa.

Nang tuluyan kaming makalayo ay napag-pasyahan naming tumambay sa grandstand.

"Hindi man lang niya ako hinanap." mahina kong sabi.

Naramdaman ko na lang ang paghawak ni Lyric sa balikat ko.

"Magiging okay din ang lahat. Don't worry nandito pa naman ako. Hindi kita iiwan, ako na lang ang bagong bestfriend mo. Pero bawal kang main-love sa akin ah."

Kahit papaano ay napangiti ako sa sinabi ni Lyric.

"Kapal mo. Hindi kita type. Tsaka kay Sofi ko lang talaga naramdaman ang ganito."

Natawa lang siya sa sinabi ko ngunit ilang sandali ay sumeryoso ulit ito.

"Eh paano yan? Paano mo gusto mag move on? Tatanggap ka nang manliligaw or ikaw ang manliligaw?"

Sinamaan ko siya nang tingin. Ano ba naman kasi ang pinagsasasabi niya?

"I told you kay Sofi lang ako nakaramdam nang ganito, so bakit kailangan kong magpaligaw? Or manligaw???"

"Ah para maka-move on? Siempre kailangan mong ibaling sa ibang tao yang nararamdaman mo."

Napataas ako nang kilay sa kanyang sinabi.

Operation: Make Her FallTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon