Sofi
Sunday.
"Hindi parin ba kayo nagkakaayos ni Harper?" tanong ni Macie habang patingin-tingin sa aking likuran.
Napalunok ako ng laway nang marinig ang pangalan niya.
Talagang magtataka siya dahil himalang hindi ko kasama magsimba si Harper.
Simula kasi nang magkasagutan kami nung Friday ay hindi ko parin ito nakakausap.
Naiintindihan ko naman kung hindi niya ako kakausapin lalo na at sinabi kong lumayo muna kami sa isa't-isa pero hindi ko inaasahang, susuko na lang siya basta. Isa pa, inaasahan ko siya kahapon na magpunta ng bahay at sabihing hindi totoo ang mga sinabi niya.
Ayoko pa nga sanang lumabas ngayon dahil iniisip ko parin yung sinabing mahal ako ni Harper. Ngunit kapag hindi ko pinagbigyan itong si Macie ay baka magtanong pa nang kung ano-ano kaya pumayag na akong magsimba.
Umaasa din naman kasi ako ngayon na makikita ko si Harper. Kahit pa na mayroon kaming hindi pagkakaunawaan... she's still my bestfriend.
Kung babawiin niya lang sana ang mga sinabi niya ay handa akong kalimutan ang pinag-awayan namin.
Ayokong mawala ang bestfriend ko, pero kung ipipilit niya ang gusto niya. Hindi ko na alam, dahil sa totoo lang... ni minsan ay hindi ko naisip na pumatol sa kapwa ko babae. Hindi naman ako against sa mga LGBTQ pero.... basta ang hirap ipaliwanag!
Nasanay lang siguro ako na buong buhay ko ay lalaki ang nagkakagusto sa akin tapos ngayon meron nang babae at BESTFRIEND KO PA!
"Sofi! Ano na? Tulala ka diyan?" nagtatakang tanong ni Macie.
Malungkot na ngumiti ako kay Macie.
"Mukhang hindi parin kayo nagkaayos, sa itsura mo pa lang. Akala ko ba ay kakausapin mo siya? Baka naman inaway mo?"
Napakagat ako ng labi.
Dapat ko bang i-share kay Macie? Ang hirap din kasi na mag-isa ko lang hinaharap itong problema ko kay Harper.
"After natin mag-simba ay may sasabihin ako sa'yo. But promise me na wala kang pagsasabihan."
May pagtatakang tumingin sa akin si Macie pero di kalaunan ay napatango ito.
"O-okay?" patanong nitong sagot.
Ngumiti na lang ako ng sincere saka siya inayang pumasok ng simbahan.
"O...M...G!" Napatakip pa ng kanyang bibig si Macie nang aminin ko sa kanya ang totoong nangyari nung friday.
"Hindi nga? Totoo???!?" hindi parin siya makapaniwala.
"Oo nga, mukha ba'kong nanti-trip lang?" saka siya inirapan.
"YIIIIIIEEEEHH" biglang tili niya na halos ikanganga ko.
"So anong sinagot mo sa kanya?????!" excited nitong tanong at halos mag heart shape ang mga mata na ipinagtaka ko.
"Macie?" hindi makapaniwalang tawag ko sa kanyang pangalan.
"Ay KJ naman nito. So ano ngang sinagot mo? Don't tell me nag walk out ka lang?" sabay kuha ni Macie sa Nova na binili namin kanina habang pauwi kami sa bahay.
BINABASA MO ANG
Operation: Make Her Fall
Teen Fiction"Ahem, Oh sorry. Pero mukhang gumagana naman yung mic. Hello everyone siguro nagtataka kayo kung sino ako, well I am Harper Arceo and nandito ako para manawagan. I'm looking for my best friend Sofi Andres. Sofi, kung nasaan kaman ngayon alam kong na...