Harper
"Tulala ka na naman." Ang bungad sa akin ng kaibigan kong si Lyric.
Nahuli kasi ako nitong nakatingin sa terrace ng kwarto ni Sofi.
Dito naman sa bahay matutulog si Lyric. Baka kasi magtaka pa si Mama kung bakit di ako umuwi kagabi. Thankful din ako sa kaibigan ko kasi hindi niya talaga ako iniiwan.
"Oh inumin mo muna, bigay ni Tita yan." Kinuha ko yung iniabot na gatas sa akin ni Lyric.
"Salamat." sagot ko naman dito.
"Hanggang kailan mo iiwasan si Sofi?" Pagbubukas ng topic ni Lyric.
Malalim na buntong hininga ang aking pinakawalan. Bago ko sinagot ang kanyang tanong.
"I actually don't know. Pero sobrang namimiss ko na siya." Malungkot kong sagot at muling binaling ang tingin sa kwarto ng aking kaibigan.
Narinig ko rin ang malalim na buntong hiningi ng katabi ko.
"Hindi ko na talaga alam ang gagawin ko sa inyo. Bakit kasi sa dinami-rami ng mamahalin mo ay siya pa." Pailing-iling na sabi ni Lyric.
"Kung ikaw nga nagkakaganyan, paano pa ako di ba?" Malungkot kong tugon.
"Hampasin kaya kita ulit ng unan? Malay mo magka amnesia ka."
Napakunot noo naman ako sa sinabi ng magaling kong kaibigan.
"Alam mo ikaw nagpapasalamat talaga ako na hindi mo ako iniiwan sa mga ganitong pagkakataon. Pero sobra yang pagka-sadista mo. Aba kanina mo pa ako hinahampas ah."
"Syempre ganun kita kamahal. Nang magising ka sa katotohanan ano."
"Eh kung ikaw kaya muna hampasin ko?" sagot ko.
"Kung makakalimutan mo si Sofi, papayag ako." sabay smirk ni Lyric.
Napailing-iling na lang ako at napangiti ng konti.
"Matulog na nga tayo!" Aya ko sa kanya.
"Kala mo ah. Tsk tsk mahal na mahal talaga si Sofi." Nangingiti pang sabi ni Lyric.
Kahit na madalas kaming mag-asaran ni Lyric ay lagi parin akong napapangiti nito. Ano na lang kaya ang nangyari sa akin ngayon kung hindi ko siya nakilala ano?
Baka naging ermitanyo ako sa kwartong to dahil sa kakaiwas kay Sofi. Ang totoo niyan kahit na minsan ay pinipigilan ako ni Lyric para puntahan si Sofi ay mas madalas naman siyang magpayo sa akin ng magaganda at talaga namang nakakatulong sa aming dalawa ni Sofi.
"Harper pwedeng magpahinga naman tayo?" Hingal na hingal na sambit ni Lyric habang nakahawak sa dalawang tuhod nito.
Kita ko rin ang pawisan nitong mukha.
"Sinabi ko naman kasi sayong matulog ka na lang ulit pero ikaw itong nagpumilit na sumama mag jogging." Nakapamaywang kong tugon kay Lyric.
"Eh ayokong maiwan mag-isa sa kwarto mo noh." sagot naman ng kaibigan ko.
"Wala namang mangyayari sayo dun, kung makatakot ka naman na mag-isa sa kwarto ko."
"Aba, baka mamaya biglang sumulpot si Sofi dun. Payag ka huh ako humarap sa jowa mong hilaw?" Paghahamon ni Lyric.
BINABASA MO ANG
Operation: Make Her Fall
Teen Fiction"Ahem, Oh sorry. Pero mukhang gumagana naman yung mic. Hello everyone siguro nagtataka kayo kung sino ako, well I am Harper Arceo and nandito ako para manawagan. I'm looking for my best friend Sofi Andres. Sofi, kung nasaan kaman ngayon alam kong na...